Angel Locsin, walang arte sa lovemaking!

PINAKA-DARING NA yata ni Angel Locsin ang pelikulang Unofficially Yours ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Topless talaga ang actress habang nagla-love making sila ni John Lloyd. Para maging realistic ang eksena, binusisi ni Direk Cathy ang maiinit na eksena ng dalawa. Hindi lang 3 days kinunan ang bed scene nina Angel at Lloydie. “Ito kasi, light and sexy. Si John Lloyd, mas sexy siya rito. Iba ‘yung disiplina sa pelikula. Nand’yan ‘yung nag-a-adjust kami, ganu’n. Si Lloydie at si Direk, isa lang mag-isip ‘yan so, basang-basa ni Direk Cathy si Lloydie. Kung hindi sina Direk Cathy at Lloydie ang makakatrabaho ko, pag-iisipan ko muna. Usually, hindi mo gagawin talaga. Parang ‘yung may mga limitation ka na, hindi po pupuwede ‘yan. Marami akong ginawa, hindi ko naisip na gagawin ko rito. Exclusive lang yata dito sa pelikula namin ‘yung ginawa namin ni Lloydie,” turan ni Angel.

Sa nasabing pelikula, magkaka-affair sina Angel at John Lloyd pero hindi seryoso ang kanilang relationship at the end, they’re fall in love. “Pagdating sa love, sa akin kasi love, wala siyang hindi seryoso. Depende lang kung hindi ka seryoso kahit comedy seryoso pa rin ang atake sa love. Siguro lang, ‘yung mood lang, mas real, mas light. Kung anuman ‘yung usually atake ng mga tao ‘pag siguro may mga defense mechanism. Siguro may itinatago, ayaw mapahiya. ‘Yung mga ganu’n, mas real lang ‘yung atake, hindi ‘yung masyadong obvious,” say niya.

Nang makausap namin si Lloydie, sinabi nito na walang kaarte-arte si Angel sa lovemaking nila. Imbes na kabahan si Angel sa love scene nila ng actor. Natatawa lang ang actress habang ikinukuwento ang maiinit nilang eksena. “Ganu’n ang tingin niya kasi ako, parang ganu’n din ang tingin ko sa kanya. Ako, ang feeling ko, kung hindi ganu’n ‘yung diskarte niya kung papaano namin gawin, baka mailing naman ako. Mahiya naman akong gawin kasi, hindi naman ako sanay na magga-ganito, ‘di ba? Sanay akong tumambling pero sabihin mong ganyan, sexy-sexy… Kailangan kasi sa character, wala siyang hiya. Sanay na sanay siya sa ganu’ng bagay. Naninibago ako, kailangang ikundisyon talaga ‘yung sarili ko, mawala ‘yung hiya ko sa set para hindi ko madala sa acting.”

Ilang beses na ring nagmahal si Angel pero this time, very much in love ngayon ang morenang actress kay Phil Younghusband at buong ningning niya itong inamin. “Oo naman, halos lahat tayo’y nagmahal. Alam natin ang pakiramdam ng ganu’n. Nahihirapan lang akong i-convince ‘yung sarili ko. Siyempre, may mga prinsipyo, may mga paniniwala ako. Ako kasi, kahit ligaw ayaw kong sabay-sabay. As much as possible, ayaw kong palipat-lipat ng partner. Pero itong character ko, wala sa kanya ‘yun. Ayaw niya ng relationship, masyado kasi siyang independent.”

Sa mga romantic scene nina Angel at John Lloyd, nai-imagine kaya ng actress na ang actor ay si Phil Younghusband? “Kasi, ano ako… sina Direk minsan, pinagti-tripan nila ako, si Lloydie. Pero as much as possible, kasi ako, mas in-character ako. Du’n ako nakatutok sa character para kung may mag-adlib man o kung may magbago, ‘yung reaction ko swak sa character ko. Inspiration talaga si Phil pero as much as possible kasi in-character talaga ako,” pahayag niya.

 

JAMES INGRAM will be performing at the Smart Araneta Coliseum on February 17, Friday, 8PM and at the Waterfront Hotel in Cebu on February 18, with Lea Salonga as his special guest. It’s twice the nostalgia and romance for this year’s most romantic Valentine’s week concert.

After several Grammy wins and nominations, he recorded “Baby Come to Me,” and “How Do You Keep The Music Playing?” with Patti Austin. He also collaborated with Michael McDonald for Yah Mo Be There, which earned him his second Grammy in 1984 for Best R & B Performance by a Duo or Group. In the same year, he teamed up with Kenny Rogers and Kim Carnes for the single ‘What About Me?’ before lending his voice to the global charity anthem ‘We Are The World’ in 1985.

For ticket inquiries and reservations, call TicketNet at 911-5555 on the Feb. 17 (Smart Araneta Coliseum) and the Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City at (+6332) 232-6888 on the Feb. 18.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

23 thoughts on “Angel Locsin, walang arte sa lovemaking!

  1. inaabangan q tlga ngay0n ang loveteam c0c0 and angel,at c0co and anNe. ..d b kilig to da max. . .hope na na magkatoto0 nga. . .

