Angel Locsin, walang ka-stress-stress sa buhay

KATATAPOS LANG ng Christmas Party for the media ng TV5. Umuwi namang may bitbit na pera ang mga imbitado dahil sa “color coding” ball game na automatic na sinalihan nila.

Pero dismayado ang karamihan. Hindi nila ini-expet na ‘yun lang. Ang ini-expect nila, malaki-laki sanang take-home nila lalo na’t Christmas Season.

Kumpara sa last Christmas Party, ‘di hamak na mas bongga raw ang give-aways. Mas fabulous ang mga perang pinakawalan. Kaya tuloy, mukhang tutoo ang kumakalat na balita na palugi na ang TV5.

Una, ang mga publicist ng shows nila, isa-isa nang pinagtatangal kung hindi man tuluyan na nangawala.

Pangalawa, is it true na for the past two years, almost 9.9 billion pesos na ang lugi ng TV 5 dahil sa mga walang kapararakan nilang shows na hindi kumikita?

Dahil sa negative impressions (na dapat patunayan ng mga taga-TV 5 na hindi totoo), may power struggle din sa production department.

Come 2013, etsa-puwera na si Perci Intalan-VP for Entertainment sa posisyon niya at papalitan na ni Wilma Galvante na pumusisyon lang at nagparamdam sa nakaraang talent search nila na Artista Academy? ‘Di hamak daw na mas bagay kay Wilma ang posisyon to handle the station’s entertainment shows dahil ilang taon din niya itong hinawakan sa iniwanang Kapuso Network compare kay Perci na ang tawag ng isang veteran showbiz columnist ay “accountant” at walang alam pagdating sa konsepto at pagpapatakbo ng local entertainment production?

“For the past two years, ano nangyari sa mga shows nila, meron ba?” kuwento ng source namin.

Kaya nga kahit ano man ang gawin ng TV5 sa mga palabas nila, kulelat pa rin. Feeling ko nga, wala silang ipinag-iba sa government station na PTV 4 pagdating sa creativity at diskarte.

Daig pa sila ng Net 25!

 

TAHIMIK ANG lovelife ng mga bida sa pelikulang One More Try. Masaya kasi sila sa kani-kanilang partners na patunay lang na sa isang pelikula na kailangan ng promotion at publisidad, hindi kailangan na paglaruan ang anggulo tungko sa kanilang mga lovelife.

Open si Dingdong Dantes sa relasyon nila ni Marian Rivera. Sa katunayan, last Thursday, lumipad papuntang Las Vegas ang dalawa para magbakasyon and at the same time ay manood na rin ng laban ni Manny Paquiao.

Sa kaso ni Angel Locin, sexy at super slim siya. Isang paghahanda sa isang nalalapit niyang proyekto sa telebisyon. Basa mo sa itsura ng aktres na masaya siya sa piling ni Philip Younghusband kaya walang ka-stress-stress ang buhay ni Angel ngayon.

Si Zanjoe Marudo naman, kasal na nga lang yata ang hinihintay nila ni Bea Alonzo para maselyuhan na ang pag-iibigan nilang dalawa. Ang binata, pangiti-ngiti lang kapag napag-uusapan ang karelasyon na si Bea.

Last but not the least, ang pinaka-kontrobersiyal sa bawat relasyon na kinasasangkutan niya ay itong si Angelica Panganiban. Simula nang makipagrelasyon noon kay Derek Ramsay hanggang sa maghiwalay sila at ngayon ay super in love naman kay John Llyod Cruz; heto’t sa pagkakataong ito, hindi niya kailangan ang intriga para lang mapag-usapan ang bagong project nila sa darating na MMFF.

Happy na happy si Angelica sa nababasa namin sa kanya. She always smiles. I’m sure, enjoy niya ngayon nang husto ang pagmamahalan na pinagsasaluhan nilang dalawa ni JLC.

Kaya nga para sa isang proyektong matino ang kuwento tulad ng One More Try, no need of a gimik para mapag-usapan ang obra ni Ruel Bayani para magkainteres ang publiko.

Off naman kung ili-link mo si Dingdong kay Angel or Angelica or gayon din na pilit mong gawan ng tismis na it’s Angel and Zanjoe. Ano ka, hilo?

 

PRANGKA NA sinabi ni Kris Aquino na hindi na sila in good terms ng dating asawa na si James Yap. Kung dati-rati’y okey sila, now hindi na.

Sa presscon ng pelikulang Sisterakas na entry ng Star Cinema sa darating na MMFF, ipinahayag ni Kris sa ilang press people na masaya na siya ngayon sa buhay. Hindi niya kailangang ma-in love para lang maging masaya.

“Basta happy sina Josh at Bim, masaya na ako. I have nothing to ask for,” sabi ni Tetay.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

10 thoughts on “Angel Locsin, walang ka-stress-stress sa buhay

  1. Dumikit na naman si Anghet sa mga sikat! Kaya ang mga fantards nya sasabihin pag hit ang movie, hit daw dahil kay Anghet!

    Kailangan talagang idikit sa sikat si Anghet

  2. it will take yrs or maybe never na makikipagsabayan ang tv5 sa two giant networks,aminin ng lahat na sa ngayon they dont have what it takes to get the viewing public,first of all mga artista nla is somehow wala na sa panahon,come on who is interested wt gandanghari or some starlets,ung mga talents talaga nla hindi nakikilala sa mga probinsya,second they dont hve good materials,tapos akala pa nla pg namirata cla ng artista ay kakagatin ng tao ang shows nla, sobrang tataas ng mga talent fee tapos d naman tinatangkilik, look at sharon and derek sadsad ang ratings, jan nga magaling ang ABSCBN kasi alam nla ang artistang pakakawalan nla, wanna bet? they will never let go of coco,johnlloyd,boy abunda, kris aquino, sarah g, or even ann curtis,coz they are bankable stars, and of course abs got the best writers kaya they got it all talaga, they got the hottest stars, at halos hawak dn nla ang majority of endoresments, kaya kahit c willy r pg d sya umayos baka nganga dn sya sadsad dn sya, so madaming bilyon pa ang magagamit nla

  3. Hindi malulugi ang TV5, pag mamay-ari ito ng isa sa pinakamalaking telecommunication company.
    sa milyon milyon nilang subscriber, tanggalan lang nila ng tig-pipisong load kada linggo, bawi na ang 9.9 bilyong piso na di umanung lugi.

    • I do not think so kase kita ng Telecomunication company is not going to be funded to another sister company that is not doing well. Di lahat sila babagsak and we not talking about petty milyons we are talking about BILLIONS!!! so I do agree with the wrtier talaga TV5 is not living up to its name. GO KAPAMILYA!!!

    • SUPER AGREE!  Daming galit kasi sa TV5 dahil kay Cristy, parang wala na kasing credibility at very negative kasi sa paninira sa ibang mga artists from other station pero yong mga baho nga mga artist ng TV5 hindi nya pinatulan, that is what you call UNFAIR REPORTING…….  Cristy must remember na intelehente na ngayon ang mga viewers……….   Si Lolit Solis isa rin yon, parang pang decoration lang sa Startalk, puro na lang bati ng bati sa mga sponsor nya, nakakaluka, 

Leave a Reply

Your email address will not be published.