Angel Locsin, umalma na sa nega issues!

ISA-ISANG SINAGOT NI Angel Locsin ang mga intrigang patuloy na ipinupukol sa kanya ngayon. Nagkaroon ng pagkakataon ang The Buzz na makausap siya during her birthday celebration at her newly opened bar called Fuel Up.

First issue: It was reported that Angel allegedly challenged her former manager Becky Aguila to a punching duel dahil diumano sa mga ikinakalat ng kabilang kampo na mga mapanirang issues laban sa kanya. Angel said, “Ewan ko! Hindi ko na alam! Siguro darating ka na lang sa time na wala ka nang masagot at ‘di mo na alam ang maisasagot mo. I think siguro tanungin ninyo na lang si Tita Becky kung bakit may mga lumalabas na ganoong isyu.”

Para sa patas na pagbabalita ay hiningi ng The Buzz ang side ni Becky tungkol sa isyu. Becky replied through a text message, “Maayos ang paghihiwalay namin ni Angel. Wala kaming issue.”

Second issue: Angel is being linked to Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda. Incidentally, isa si Chito sa mga bisita ni Angel during her party. Hindi pinalampas ng The Buzz ang pagkakataon na linawin mula sa dalawa ang isyu. Sinabi ni Chito na magkaibigan lang talaga silang dalawa and they are part of a big group.

Ano naman ang masasabi niya na BI (bad influence) raw siya kay Angel? “’Di ako BI kay Angel, BI ako sa lahat – best influence,” sagot niya.

May pakiusap naman si Angel sa lahat. “Positive naman tayo para masaya naman. Huwag ninyo naman akong gawing depressed. Gusto kong maging masayahing tao. Wala naman po akong ginagawa sa inyo.”

Meanwhile, Angel is now excited in her upcoming ABS-CBN primetime teleserye titled Imortal na pagsasamahan nila for the first time ni John Lloyd Cruz. Kaya naman kahit sa kabila ng mga intriga tungkol sa kanya ay rito na lang niya itinutuon ang kanyang atensiyon. “Exciting kasi, iba iyong project. Magical talaga siya. I’m looking forward working with Direk Chito (Roño) and John Lloyd. Hinintay ko siya for almost one year and now, may chance na akong makatrabaho siya because naiintriga ako sa kanya.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleTumakas sa kaso nila ni Katrina Halili: Hayden Kho, nasa Amerika na!
Next articleMga Seksing Buntis!

No posts to display