Angelica Panganiban, dapat mag-ingat kay Gretchen Barretto?!

OLA CHIKKA! NAGBALIK na nga sa pag-arte itong si Gretchen Barretto ngayong magkakaroon siya ng teleserye sa Dos kasama si Derek Ramsay at Bea Alonzo. Pero hindi ang pag-arte ni Gretchen ang nakaka-excite dito. Alam n’yo kung ano?! Si Papa Derek! Chikka lang! Ang talagang kaabang-abang dito ay ang mga kagagahang gagawin nitong si Gretchen.

Kalat na kalat ang kontrobersiyal nilang litrato ni John Estrada na sobra sa pagka-sweet, eh! Sweet ba talaga ‘yun? Alam ng marami na sila ni Tony Boy Cojuangco, makipaghalikan ka nga sa ibang lalaki, ‘di ba, luka-luka!

Narinig ko naman mula sa aking Parazzi Girl na itong si Gretchen ay type na type itong si Papa Derek, kaya naman Angelica Panganiban, watch out! Kung hindi nagawang makaapekto ni Jinkee Pacquiao sa inyong relasyon ay tingnan natin ang magagawa nitong si Gretchen, dahil ‘what Gretchen wants, Gretchen gets’!

AT SPEAKING OF kagagahan ay napakagaga talaga nitong ex-PBB Double Up housemate na si Sam Pinto, ah! Kasimple-simpleng bagay hindi pa magawa. Napaka-brilliant, as in brilliant sa pagho-host! Yuck!

At dahil sa kashungahan niya, naihahalintulad tuloy siya rito kay Alyssa Alano. Pero excuse me pow! Para sa akin mas shunga pa itong si Sam. Buti pa si Alyssa, may confidence. Eh, itong Sam, ay naku! Nakasulat na nga ang sasabihin, ‘di pa magawang mag-host nang maayos.

Over my dead body, huh! Hindi ka nakakatuwa! Maganda ka nga, shunga naman. Eeeww!

BLIND ITEM: Sino siya?! Sino itong hunk actor na sustentado ng isang gay businessman as in big time talaga?

Dahil itong si hunk actor ay sinabak na rin ang pulitika, kaya naman si gay businessman, hard support na pati mga paraphernalia ni hunk actor sa pangangampanya ay sagot niya.

At take note! ‘Di lang mga paraphernalia ang ibinibigay ni gay businessman, huh! Pati bodyguard sagot niya, korak! Si Hunk actor may bodyguard pa! Say n’yo?! Say ko?! Wah ako comment!

Clue na lang, gusto n’yo? Tumatakbo siyang councilor ng 2nd district sa QC. Ay given na! Ayaw ni Mike Defensor ng ganyan. ‘Yun na!

Para sa maiinit na chikka at makatotohanang balitaktakan, pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Angelica Panganiban, dapat mag-ingat kay Gretchen Barretto?!

  1. naku naman…tita swarding…parang cnabi mong c sam door at parang isang lata ng gatas ng walang laman…hahahha…gamitin na lang sa tumbang preso….kaloka ka tlga mandaot tita swarding…natawa tlga ako…may ewe kp nalalaman…

  2. napakaamong mukha at matikas na pangangatawan ni alfred tarugo lang pala nya ang panghanapbuhay. mabuti naman ana kung lahat ng contitents sa qc ay mga veklush. sana nga lang ay mali

  3. buti nang shonga wag lang pangit ang mukha at ugali!!!! si sam nmn tinitira mo kasi nalilink kay willie… galit na galit ka kay wilie kasi d ka magkakapera kay willie,,,, ikaw ang shonga… buti nlng si sam.. d man marunong maghost, maganda at edukada nmn!!! ikaw kabayo na nga mukha mo, pangit pa ugali mo!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.