Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, nilalantad na ang relasyon?!

MAINIT NA umiikot ngayon sa loob at labas ng showbiz ang sinasabing tagong relasyon diumano nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Kapwa galing sa katatapos lamang na mga relasyon ang dalawa, ngayon ay sina Lloydy at Angelica ang pilit na iniuugnay sa isa’t isa.

Ano nga ba ang matibay na basehan sa mga naglalabasang balitang ito? Sabi nga nila, wala raw usok kung walang apoy.

There were several write ups and Twitter posts about the “rumored” couple being spotted together. Namataan daw silang magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa.

Angelica was previously asked by The Buzz about her status with Lloydy. She answered, “Matagal na naman kaming magkakilala. Matagal na kaming magkaibigan. Mahirap lang bigyan ng ibig sabihin, mahirap bigyan ng kulay. Kung ako iyong magbibigay ng kulay, baka mag-iba so hayaan muna natin. Hindi ko alam kung ano meron bukas. Siguro kung meron akong natutunan, ang natutunan ko [ay] iyong na-appreciate ko kung ano iyong meron ngayon. ‘Di ako mag-e-expect ng kahit ano kasi masakit iyon. So day by day lang, dahan-dahan ako.”

Matapos ang nasabing interview ay tila nanahimik ang isyu tungkol sa kanilang dalawa pero muling umingay ito when Angelica posted a photo collage in the photo-sharing site Instagram last August 12. Lloydy referred to their bonding as a “Perfect Sunday” na nakalagay sa post. Sa ilalim nito ay may nakalagay na caption: “Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth.” We learned later that the photo collage was posted by Lloydy using Angelica’s Instagram.

According to a reliable source of The Buzz, the two are still in the getting to know each other stage. They are both happy and there’s no need to hurry. Angelica is now more careful when it comes to love lalo pa’t ngayon lang niya nae-enjoy ang sariling buhay after coming from a long relationship.

In a recent product launch, Angelica was bombarded with questions linking her to Lloydy. She asked the media for some privacy. “Siguro may karapatan din akong huwag magsalita at piliin kong manahimik. Hayaan ninyo na muna akong i-enjoy ko iyong privacy at happiness na mayroon ako ngayon. In time, darating tayo diyan kapag nagdesisyon ako at bumait akong magsalita at i-share sa inyo kung anuman ang nararamdaman ko. Sobrang proud ako na gagawin iyon pero ngayon hayaan ninyo muna ako na nasa ganito.”

Dagdag pa niya, natutunan niyang mas mahalin ang kanyang sarili ngayon. “Siyempre mahalin mo ang sarili mo kasi kapag doon ka nagsimula, masaya ka na agad. Iyong ‘di mo na kailangan ng ibang tao para ma-appreciate ka kasi alam mo na iyong hangganan mo, ano ang magpapasaya sa iyo, ano ang p’wedeng ibigay at hindi p’wedeng ibigay at maiiwasan mo ang masaktan o malungkot.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, nilalantad na ang relasyon?!

  1. Hoy Boy Abundang Kalbo di na tago ang relasyon ng Lasengero at Lasengera na yan.. Bagay naman silang 2.. Kesa kay Derek ‘Frankenistin’ Ramsay na mukhang kontradida.

Leave a Reply

Your email address will not be published.