Angelica Jones, idedemanda ang pulitikong ama ng pinagbubuntis!

MAGDEDEMANDA SI Angelica Jones laban sa politician na si Batangas Councilor Gerard Alday kaugnay sa pagtalikod nito sa kanyang kalagayan ngayon.

“Oo, plano ko talagang magsampa ng kaso. Pero sa ngayon, mas gusto kong paghandaan ang pagdating ng aking anak na si Angelo Timothy Benedict,” sabi ni Angelica nang makausap siya ng Pinoy Parazzi sa Rembrant Hotel.

Ayon kay Angelica, nagulat na lang siya nang bigla siyang iwanan sa ere ni Councilor Gerard.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Dahil noong una, siya ang may gustong magkaanak na kami and yet nu’ng malaki na ang tiyan ko, hindi na siya nakikipagkita sa akin. Ni wala na ka-ming communication, basta na lang niya akong iniwan sa ere,” sunud-sunod pang sabi ng actress-politician.

Sa kabuuan, sinabi ni Angelica na mahirap ang kalagayan niya ngayon, lalo pa at anytime ay manganganak na siya, kung saan nakatakda siyang magsilang sa Global Hospital.

“Normal delivery ako, pero titignan pa rin. Kasi alam n’yo naman na may problema sa matris ko, ‘di ba? Kasi ‘yung myoma, nandu’n pa rin,” pagwawakas ni Angelica sa Pinoy Parazzi na agad namang sinalo ng kanyang ina ang sumunod nang kuwentuhan.

“Masaya ako dahil magiging grandmother na ako. Pero hindi ako magpapatawag na lola, kasi parang matanda na ako. Pero sa totoo lang, kahit iniwan si Angelica nu’ng lalaking ‘yan, masaya pa rin ang aming pamilya dahil mala-king blessing ang pagdating ni Angelo sa amin,” sabi ni Mommy Beth.

Ayon kay Mommy Beth, hindi raw niya sukat akalain na babastusin at iiwan si Angelica ni Coun. Gerard. “Maganda ang ipinakita namin sa kanya. Tinanggap ko siya sa bahay namin at hindi ko akalain na gaganu’nin niya kami. Inilagay niya ang anak ko sa malaking problema. Pero okay lang kahit hindi niya panagutan ang anak ko, hindi namin iyon kawalan.”

Sa kabilang banda, nananatiling tahimik ang sinasabing ama ng ipinagbubuntis ni Angelica, dahil ayaw nitong maeskandalo ang pamilyang tinitingala sa Batangas.

 

PERSONAL NA nakausap ng Pinoy Parazzi si Nora Aunor sa taping ng programang Untold Story. At ayon sa Superstar, masaya siya dahil this coming September 4 ay tutulak siya patungong Berlin kasama si Direk Brillante Mendoza para sa pelikulang Thy Womb.

“Actually, masayang-masaya ako dahil ang dami-daming pelikula ang sumali sa Berlin Film Festival, pero ang movie’ng Thy Womb ang isa sa mga napili. At iyon lang ay maituturing na nating karangalan,” pahayag ni Mama Guy.

Ayaw nang pag-usapan ng nag-iisang Superstar ang Metro Manila Film Festival na nandeadma ng kanilang pelikula. “Kung hindi nila nagustuhan at nakapasa sa standard nila ang Thy Womb, iginagalang natin iyon. Ang importante ay napansin tayo sa Berlin at sa iba pang bansa.”

Sinabi ni Mama Guy na hindi siya umaasa ng acting award dahil ang mapanood lang daw at mapasali sa Berlin ang kanilang pelikula ay masaya na siya.

Sa kabilang banda, tinutuligsa si Mama Guy ng ilang detractos, kung saan ay nagsabi ang mga ito na mas bongga raw sana kung hindi lang pagre-repack ang ginawang tulong ng Superstar sa mga nasalanta ng habagat. Dapat daw ay nag-donate ito.

