Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!

WALA NA nga yatang mahihiling pa sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban pagdating sa kanilang personal life at showbiz career. Napagsasabay nila ito kahit inuulan sila nang intriga tuwing may bago silang karelasyon. Naging controversial ang kanilang love affair dahil na rin sa mga issue na ibi-nabato sa kanila. May mga taong nasaktan tulad nina Shaina Magdayao at Derek Ramsay na parehong naging ex-dyowa ng dalawa bago naging sila.

Hindi naging madali kina Lloydie at Angel nang ma-in love sila sa isa’t isa na hindi inaasahan, hindi sinasadya. Parehong heartbroken, friendship na nauwi sa love relationship. Sa isang exclusive interview, sinabi ni Angelica, “Feeling ko talaga pinursue na rin niya ako. Parang dumating sa point na kinikilig na ako kapag nand’yan siya.”

Inamin ni Angelica, sa kanya unang nanggaling ang salitang ‘I love you’. “Sumagot din siya agad, hindi naman niya ako pinahiya. Walang pilitan na nangyari, lahat maayos, sakto, tama ‘yung pangyayari.”

Nang maging sila ni Lloydie, feeling ni Angel, puwede siyang magpakatotoo sa sarili na walang takot na mararamdaman, just being herself. “Kahit sinong babae na coming from a failed relationship, tapos may dumating na isang knight in shining armor.”

May pagkakataong ipinagpaalam pa ni Angelica si John Lloyd sa pamilya nito para mag-dinner ang binata sa bahay niya. “Hinihiram ko siya sa pamilya niya. Sabi ko, kahit after dinner na, huwag ka na lang kumain masyado, magdi-dinner tayo sa bahay. Akala niya magluluto ako, nagpa-set-up ako. ‘Yung buong dining area sa bahay ko, puro roses. Pagdating niya. Anong nangyari? Puro kandila ‘yung bahay. Akala niya may atraso akong nagawa at magso-sorry ako. Ang point ko lang doon, naibigay ko ‘yun sa taong hindi deserving. ‘Sa ‘yo ko pala dapat binigay na hindi ko kailangang magkamali para gawin natin special ‘yung isang gabi’.”

Nu’ng Valentine’s Day, niyaya ni Loydie si Angel mag-dinner na never na-experience ng actress sa past relationship niya. It was a memorable night para sa dalaga. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya click sila together. “Parehas ‘yung sense of humor namin. ‘Pag may hindi kami napagkasundu-an, hindi kami nag-aaway, mahinahon na mahinahon ‘yung lahat. Kakausapin niya ako nang maayos, mag-uusap kami, makikinig, sasabihin niya ‘yung side niya, ipapaintindi, magkikita kayo in between. Puwede pala ‘yun, ‘yung hindi kayo nagsisigawan ‘yung walang away na mangyayari. Minsan nagtataka din ako kung kami ba talaga. Sabi ko nga, nakahanap ako ng best friend at naging boyfriend. Wala kaming sikreto sa isa’t isa.”

Angelica welcomed back the friends na iniwasan niya noong time na sila pa ni Derek Ramsay. Ngayon nga, halos lahat ng kaibigan niya ay kaibigan din ni Lloydie. Puwede nilang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang kagustuhan. Bumalik muli ang confident ni Angel sa sarili with the support of her boyfriend John Lloyd. Sa bawat araw sa kanila, is a blessing, isang lalaking tunay niyang minamahal at minamahal din siya. “Mine-make-sure ko na, hindi lang ito ‘yung gusto ko, ito ‘yung kailangan ko. Mas masarap kasing nabubuhay ako nang walang expectations, binibigay lang niya sa ‘yo. Kaya mas malalim ‘yung balik sa akin ‘pag wala kang expectations, mas hindi ka masasaktan. ‘Pag may ibinigay sa ‘yo na hindi mo alam, mas masarap sa pakiramdam.”

