Angelica Panganiban at Melai Cantiveros, mas lalong tumibay ang pagkakaibigan matapos magkatampuhan

Angelica-Panganiban-Melai-CantiverosMAGANDA ANG pasok ng taon kina Angelica Panganiban at mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil nagkaayos na sila matapos ang kanilang hindi pagkakaunawan noong nakaraang taon.

Angelica shared, “Galing akong taping noon ng Banana Split. Nalulungkot lang ako kasi siyempre nami-miss ko siya roon sa taping. So tinext ko siya. Kung anuman iyong nangyari sa amin, humingi ako ng tawad saka pag-intindi sa mga nangyari at kung may mga nabalitaan siyang hindi maganda na sinabi ko, sabi ko sana maintindihan na lang niya.”

It was Jason who read her text because Melai was already sleeping. Nagkuwentuhan daw sila ni Jason hanggang madaling-araw. Paggising ni Angelica, may text daw sa kanya si Melai.

Sinabi ni Angelica na para raw walang nangyaring tampuhan sa kanilang tatlo. Bumalik daw sa normal ang kanilang mga kuwentuhan. Nagkumustahan din sila last holiday season.

Angelica learned her lesson from their misunderstanding. Mas lalo raw ngayon tumibay ang kanilang friendship. “Siyempre iba na ngayon. Iba na iyong set of priorities niya. May pamilya na siya. May asawa na and magkaka-baby na.”

Kahit daw noong hindi pa sila okay ni Melai ay alam nila na darating ang panahon na maaayos nila ang kanilang gusot.

Bilang patunay na bumalik na sa dati ang kanilang pagkakaibigan ay napili siyang ninang ng first baby ng Melason.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Angelica Panganiban at Melai Cantiveros, mas lalong tumibay ang pagkakaibigan matapos magkatampuhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.