“Ako naman ay hindi nagpapapuri sa kanila. Basta ang ginawa kong tulong ay taos-puso. Actually, noon pa man ay tumutulong na tayo sa mga kababayan natin kapag may mga ganitong kalamidad. Ayoko nang isa-isahin pa kung ano ang ating ibinigay. Basta ang importante ay alam natin sa ating sarili na kahit paano ay masaya tayo dahil alam nating may mga taong napapasaya tayo,” pag-lilinaw ni Mama Guy.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Angelica Jones, idedemanda ang pulitikong ama ng pinagbubuntis!

  1. Kung sino pa yung nagpa-etot siya pa yung magdedemanda? ANO? Hindi ko ma gets ang intention ng BOBANG ito? Did he RAPE you? Wala namang rape na ng yari…consenting adults kayo nang naganap ang pagjojontis mo! GAGA!

    • Nagmamalinis tulad ni Katrina Halili buti na lang at may video na nasasarapan– para maipatunay na makate at ahas siya. Pareho lang kaying dalawa. It takes two to TANGO po!

  2. Intindihin nlng ntin c Nora kung ala xang pandonate eh sa wala n ngang pera eh natalo s sugal at naibigay n k John rendez…kung nanalo sna xa s sugal eh di sana malaki un maidodonate nya eh minalas sa susunod nlng magdonate nxa at dn mag-repack lang!!!

  3. Ano ba Angelica, puro na ba lang kaeskadaluhan ang mga balita sa yo? Kung hindi ka kasi nagpakantut sa politikong iyan na hindi pa kayo kasal, e wala ka sanang sakit ng ulo at wala ka sanang problema ngayon. Yong pinairal mo kasi ay yong pagkabobo mo. Hindi mo iniisip na pre-marital sex is not right. Public official ka pa naman at dinumihan mo yong pangalan mo sa pagka unwed mother dun sa mga kabataan. What kind of an example are you to the youth?

    • Felix, grabe k nmn.. ndi sa kinakampihan ko si angelica. anmg lalake kung me sense of responsibility mapaone-night stand man yan eh papanagutan ka. in short, kahit ikasal sila kung iiwan ka ng lalake eh iiwan ka tlga. she dont deserve to be judge the way that you do, nobody wants to be ditched especially kung public figure.

      • It takes two to TANGO bakit yung lalaki yung sinisi mo? Dapat nagpa IUD si Boba o nakipagtalik sila na hindi siya ovulating– That for me is RESPONSIBLE!

      • Agree – that for me too is being RESPONSIBLE.. At isa rin sa problema ng karamihan ng Pinoy ay yong anak ng anak na isang dosena at wala namang trabaho ang mga magulang nito ergo hindi makakain at hindi makapag-aaral. The root of the problem for this ay ang pagka eresponsable ng mga magulang. Just like sa ginawa ni Angelica and the politician, kung mag pre-marital sex kayo at wala pa sa isip ang pagpakasal nyo or hindi pa kayo ready, gumamit ng stocking. Yon lang yon. At sake agree ako na yong pag pre-marital sex nila was I’m sure gusto nilang dalawa. They are both politicians and therefore dami ng alam sa buhay kaya silang dalawa mga eresponsabli ang dating. Peace Keith.

      • Keith, hindi pag judge yon, those are facts. Kung ayaw mong magka problema, why do you have to engage in pre-marital sex in the first place? Yon ang ibig kung sabihin. As a public official, she should be a good role model to the youth. Ang pagbubuntis sa labas ng kasal ay kinokonsider pa rin sa conservative country like the Pinas na mali at immoral. I’m just merely telling the truth. If you don’t want to be called a horse, then don’t act like a horse. If you want people to know that you are a nice dog, then act like a nice dog. Kaya nga nagka problema si Angelica ngayon at humantong sa demandahan dahil sa pagbuntis nya. Yang ang root ng problem ni Angelica, yong pag buntis nya and what I was trying to say is she should have thought of the consequences before she agreed to the pre-marital sex. Peace Keith.

      • At isa pa Keith, ang ganda pa naman ni Angelica at politician pa, sinayang lang niya ang lahat. Sa kultura kasi natin, kung nagkaanak ka out of wedlock , parang ang sama na ng tingin sa yo kasi conservative pa rin ang Pinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.