Parazzi Chikka: Angelica at Cristine: Tapos ang away!

Pagkalipas ng ilang buwang hindi pagpapansinan, nagkabati na rin sa wakas ang Kapamilya beauties na sina Angelica Panganiban at Cristine Reyes!

Matatandaang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa hindi pagkakaintindihan sa set ng Banana Split. Pinagkakaisahan diumano nina RR, Pokwang at Angelica ang little sister ni Ara Mina kaya ito nag-resign sa programa at muntikan pang bumalik sa GMA-7.

Kamakailan lang, nagbalik-Kapamilya na si Cristine. Nakapag-usap na rin sila ni Angelica at inayos ang problema. Sabi nga nila, walang hindi nadadaan sa ma-beauty’ng usapan. Me ganu’n?!

Anywayz, mapapanood natin si Cristine sa bagong episode ng Your Song. Uumpisan naman ni Angelica ang Pinoy version ng Mexicanovelang Rubi.

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.