  2. ah basta, I still love angel locsin. she’s really one of the greatest actresses of all times ! One hell of a versatile actress in showbiz… keep it up Angel… Maraming nagmamahal sa iyo dito sa gitnang silangan !!!

  3. @ Debbie Calipes bago ka mag ingles ayus ayusin mo,….”Locsin fells that she is….”
    saan cya nahulog ineng, bwahaha hahaa

  4. ang bitter naman ng mga to..tanggapin nalang kase na pag STAR CINEMA/ABS CBN ang gumawa kahit sinong artista, sure HIT!unlike gma films na alng kakwenta kwenta..tsaka admit it or not ANGEL LOCSIN really belongs to the top caliber, versatile actresses in tv/movies.

  5. whats new with that …Locsin fells that she is the prettiest and Hottest(BIATCH)…its all about Press release…nothing NEW LOCSIN!

  6. Hindi nawawala ang bitter sa mundo. Kahit ang ibang Angel fans bitter din. Di lang bitter, mga war freaks pa Kaya naman dumating pa sa punto na kelangan pa silang ipagtanggol ni Angel para tigilan na ang pakikipag away. Hindi pinipili ang giyerang nilalabanan. Patol lang ng patol at sugod na lang ng sugod. Masyadong affected kahit alam naman nila na di totoo ang issue sa idolo nila. Ganyan sila ka insecure. Lahat na ng fan bases inaway. Maling paraan ng pagsuporta sa idolo

  7. Ano ba naman picture na yan? yun unang picture? itsurang katulong talaga. magaling manuhog yan. So, whats new?

  8. sa sobrang dami ng tumira kay angel, bulatlat na masyado kipay nyan so bakit pa sya mag-a-acting? di acting yun, di lang alam ni angel na pelikula pala, akala nya three-nights stand kay panot…

  9. Layla lay… layla lay… layla laylay… sobrang laki na talaga, hindi na bagay sa katawan nya, di ba THANK YOU doktor yan nung magkaroon siya ng DARNA teleserye sa GMA7???? Naremember ko tuloy yung kay Dolly Parton!!!! What the…. ????? heheheheheheheh

  10. BOMBA FILMS are BACK!!!! Quo Vadis ABSCBN talents? Para lang tumabo ng pera sa takilya, gagawin nila lahat ng artista nila sexy at bold stars in the future!!! Nakakapanghinayang, yes top grosser dito top grosser doon mga pelikula nila, pero sa mga manonood meron ba etong masasabing ARAL na nakukuha??? Alisin ang sangkatutak na bed scenes, buhay pa ba ang script nila??? hehehehehe sa isang interview kay Angel Locsin tungkol sa status nila ni Phil, ang sagot nya, UNOFFICIAL sila. “UnOfficially Yours” a movie full of bed scenes… the characters indulge in too much sex kahit hindi pa sila. Does it mean to say Phil and Angel are the doing the same thing kahit sinasabi nyang hindi pa sila OFFICIAL??? Lastly, hindi maka move on ang ABSCBN sa mga sine nila na walang bed scenes!!! Sus asan ang iginaling nila dito sa movie na eto… gumiling sa kama??? PERA PERA LANG ang KATAPAT ng mga talents ng CH. 2, maghuhubad na yang mga yan!!!

  11. “Sa nasabing pelikula, magkaka-affair sina Angel at John Lloyd pero hindi seryoso ang kanilang relationship at the end, they’re fall in love”. They’re fall in love raw o. LOL! Wala bang proofreader sa pinoy parazzi?

  12. CIEMPRE LASPAG NA C ANGEL LOCSIN SO EX[ECTED NA YAN NA WALANG KIYEME NA MAKIPAG-LAPLAPAN SA MOVIE. KUMBAGA SANAY NA SANAY NA YAN SA PAGGAWA NG KALASWAAN. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  13. Congrats Angel medyo off-beat ang role mo sa Unofficially Yours. Medyo shocking to some conservative people but the execution was nicely done by the Director. Kudos to you, JLC, Tetchie Agbayani, Bobot Mortis, K Brosas, barkada ni JLC sa film, Direk Cathy, et al. But we dont want Angel to be type-casted as Ces in the film.

  14. hoy hugobacungan inggit lang yan kc laki ng kita ng U.Y. ang idol mong si marianita na b.i. na naman nang pagmamaldita kasama ang bf niya sa kanilang tinitirhang condo..mag asawa naba sila kc iisang condo na sila nakatira . sino ngayon ang mas malala aber

  15. Sa bed scenes ni Angel, ilang beses na siyang praktisado sa mga ganun eksena sa movies ng Star Cinema. dun sa Love Me Again, may lovemaking scene siya kay Piolo sa kwarda ng mg kabayo, parang ginagaya nina Angel kung paano ang ginagawa ng mga kabayo dun sa movie na LMA. Pati nga dun sa matandang hukluban na extra sa LMA, pumayag magpalamas at magpahalik si Angel. Dun naman sa In the Name of Love, pati POSTE giniling gilingan ni Angel, nakipag anuhan pa siya kina Jake at Aga. Ngayon naman sa Unofficially Yours, talagang IBINANDERA na ni angel locsin ang mga gawain nila ni Phil Younghusband sa movie screen! NIre revive ba ng Star Cinema ang bomba films?

Leave a Reply

Your email address will not be published.