Angelica Jones, tuluyan nang iniwan ng lalaking nakabuntis

Angelica-JonesABANGAN N’YO rin pala sa Startalk ang kuwento ni Angelica Jones na tuluyan na pala siyang iniwan ng lalaking nakabuntis sa kanya.

Wala raw suportang binibigay para sa kanilang anak. Mabuti lang at nandiyan daw ang magulang nu’ng lalaki na pumupuno sa kanyang pagkukulang.

Kaya hindi na raw siya umaasa at ang nakakaloka pa, magpapakasal na pala itong lalaki sa ibang babae.

Tanggap na rin naman daw ni Angelica Jones, ang hindi lang daw niya alam kung paano niya maipaliwanag sa kanyang anak ‘pag lumaki ito bakit wala siyang amang nakasuporta sa kanya.

Kung sakali, mag-aasawa na lang siguro si Angelica sa iba at ‘yun ang ipapakilalang ama ng kanyang anak.

Sa ngayon naman ay kaya naman daw ni Angelica na buhayin ang kanyang anak at nandiyan naman daw ang mga magulang ng lalaking nakabuntis sa kanya na all-out ang suporta sa baby.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.