Angelica Panganiban, gimmick lang ang pag-kamiss sa ama?

OLA CHIKKA! BONGGA ang drama nitong si Angelica Panganiban sa kanyang interview with Boy Abunda tungkol sa pagkikita niya sa kanyang long lost father. Bilang isang anak ay ramdam ko ang pagka-miss nitong si Angelica Panganiban sa totoo niyang ama.

Kung sa bagay sino nga naman bang anak ang hindi nananabik sa pagmamahal ng isang tatay. Kaya nga kahit pusong babae ako, sinisigurado ko na kahit minsan ay hindi maramdaman ng aking mga anak ang mawalan ng ama.

Ngunit ang pinagtataka ko lamang, matagal nang issue ‘yan at hindi na lingid sa madlang people ang eksenang iyan dahil minsan nang napabalita iyon. Ngunit hindi nga lang patok dahil noong mga panahong iyon hindi pa ganu’n kasikat itong aktres.

Kaklase si Angel ng anak ko noong highschool days nila at hindi naman niya itinatago ang pagiging ampon niya. Ang ikinatatawa ko lamang, kung bakit ngayon lang ginawang big deal ito, hindi ba? Obviously, dati bata pa siya at hindi niya kailangan ng ganyang intriga.

Ngunit ngayong malaki na siya, dapat matuto na siyang gumawa ng mga gimmicks upang pumatok sa madla. Matagal-tagal na rin kasing nawawala sa eksena ng movie at television ang ganda nitong actress.

Matapos ang pagsikat niya bilang Rubi, at gumawa ng pelikula ay wala pang project si Angelica ngayon. Kaya tama lang na mag-share siya ng kanyang experience for two reasons, first is to celebrate ‘yung joy na kanyang nadama at second, para may exposure. Pak!

HANGGANG NGAYON, NAIIRITA pa rin ako sa tuwing maililipat ko ang aking telebisyon sa Willing Willie dahil nga rito sa pagiging sobrang hinhin ni Shalani Soledad. Ilang linggo na siya sa programa, wala pa ring pagbabago sa kanyang performance. Bakit kasi hindi makinig ang management at ilagay na lamang siya sa simbahan gaya nga ng comment ng nakararami. Hahaha! Joke lang!

Bakit nga ba tinanggap ni Shalani ang offer sa kanya para mag-host sa ganu’ng programa? May nag-chikka kasi sa akin na ginagamit niya ang programa upang makilala, kahit puro negative issues ang binabato sa kanya dahil sa plano raw nitong tumakbo sa 2013 bilang congresswoman ng kanilang lugar. Tama nga naman, bad publicity is still a publicity.

Hindi ko mapigilang matawa nang mapanood ko ang isang episode ng nasabing show, kung saan contestant doon ang komedyanang si Joy Viado. Habang naglalaro, hindi ko matandaan ang exact words na sinabi niya ngunit para ang dating ay hindi nababagay si Shalani na mag-host sa Willing Willie. Mukhang na-offend ang babaeng host kaya naman siyempre pinagtanggol ni Willie sa pamamagitan ng pag-iba ng usapan.

Oh, tingnan n’yo? Marami nang nagtataka sa pagkakasali ni Shalani sa programang iyon dahil kitang-kita ang kanyang sobrang pagkahinhin gayong isang energetic na host ang kailangan sa programang ganu’n.

Kaya nga hindi ko rin maintindihan kung bakit nasabi ng aking parazzi girl, na kadikit ang mga kaibigan nitong si Shalani, na may maitim na nakaraan daw ito kaya hiniwalayan ng kanyang dating karelasyon na si P-Noy. Kung sinu-sino na raw ang nakarelasyon nito at ayon sa aking parazzi girl, napakalandi raw talaga nito. Mukhang hindi kapani-paniwala, hindi ba? Ngunit kung totoo man ito, du’n natin mapapatunayan ang mga “babaeng nasa loob ang kulo”.

MUKHANG NA-MISS N’YO ang aking maiinit na pitik-bulag kaya naman pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Angelica Panganiban, gimmick lang ang pag-kamiss sa ama?

  1. hoy!! swarding!!!my project c angelica noh?my movie cla ni piolo at my upcoming teleserye cla with greta and kc!!!kaloka ka!!!!!!!!!

  2. To Shalani:
    Yeah i agree.. Sana hindi na lang sya nagHOST, nasira sya sa public, kasi isang SANTA ang tingin sakanya then sabay nagpapagamit sya kay Willie..

Leave a Reply

Your email address will not be published.