Angelica Jones, full of spite

RAMDAM NAMIN ‘YUNG reaksiyon ng mga nanood ng repeat ng Gary V: Kive @ 25 sa Araneta Coliseum sa aktor na si Jericho Rosales – pandemonium, in fairness. Video pa lang nito ang lumabas, tilian na ang crowd, lalo pa nang personal na itong makikanta kay GV.

Eh, ‘sangkaterba na nga kasi ang cute na cute ngayon sa aktor, lalo pa sa commercials nito na natutunghayan na sa TV.

May apat na buwan nang pinatutugtog sa airwaves ang version niya ng ‘Di Bale Na Lang ni Gary V. Pero soon, gagawan na ito ng music video. At hiniling ni Echo kay Mr. M (Johnny Manahan) kung puwedeng si Kristine (Hermosa) ang maging leading lady niya sa nasabing MTV, as part of the tribute album for GV na ire-release ng Star Records. At kelan nga lang, pumirna na ng multiple contracts sa ABS-CBN si Echo.

Looks like, he’s found what he’s looking for sa trabaho niya. Eh, ang lucky girl? Meron na nga raw ba itong ina-eye pero hindi pa rin lang maibulalas ng kanyang bibig?

NAKASAMA NAMIN SA lakad ng ilang members ng media sa Tinamnan, Lucban, Quezon recently si Angelica Jones at ang kanyang butihing inang si Mommy Beth to have a ‘healing’ session with the known healing priest ng nasabing lugar na si Fr. Joey Faller, kung saan matatagpuan ang Kamay ni Hesus.

Sa one-on-one kay Father Joey after ng healing mass, minamasdan lang namin si Angelica habang nagpapa-heal siya kay Father Joey. Hindi naman niya ikinaila na after that session, nasambit niya lang ang mga katagang ‘masarap pala talaga ang magpatawad.’ Hindi na kinailangan ni Angelica na sabihin pa ang mga kailangan niyang patawarin na in so many ways eh, umapi rin sa kanya at sa kanyang ina.

Kahit na nga may lakad siya that Sunday, kinansela ni Angelica ‘yon para lang makarating sa Kamay ni Hesus. May plano nga sanang proyekto si Father Joey sa darating na Lenten Season, at kinausap na niya ang mga mai-involve sana sa kanyang Lenten presentation na ‘Cuaresma’ pero masyadong malaki ang budget na kakailanganin nito, kung saan kabilang sana sa magsisiganap sina Boyet de Leon as Pontius Pilate at Katrina Halili as Mary Magdalene at ididirihe ni Maryo J. delos Reyes. Pero dahil nga malaki ang budget na kakailanganin, ayaw rin naman ni Father Joey na masabi ng mga taong gumagasta sila nang napakalaki sa panahon ng krisis. Pero isusubi niya raw muna ito at malamang na ituloy next year. Kaya nang makita naman niya si Angelica, nasabi ni Father Joey na nakita na niya ang makagaganap bilang Birheng Maria.

Busy pa rin pala si Angelica sa pag-iikot sa iba’t ibang probinsiya para sumalang sa mga shows. Pero when she’s in Manila, paspas siya sa pagda-diet dahil sa isang commercial na isu-shoot niya soon at para na rin daw sa taping ng isang international teleserye na dito isu-shoot pero mauunang ipalabas sa Australia. Para mapabilis daw ang pagpayat niya, nag-enroll siya sa Elorde Gym para mag-boxing o Muay Thai. At nakatakda na rin siyang kumuha ng speech lessons para raw hindi na siya pagtawanan ng mga umaalipusta sa kanyang pag-i-Ingles.

HINDI PA NGA naaayos ang ‘war’ sa pagitan nila ni John ‘Universal’ Sweet Lapus, mukhang nasa war path naman sina Kuya Boy Abunda at Dra. Vicky Belo dahil sa nabitiwang mga salita ni Dra. Belo na ayaw mo mang lagyan ng laman o ibig sabihin eh, para na ring may gustong tumbukin. Para nga naman sabihin ni Dra. Belo na kung gusto nilang maging kamukha ni Kuya Boy eh, kay Calayan magpunta ang mga tao, at kung gusto naman nilang magmukhang Dingdong Dantes o Piolo Pascual eh, sa kanya pumunta. Meron nga namang gustong ipahiwatig.

Hindi napigilan ni Kuya Boy ang maging emosyonal sa SNN (Showbiz News Ngayon). Sabi nga ni Kuya Boy, narating niya ang kinalalagyan niya sa mundo ng showbiz na wala siyang tinapakang mga tao, at minsan din siyang naging bahagi ng buhay ni Dra. Belo kung saan naman ang efforts na ibinuhos niya eh, buong-puso niyang ibinahagi.

Where this is coming from eh, kakailanganin pa sigurong i-elaborate ni Dra. Belo para mas malinawan ang mga tao, lalo na ang kanyang pinatutsadahan sa paraang ginawa niya, na si Kuya Boy!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Angelica Jones, full of spite

Leave a Reply

Your email address will not be published.