ANGELICA JONES, IDINEMANDA NA SI ILLAC DIAZ!

NAKAKALOKA! KUNG ANU-ANO na ang mga pinalabas sa pagbabalik ng nag-iisang Superstar sa bansa! Although may katotohanan naman na inimbita nga siya ng TV5 para maging hurado sa katatapos lang na Talentadong Pinoy at napili na ang Ultimate Talentado na si Joseph Erwin Valerio a.k.a. Joseph The Artist.

Halu-halo ang pagsalubong ng balita sa pagbabalik ng La Loca Negra ng industriya.

Kaya nga nang usisain ko about it ang Superstar at nabanggit ko sa kanya na balita ko, uuwi na siya ng Pilipinas at hindi ko alam, huh? Simple lang ang buweltang sagot nito sa akin: “Ako rin, anak. Balita ko nga.”

Naturol namin ang nasabing balita sa Head of Entertainment and Creative Production na si Percy Intalan, na totoo ngang nagpaabot sila ng paanyaya sa Superstar para maging bahagi ng isa sa dalawang gabi ng nasabing contest. At in principle naman daw, pumayag ito. Kaya nga marahil may nakabalita ng kanyang pagdating.

Pero depende nga sa nakakakuha ng balita, nang ilabas naman ito, kinabitan naman ng intriga na sa oras na bumalik daw dito si Aunor, tiyak na hahainan ng warrant of arrest dahil sa mga producers na may atraso siya.

‘Eto, habang ginagawa ko ang kolum na ito, hindi na text message ang ipinaabot sa akin ng Superstar. Nahanap ko na si Inay, Eric!

Tinawagan na ako sa telepono. At doon namin pinag-usapan ang mga nasulat. Ang sa kanya, ang nasabi raw na mga problema niya with her producers, doon nga sa ibang bansa nangyari. At alam na naman daw ng mga tao na kung kaya may mga shows na hindi natutuloy, hindi naman sa kanya nagmumula ang pagkukulang. Kung tutuusin nga raw, siya itong dapat na magdemanda sa mga may pagkukulang din sa kanya.

Siyempre, dahil kausap ko na mismo ang Superstar, bukod sa kulitan at halakhakan at palitan ng mga kuwentong kung anik-anik lalo na sa inaantabayanang pag-uwi niya sa bansa, nabanggit ko na rin sa kanya ang sinabi sa akin ni Sir Percy nang usisain ko ito tungkol sa ginawa nilang pag-imbita kay ‘Nay sa TV5. Dahil pati ang mga demands na hiningi ng Superstar, inusisa na rin namin kay Sir Percy. At sabi naman nito, hindi naman nag-demand ng kung anu-ano ang Superstar kung natuloy ito sa kanyang pag-uwi.

“Dahil short stay lang naman sana ang gagawin niya, ‘yun lang naman ang hiniling niya. Pero, hindi naman siya nakauwi dahil nagkaroon nga ng karamdaman. Kaya, if not now, then we will invite her pa rin for another project. Hindi kami nagsasara ng pintuan para sa kanya. At kung may mga demands pa siyang hihilingin when the time comes, depende sa mga demands niya, bakit naman namin hindi ito aasikasuhin,” paliwanag ni Sir Percy.

Ipinarating ko kay ‘Nay Guy ang mga sinabi sa amin ni Sir Percy. Natuwa naman ito, lalo na nang sabihin ko sa kanya na nananatili naman palang open ang pintuan ng TV5 for her.

Sey ng Superstar, “Naku, ha, baka naman pag-uwi ko d’yan eh, bigla nila akong pagsarhan ng pintuan!”

Eh, ‘di sabi ko, try kong buksan for her.

Laugh nang laugh ang La Loca Negra. Basta marami na naman itong mga planong ishineyr sa akin. Mga planong tiyak na ikakangiti ng mga Noranians. Kaya ang mga tropang Noranians, especially ang mga ka-close ng Superstar since siya magsimula eh, magsipag-handa.

You can never can tell. Ay! You can never tell. Baka nandito na siya in our midst! Abangan!
SINABI NA NI Angelica Jones na magde-demanda siya kay Illac Diaz! Nang kumustahin ko ito nu’ng Lunes ng hapon via a text message, kinumpirma nito na nakapagsampa na siya ng kaso laban sa boyfriend ngayon ni Julia Clarete.

Tinanong ko kung ilang kaso ang isinampa niya at ang sagot ni Angelica eh, tatlong kaso raw ito pero hindi pa niya idinetalye kung anu-ano ang mga ito. Inulit lang niya na magpapatawag siya ng press conference

Kaya ang sumunod kong binalingan para kalampagin naman sa text eh, ang nag-e-emote na last week sa kanyang mga twits sa Twitter na si Julia, na iisipin mo nga eh, parang broken-hearted na sa nangyari sa kanila ni Illac.

Ask uli ako kay Julia kung sila pa rin ba ni Illac ngayon. ‘Yes’ and ‘no’ ang sagot sa akin ni Julia kaya ipina-elaborate ko ito sa kanya.

“Mahirap i-explain pero ‘pag malinaw na, promise, ikaw po ang unang makakaalam…;-(“

Kaya I asked her, kung nasaan na sila ni Illac sa puntong ito ng kanilang relasyon.  Cool off ba? In speaking terms pa ba sila?

“In speaking terms at kami pa rin! Pero may taning na ang relasyon. Kung hindi magbabago ang ihip ng hangin.”

Ask ko uli kung malaking factor ba si Bokal Angelica sa itinatakbo ngayon ng relasyon nila?

Hindi na muna sumagot si Julia about it. At alam na rin niya na may demandang inihain sa kanyang boyfriend ang nasabing bokal. Abangan din ang mga kaganapan!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.