Angelica Panganiban, gusto nang buntisin ni Derek Ramsay

THIS COMING DECEMBER ay almost one month na namang mawawala sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban sa bansa upang magkasarilinan ang dalawa. “Actually Morls, gusto ko na talagang magka-baby, pareho kami ni Angel, gusto na namin pero talagang wala pa, hindi totoong buntis siya,” kay Derek ang pahayag na iyon nang puntahan namin siya sa kanilang bahay sa Sucat, Parañaque.

Sinabi ni Derek na gusto na niyang magkaanak sila ni Angelica at wala siyang nakikitang masama kung sakaling mauna ang baby kesa sa kanilang kasal. Kung ako ang masusunod, simpleng wedding lang, hindi ‘yung malaki. Kumbaga sapat na sa akin ‘yung naroroon sa occasion na iyon ang aming mga pamilya at kaibigan.”

Sinabi pa rin ni Derek na kung siya ang masusunod, baby boy ang gusto niyang maging panganay nila ni Angelica. “Kasi ‘pag babae, kawawa naman siya dahil kakayanin lang ‘yun ng nakababata niyang kapatid lalo na kung lalaki pa ang kasunod niya. Tsaka sa akin lang mahihirapan na siya, over-protective kasi ako sa mga babae.”

Sa kabuuan, sinabi ni Derek na sa darating na Kapaskuhan ay magkakasama-sama sila ng kanyang pamilya. “At siyempre kasama du’n si Angel. Actually close na nga niya ang mommy ko dahil madalas silang nagtatawagan,” pagwawakas ng aming kausap.

NAKAKALOKA NAMAN SINA JC de Vera at Danita Paner, kulang na lang yata ay kasal dahil sa sobra nilang sweetness sa isa’t isa. Sa totoo lang ay naloka kami nang makita namin ang dalawang ito, kung saan ay nakakandong pa si Danita sa hita ni Jc.

Sabi ng aming source, hindi lang daw kandungan ang nangyayari kapag sina Danita at JC ang magkasama, sobra raw kung maghalikan ang mga ito, na mahihiya ang love birds na bago pa lang nangingitlog.

“Hay naku, ok na sa akin iyan, mabait naman si JC at alam kong hindi niya niloloko si Danita,” kay Daisy Romualdez ang pahayag na iyon na nagsabi pa rin sa amin na boto siya kay JC para sa kanyang anak na si Danita.

Sa kabilang banda, okey lang daw kay JC kung sina Rhian Ramos at DJ Mo na ngayon. “Wala na kaming communication ni Rhian kaya pangit naman siguro kung magko-comment pa ako tungkol sa kanya.”

Si JC at Rhian ay naging mag-on din nang kung ilang buwan. Iyon nga lang ay itinanggi ng aktres ang nasabing relasyon. “Wala na sa akin iyon, ang importante ay masaya ako ngayon.”

DAPAT SIGURONG PAGSASAMPALIN na ng walang humpay ang Kimerald na iyan dahil bukod sa nagiging pakialamero at pakialamera sila kina Gerard Anderson at Kim Chiu, ultimo buhay ng kanilang idolo ay pinagbabantaan na nila.

Hindi magandang grupo iyang Kimerald na iyan dahil kung mabuti silang fans club, dapat ay hindi sila nagsasalita o nagbabanta sa kanilang mga iniidolo o kahit na kaninong tao.

Matagal na kami sa showbiz at hindi namin kilala personally ang grupo ng Kimerald, pero kung ang pagbabasehan ay ang mga naglalabasang balita sa kanila, walang dudang dapat silang iwasan dahil hindi sila magandang ehemplo ng isang samahan.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleAlfred Vargas, pinag-aagawan na ng Dos at Siyete!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #178: October 18-19, 2010

No posts to display