Sipat-eklat: Angelica Panganiban, binabastos sa kanyang Twitter account!

SIPAT: May BAGO nang TWITTER ACCOUNT si ANGELICA PANGIBAN. PANAY raw kasi PAMBABASTOS ang GINAGAWA ng FANS niya sa DATI niyang TWITTER, kaya DINELETE niya na ‘yon.
EKLAT: IGALANG n’yo naman kasi si ANGELICA… kahit PAMINSAN-MINSAN.

SIPAT: LILIPAT na si MANG DOLPHY sa SIYETE?
EKLAT: ILANG YEARS pa kaya ang PIPIRMAHAN ni PIDOL sa KAPUSO kung SAKALI?

SIPAT: Nasa TV5 na si MARICEL SORIANO.
EKLAT: TAGAL kasing mag-OFFER ng KAPUSO, e!

SIPAT: USAP-USAPAN [na naman!] na SUSUNOD na sa SINGKO si AGA MUHLACH.
EKLAT: PINAKAKAWALAN na ng DOS ang ‘USED’ TALENTS nila?

SIPAT: Hanggang NGAYON, e, USAPAN pa lang din ang PROJECTS ni AGA sa KAPAMILYA.
EKLAT: TAASAN n’yo pa, TV5, ang OFFER kay MORNING!

SIPAT: Nasa TV5 na rin si CHERYL COSIM.
EKLAT: Ahmmm… OKEY lang.

SIPAT: TATLONG TAON ang INABOT, sa WAKAS, MAPAPANOOD na ng FANS ni JUDY ANN SANTOS ang HABANG MAY BUHAY.
EKLAT: ‘BUTI na lang LUMIPAT na si CLAUDINE BARRETTO sa GMA-7, ‘no?

SIPAT: Kaya ‘WAG MALITO ang VIEWERS kung IBA ang HITSURA ni JUDAY sa SERYE at sa HITSURA niya NGAYON.
EKLAT: Ahmmm… may NAIBA ba?

SIPAT: UMARANGKADA ang RATING ng SOP FULLY CHARGED sa GUESTING ni CLAUDINE, ‘no?
EKLAT: DAMI kasing na-CURIOUS kung TRUE… na MATABA pa rin si CLAUDINE.

SIPAT: ‘KAYA niya ba akong HARAPIN?’ Hamon ni GEOFF EIGENMANN kay KRISTA RANILLO. Balitang may PROJECT na PAGSASAMAHAN ang DALAWA.
EKLAT: Ahmmm… TALIKURAN, keri mo, GEOFF?

SIPAT: May PATUTSADA si SUZETTE RANILLO kay GINA ALAJAR.
EKLAT: SUPER DELAYED REACTION ng TIYAHIN ni KRISTA sa FACEBOOK TIENES ni GINA.

SIPAT: ‘HINDI kita KILALA!’ Taray ng VETERAN ACTRESS sa SHOWBIZ REPORTER nang BATIIN niya ito. BUSY kasi sa ON-LINE CASINO ang HITAD na nagiging PABORITONG LIBANGAN niya LATELY.
EKLAT: In fairness, MABILIS ang VETERAN ACTRESS sa PAGPINDOT-PINDOT ng SLOT MACHINES. TALIWAS sa TITULONG IKINABIT sa kanya.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

12 thoughts on “Sipat-eklat: Angelica Panganiban, binabastos sa kanyang Twitter account!

  1. Kurak.. palakasan talaga.. si kris na ang talent lang ay dumaldal e ilang shows na ang binigay ng abs-cbn.. di naman talaga nagri-rate.. well etong sa bagong soap lang kung di pa sya gumimik ni James e di pa magkakainteres ang tao! pwe!

  2. hahaha! paminsan minsan lang?
    Eh halos ayaw niya nga ng ginagalang siya eh. Kasi sabi nga dati ng Bea Saw sa PBB house ang respect, in-earn yan, di yan basta basta iniimpose…

    Nakita pa naman kita nung sunday sa Greenbelt, nagyoyosi ka. Napaka-amo ng mukha mo. Napaka angelic. Napaka inosente. Sa lahat pa naman ng artista dati ikaw pinakagusto ko. Kasi magkaedad lang tayo tas feeling ko paglaki mo magiging karesperespetong tao ka, kasi nasa hitsura mo dati…kaso :(
    God bless you anyway.

  3. Kagabi nagbalita pa si Cheryl Cosim sa NewsBreak ng ABS-CBN. Pero tama lang yun kasi kung maganda nga naman ang offer di ba.

    Ang ABS-CBN ay parang PBA dahil nandun ang lahat ng sikat at magagaling. Pero sa dami ng magagaling may nababangko din. Kaya ung iba naglalaro na lang sa PBL o other league para maka-survive. Ganun din sa showbiz, pag di ka na sikat, iiwan ka na at lilipat sa GMA-7 at ngayon sa TV5.

    Ang mahalaga may kita at exposure keysa ma-tengga ka. Sana madami pang sumunod na umalis sa DOS. Kasi dun palakasan kay Deo Endrinal. kung bagets ka, dapat pagamit ka sa kanya gaya nila ni Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jason Abalos, Coco Martin, Ejay Falcon at madami pa. Bat si Kris Aquino ang daming palabas pano ang manager nya ay si Deo.

    • Sana nga i-pirate na ng TV5 ang mga talents ng Dos. ‘Di hamak na mas marami’ng pera ng PLDT group kaysa sa mga Lopezes, ‘no? Sorry na lang ang pang-hampas-lupang network na ‘yan! bwahahaha!

  4. EKLAT: In fairness, MABILIS ang VETERAN ACTRESS sa PAGPINDOT-PINDOT ng SLOT MACHINES. TALIWAS sa TITULONG IKINABIT sa kanya.
    answer: snooky serna?

Leave a Reply

Your email address will not be published.