Angelica, gusto nang makipag-ayos kay Claudine

KAPAG NAAYOS NA raw ang lahat, bandang March o April daw magsisimula ang taping ng teleseryeng pagbibidahan at pagsasamahan nina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, sabi ng aming source.

Dalawa raw sa pinag-iisipang maging leading men nina Gretchen at Angelica ay sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Bukod sa dalawang aktres, baka may isama pa raw na isang sikat na TV host-singer-actress na marunong ding mag-acrobat at anak ng isang sikat na aktres hanggang ngayon at ng guwapo pa rin at magaling na aktor.

Kung hindi kami nagkakamali, Alta ang magiging title ng nasabing teleserye na gagawin ng Dos. Alta is short for Alta-Sosyedad.

SPEAKING OF VHONG Navarro’s leading lady in the horror-comedy flick na Bulong, handa na raw makipag-ayos si Angelica Panganiban sa nakaalitan nito at ate-atehan noon na si Claudine Barretto.

Gusto raw maging positive ng aktres this year, lalo na nga’t maganda ang na-ging takbo ng kanyang career last 2010 at para bumongga pa nga naman ngayong 2011.

Sana nga’y tuluyan nang magkabati ang dalawa.

Inamin naman ni Angelica na minsan na raw nilang napag-usapan ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay ang tungkol sa kasal. Pero mukhang malayo pa raw iyon sa kanilang plano. But definitely, hindi raw nila itatago sa publiko kung sakaling lalagay na sila sa tahimik.

NAKITA NAMIN NANG mag-look test ang bagong partners on big screen na sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa main building ng ABS-CBN, kung saan tinitignan ng kanilang direktor kung babagay ba sa kanila ang mga damit na ipapasuot sa kanila sa pelikula.

In all fairness, bagay ang dalawa at may dating, ha?! Lalong gumuwapo si Gerald ngayong nabawasan ang kanyang timbang. Kitang-kita naman ang glow kay Sarah na talaga namang ang laki ng iginanda simula nu’ng mag-umpisa s’ya sa showbiz.

Actually, ang tingin namin, eversince ay may pagka magka-level ng beauty sina Sarah at Kim Chiu. Simple and charming. Kaya pareho naman silang big stars ng kanilang henerasyon.

Kahapon pa lang daw kinunan ang mga eksenang magkasama sina Gerald at Sarah, kaya mula sa presscon ng bagong teleserye ng young actor, nagmadali itong tumungo sa location nila.

Late March daw nakatakdang ipalabas ng Star Cinema ang Gerald-Sarah movie na tiyak na pakikiligin din tayo after ng post-Valentine film nilang Embrace Me which stars Aga Muhlach and Angel Locsin.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.