Angelica Panganiban, dramatistang komedyante!

 

ISA SI Angelica Panganiban sa mga artistang kering-keri ang pagda-drama at pagiging komedyante sa telebisyon at pelikula. Inispluk nga ng aktres na mas mahirap para sa kanya ang magpatawa kaysa magpaiyak at nagpapasalamat rin na tanggap siya sa dalawang genre. Matagumpay si Angelica dahil napatunayan niyang may ibubuga siya rito sa mga tinamong karangalan sa husay ng kanyang pagganap. Sa drama, maraming beses na siyang na-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies at nanalo ng tropeo. Sa telebisyon, ginawaran siya ng best actress para sa bida-kontrabidang karakter bilang si Rubi. Sa pelikula, nakatanggap na rin siya ng best supporting actress award para naman sa A Love Story. Pagdating sa Comedy, panalo ang beauty ng lola n’yo bilang comedy actress for TV para sa Banana Split at Best comedy actress for movie naman for Here Comes The Bride. Ikaw na talaga, Angelica, ang dakilang dramatistang komedyante, hehe! Isa pa ngang pasabog d’yan, ‘teh!

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.