Angel Locsin, worth P1-M ang irarampang gown sa Emmys!

BONGGA ANG MGA gowns na inihanda ni Angel Locsin para sa kanyang pagpunta sa International Emmys kahapon. Hindi basta basta ang mga gowns na ito dahil ang isang gown na susuotin ni Angel mismo sa red carpet na gawa ni Michael Cinco ay nagkakahalaga ng isang milyong piso!!! Yes! Tama ang nabasa n’yo! Ayon ‘yan mismo sa kuwento sa amin ng kanyang manager na si Becky Aguila na kasama ni Angel na lumipad patungong US.

Hindi nga raw nakasama si Piolo Pascual sa kanyang pagpunta sa Emmys dahil ngaragan ang taping nila ni KC para sa pagta-tapos ng Lovers in Paris. Nag-congratulate naman daw si Luis Manzano pero walang alok na samahan siya sa US na nangyari, kuwento ni Angel.

Lahat ngayon ay nakaabang kung anong kinalabasan ng awards night, kung naiuwi ba ni Angel ang big award for Best Actress. Bago pa man sila umalis, masaya na ang kanilang kampo sa nomination na kanilang nakuha at bonus na talagang maituturing kung makukuha pa ni Angel ang big award. Si Angel ay pangalawa pa lang sa Pinoy actresses na na-nominate sa naturang award giving body – una ay si Tessie Tomas para sa pagganap nito ng Imelda Marcos.

Nagbubunyi for sure ang mga fans ngayon ni Angel sa big achievement na ito ng kanilang idolo at mas mag-e-enjoy talaga sila dahil bukod sa pelikulang gagawin nila ni Aga Muhlach, may teleserye pa itong gagawin kasama si John Lloyd Cruz. Nagsimula na nga ang brainstorming para sa magiging takbo ng kanilang teleserye at isa ito sa mga magiging offering ng ABS-CBN sa 2010.

Good luck Angel at congratulations!

SI DINGDONG DANTES ang namuno sa naganap na Alliance of Youth Organizations convention kahapon, Linggo, sa Quezon City Circle kung saan napakaraming mga grupo ng kabataan mula sa iba’t ibang bahagi nang bansa ang nagtipun-tipon para magpakita ng suporta para sa ine-endorso ni Dingdong na presidentiable.

Pero may ilang bagay na nilinaw si Dingdong tungkol sa kanyang pagpapakita ng suporta sa alyansa ng mga kabataang ito. Hindi raw ito bahagi ng kanyang paghahanda sa pagtakbo sa pulitika. Masaya na siyang nakatutulong at nakapagpapakita ng suporta sa mga taong pinaniniwalaan niyang makapagbibigay ng magandang pagbabago sa ating bayan, at hanggang doon na lang muna. Pero sinundutan namin ito ng tanong na, “Kung sakaling manalo nga si Noynoy, at alukin ka ng puwesto sa gobyerno na magpo-focus sa mga kabataan, tatanggapin mo ba?” Pareho lang din ang naging sagot ni Dingdong, sinabi pa niyang nag-e-enjoy siya ngayon nang husto sa takbo ng kanyang showbiz career kaya roon na muna niya gustong mag-focus, pero dinagdagan niya ito ng linyang, “I’ll cross the bridge when I get there.” Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga tao sa naturang presscon na baka magbago ang isip ni Dong.

Hindi man tumakbo si Dingdong, sangkaterba naman ang mga artistang tatakbo sa 2010 elections sa iba’t ibang posisyon sa local at national posts. Bukod sa mga obvious na celebrity re-electionists, sorpresa ang mga bagong pangalang tatakbo tulad nila Angelica Jones, Lani Mercado at Alfred Vargas.

loading...

13 thoughts on “Angel Locsin, worth P1-M ang irarampang gown sa Emmys!

  1. i like angel but her gown’s definitely not simple and elegant but rabbish for a short lady. the upper part is okay but definitely not the lower part. she looks like a human goldfish.

  2. ONE MILLION PESOS NA GOWN????!!!!!!!!!!!!! ano yan anak ng hari sa middle east…ano ba meron sa gown na yan? MERON BA YAN BELGIUM DIAMONDS AT SAUDI GOLD…..para maging ONE M.!!!!!!!! gayahin ko yan, mas maganda pa sa halagang 10K lang..pramis

    • ano ka ba, parang pinagpapawisan ka sa INGGIT! huwag mo na problemahin yon, i’m sure enjoy na enjoy si angel sa NEW YORK umakyat sa stage para sa PARANGAL!

  3. angel tsimay pokpok
    tanga ka pla eh…c angel n mismo ngsabi n sponsor un..just like un mga artista s hollywood..kya nga inaask ng reporters “who are u wearing” hde pra magmayabang pero pra sabihin kung cno ngsponsor..manood ka kc ng tv patrol kung atat ka kay angel at ang humble humble nya n cnbi “mgpapasintabi lang po ako ah, hde ko po kaya mgsuot ng 1 m n gown sponsor po un”
    bobo ka kc may papokpok pokpok ka pa..kung bitter ka mgmove on ka n wg ka magmake ng allegations n imbento!ISA KANG MALAKING CRAB!

    • ay korek ka dyan mae, hindi lang yan crab kundi lobster, lol! inggit lang yan sa achievements ni angel. sa kanya nababagay ang user name niya.

  4. kitams! mamahalin ang gowns kaya ano sabi niya? di daw siya magastos? in denial na nga sa pagiging pokpok niya sinungaling pa dahil di daw siya maluho. ang dami nga niyang pina auction na mamahaling gamit niya. iba talaga basta may mga rich non showbiz boyfriends, on second thought, bfs nga ba or ka one night stand lang niya ang mga mayamang lalake na iyon. talbog si ate shawie sa kayamanan ni angel pokpoksin!

    gumaling na daw sa acting si pokpoksin, really? sa haba haba ng panahon nakitaan din pala ng improvement si pokpoksin? nagsimula bilang teen star pero ngayon lang nakitaan ng improvement? hahaha! buti pa ang ibang baguhang artista makikita mo talaga na may potential sa drama pero si pokpoksin kung kailan pa tumanda saka pa napansin na gumagaling na daw!

    • hello!!! watch mo kaya interview nya before she left the country!!
      she mentioned na sponsor yung gown nya!!!
      so it means she didn’t pay for it!!
      do your research first before you criticize some one else!!!
      your thoughts just reflect that you’re a low class person with rab mentality!!
      just be happy for her!!!
      ok!!!

    • I hope Angel comes home with an emmy trophy, another milestone on her overly successful career…. Angel, you make us so proud already by just being who you are, talented, beautiful and makatao.. Your millions of fans are rooting for you.. This disgusting blogger has relentlessly malign your character but to no avail. Kawawang nilalang.

    • To angel tsimay pokpok,

      Huy tapos ka na bang maglaba, mamalantsa at magluto baka mahuli ka ng amo mong nakikialam sa computer niya. Huwag mong masyadong problemahin kung binili man ni angel iyong gown niya o hindi, mas intindihin mo kung paano ka sasaya. masyado kang affected. magkano ba per hour mo? ipaglinis mo na lang ako ng bahay at ng hindi kung ano ano ang pinag-iisip mo.

    • psst! pinabibili lang kita ng toyo at suka ah. bakit ka andito? dalian mo na dyan at magsisipilyo ka pa. ang baho na ng bunganga mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.