Guesswhodoes: Angelica Panganiban does the kicking!

Kontrobersiyal ngayon itong si Angelica Panganiban, huh! Una, dahil nakakaladkad ang kanyang namesung sa diumano’y pag-alis ni Cristine Reyes sa gag show na Banana Split. Pangalawa, kapipirma lang niya ng two-year exclusive contract sa Star Cinema. Kasama sa pinirmahang kontata ang pelikulang kasalukuyang tinatapos kasama si Gabby Concepcion at boyfriend na si Derek Ramsay na may titulong I Love You, Goodbye. Chika pa, may gagawin din siyang pelikula with Vhong Navarro at may isa pang kasama ang ilang Kapamilya actresses, huh! Naku Angel, ikaw na ang maraming raket, noh!

Bukod kasi sa mga pelikulang naka-line-up kay Angel, umaariba naman siya sa pagpapatawa sa Banana Split. Infernezz, kering-keri niya ang panggagaya kay Krissy sa “NNNN” segment ng nasabing gag show. Balak na nga rind aw niyang magpagawa ng mga damit na isinusuot ni Krissy sa SNN. May nasagap pa kaming chika na ang beauty raw ng lola n’yo ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Mexicanovelang Rubi na tinanggihan ni Kristine Hermosa dahil nga may pagka-daring ang role. Huwaaaw! Hindi ulit kinaya ng powers ko ang powers ni Angel, huh!

Pero kung frisbee ang peyborit sport ng kanyang Fafah Derek, mahulaan n’yo naman kaya ang peyborit ni Angel mga kaparazzi? Kita n’yo naman, enjoy na enjoy siya sa paglalaro sa bola, huh! Hihihi!

Guesswhodoes
by Jean Oli, Photos by Allan F. Sancon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.