 Photo from Angelica Panganiban’s Instagram

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

24 thoughts on “Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!

  1. Kung may pinatutungkulan si Angel, ibig sabihin, she’s just using her BF of today  to spite him…if this is the case, kawawa naman present BF. It really seems, she’s having a hard time moving on from her recent relationship…

  2. ang pangit naman ng picture nila sa baba ang laki ng ulo ng jlc tpos ang noo ang lapad din, prang pwde ng pglandingan ng airplane….tapos ang pula2 nila prang clang mga higad…..wg post ng post ng picture nyo kung makakasira nman ng itsura nyong iniingatan….

  3. Dapat to kay Angel matutong mabuhay ng walang lalaki. Bata pa naman sya i enjoy nya life nya na walang boypren. Hindi yong nilalaspag ang sarili sa mga lalaki. Mga artista nga naman matapos mag break  maya maya lang may ka tsuktsakan na namang iba. KADIRI!!!!

  4. As if naman seseryosohin si Angelica ni idol JLC. Pagsasawaan ka lang nyan Angelica!!! Pero mas malala pa din si Marian Rivera di lang sya ang nanligaw kay Dingdong, inagaw nya talaga. Ay, malapit na pala ipalabas ang flop movie nya. Dadami na naman ang langaw sa sinehan.

  5. Bakit me Sarah na naman akong nakikita dito sa mga comments? Nasa picture ba si Sarah? nabanggit ba ni Angelica ang name nya? Matinong tao si Sarah at kahit pa alam nya na may gusto si Lloydie sa kanya, at obvious din naman na nagkakagustuhan silang dalawa, alam nya kung saan nya ilulugar ang sarili nya. Sarah is smarter than anyone i know in showbusiness when it comes to using her brains over her heart. Napatunayan na yan ng ilang beses, Kya nga luhaan si Gerald di ba? Ha ha ha! To all Sarah’s haters and bashers, you will never understand Sarah kung hindi nyo kalevel ang values na meron sya. She way beyond your values’ comprehension, kung meron kayo kahit katiting.

  6. Sana nga hndi n sila mghwlay kc s sobrang oa ni angelica n ipakita n ok n xa kht hndi p(obviously rebound nya lng c jlc) eh bka maglupasay yan kpg iniwan ni jlc.kc nmn kun ako c jlc hndi ko mggsthan un pagtatalak nya tungkol s mga nega things abt derek n as if eh d nmn nya mnhal at d xa nagenjoy.kc kn msya n xa tlga,bat d nlng xa manahimik.puro kasiraan p rn ng x nya snsbe nya.hlatang bitter.not a fan of derek observation ko lng..so pg nghwly sila ni jlc sabhn n nmn nya d xa nging msya..i pity this girl..hltang my gsto lng ptunayan.d gayahin ung ibng artsta n kht ngwan n ng masma at niloko ng partner eh wla k nrinig n badmouthing their exs.haaayyy goodluck nlng syo angel

  7. Mga fdantards lang naman ni Sarah ang gumagawa ng issue. Nangangarap kasi silang sana si LLoydie na ang “maging sila” ni Sarah.

    • Bakit me Sarah na naman akong nakikita dito sa mga comments? Nasa picture ba si Sarah? nabanggit ba ni Angelica ang name nya? Matinong tao si Sarah at kahit pa alam nya na may gusto si Lloydie sa kanya, at obvious din naman na nagkakagustuhan silang dalawa, alam nya kung saan nya ilulugar ang sarili nya. Sarah is smarter than anyone i know in showbusiness when it comes to using her brains over her heart. Napatunayan na yan ng ilang beses, Kya nga luhaan si Gerald di ba? Ha ha ha! To all Sarah’s haters and bashers, you will never understand Sarah kung hindi nyo kalevel ang values na meron sya. She way beyond your values’ comprehension, kung meron kayo kahit katiting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.