ANGEL LOCSIN, TYPE DIN SI PHIL YOUNGHUSBAND?

MERON TALAGANG SARILING paninindigan si Angel Locsin. May nakausap akong mga taong malapit sa magandang aktres na nagpapatunay na maraming nagsasabi sa aktres na medyo dumistansiya kay Phil Younghusband.

Isa sa matinding isyu na ipinarating daw nila sa dalaga ay pinagpupustahan lang siya ng grupong Azkals. Bongga nga naman kasing maging close sa ex-girlfriend ni Luis Manzano dahil bukod sa sikat na sikat siya, pantasya talaga siya ng mga kalalakihan.

Pero merong sariling isip si Angel na hindi pupuwedeng diktahan ng ibang tao. Sa rami ng mga hayagang nagpaparating ng pagkontra sa closeness nila ni Phil, ipinaglalaban ng dalaga ang pagiging totoo sa kanya ng sikat na sikat ngayong manlalaro. Nagpapakilala raw naman sa kanya si Phil ng tunay nitong ugali. At sa pagkilatis na kanyang ginagawa sa binata, nararamdaman daw niya ang sincerity nito.

Kawawa naman si Luis dahil parang kahit ano pang pagsisikap ang gawin niya para paamuin si Angel, napunta na kay Phil ang atensiyon ng dalaga. Nasasaktan si Angel sa pang-huhusga ng marami sa sikat na manlalaro sa tunay nitong motibo ng pakikipaglapit sa bida ng teleseryeng Imortal ng ABS-CBN.

Masakit sa isang babae na sabihing siya’y pinagpupustahan lamang ng isang sikat na grupo ng mga kalalakihan. Pero ang depensa ni Angel, paniniwalaan niya si Phil kung ano ang sasabihin nito sa kanya bilang paliwanag sa mga pagdududa sa kanilang closeness ngayon.

LOVELESS SA NGAYON si Lovi Poe dahil hiwalay na sila ni Congressman Ronald Singson. Kaya may pag-asa na naman ang mga kalalakihang matagal nang nagpaparamdam sa kanya. Hindi kasi talaga sila makasingit na mapansin ng magandang young actress. Nung maging ganap na dalaga na ang anak ng yumaong FPJ, si Jolo Revilla agad ang nakaiskor sa kanyang puso, at pagkatapos nilang mag-break, pumasok na sa eksena si Mr. Singson.

Masakit din para kay Lovi ang paghihiwalay nila ni Ronald, dahil paulit-ulit din siyang nagpagod na pumunta sa Hong Kong habang kinakaharap nito ang kanyang kaso roon, hanggang sa mahatulan na itong makulong ng isang taon at kalahati. Magpapahinga muna si Lovi sa kanyang lovelife, napagod din naman daw siya sa magkasunod na kontrobersiyal niyang pakikipagrelasyon.

Kung malungkot man si Lovi nang dahil sa natapos nilang relasyon ni Ronald, ang mapaglilibangan naman niya ngayon ay ang magandang takbo ng kanyang career. Isa siya sa mga kapareha ni  Richard Gutierrez sa teleseryeng Captain Barbell ng GMA-7, habang marami rin siyang nakaplanong pelikula na sisimulan.

Ang malaking tattoo ni Lovi sa kanyang likod, kapag daw nakikita niya, ang mea-ning daw ay “strong” siya. In fairness sa kanya, napapatunayan naman niya na sa dami ng kanyang mga pinagdaanan ay strong talaga ang kanyang personality, dahil nakakaya niya ang mga pagsubok na ‘yon kahit napakabata pa niya, huh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “ANGEL LOCSIN, TYPE DIN SI PHIL YOUNGHUSBAND?

  1. lahat ng tao may paninindigan at isa roon si angel.kung ano ang sinabi ni phil sa kanya.iyon ang paniniwalaan niya.kase friends muna sila.inaalam muna nila ang isa't isa.maganda iyon kaysa magmamadali.kapag talaga gusto gusto nila ang isa't isa wala sino man ang makakahadlang.kahit pa ang mga fans ni phil o fans ni angel o naninira sa relasyon nila.wala kayo magagawa.god bless!!!

  2. MABUTI NAMAN AT MAY SARILING ISIP AT PANININDIGAN SI ANGEL DAHIL HINDI SIYA NAGPAPADALA SA MGA SULSOL LANG NG IBANG TAO PARA IWASAN SI PHIL. IF THERE'S ANYBODY WHO SHOULD KNOW ABOUT THE SINCERITY OF PHIL KAY ANGEL ITS NO OTHER THAN ANGEL HERSELF DAHIL SIYA ANG NAKAKASAMA NI PHIL AT NAKAKAUSAP.

    TAMA LANG GINAGAWA NI ANGEL NA IPAGLABAN AT IPAGTANGGOL NIYA SI PHIL DAHIL HALATA NAMAN NA PURO PANINIRA LANG KAY PHIL YUNG MGA NAGLALABASAN NA CHISMIS LALO PA NGA NA GALIT PA RIN SA KANYA YUNG EX-MANAGER NIYA NA GAGAWIN RAW ANG LAHAT PARA PABAGSAKIN SI PHIL!

    ITO NAMAN SI LUIS MANZANO DAPAT MATUTO NANG MAG MOVE ON! IT'S BEEN 2 YEARS NA BREAK SILA NI ANGEL AT KUNG TALAGANG MAY BALAK PA SIYA BALIKAN NI ANGEL EH DI DAPAT HINDI NA UMABOT NG GANUN KATAGAL AT NAGKABALIKAN NA SILA. DAPAT MAGISING NA SI LUIS SA KATOTOHANAN NA HINDI NIYA PUEDENG PILITIN SI ANGEL NA MAKIPAGBALIKAN SA KANYA KUNG SI PHIL NA ANG TALAGANG GUSTO NI ANGEL DAHIL UNFAIR NAMAN YUN! PARANG AYAW MAGING MASAYA NI LUIS SI ANGEL AND HE'S SO SELFISH DAHIL PATI YUNG MGA IBANG KAKILALA NIYA INAAWAY SI ANGEL SA TWITTER DAHIL AYAW NA MAKIPAGBALIKAN SA KANYA! PWERSAHIN DAW BA YUNG TAO KUNG AYAW NA TALAGA SA IYO?!

    DAPAT ANG MAGKATULUYAN NA LANG SI LUIS AT JOYCE RAMIREZ (EX-MANAGER NI PHIL) DAHIL SILA YUNG DALAWANG TAO NA HUMAHADLANG SA PAGMAMAHALAN NI ANGEL & PHIL! PATHETIC NAMAN NITONG DALAWANG YAN HINDI MAKAINTINDI NA AYAW NA SA KANILA NUNG TAONG HINAHABOL-HABOL NILA! MOVE ON NA KAYO PARA MAGING MASAYA NA RIN KAYO AT MAKAKITA NG TAMANG TAO PARA SA INYO…..SANA ENOUGH NA AT TIGILAN NA ANG PANINIRA KAY PHIL & ANGEL!! :)

  3. …LOVI….nagising ka rin teh,e bakit ngayon pa na maskailngan ka nya…..pati tuloy ako naguguluhan sayo e….tapos pag nakalabas na si singson,balik sa dati na mag-on kayo ulet…ganun naman yun e…….well good luck na lang unahin ang career at mag-enjoy na may limit…..

  4. nakakaawa talaga si luis..sana mag move on n xa..kasi kapag ang isang babae ng give up na sa isang sitwasyon, hindi na talaga yan babalik sa taong nananakit ng damdamin niya.. mapangarap ka na lang ng gising manzano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.