Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!

CONSISTENT NAMAN talaga si Angel Locsin sa kanyang ugali bilang tao, na kapag mayroon siyang karelasyon ay tutok siya roon. Katulad na lamang ngayon, na sobrang nakalaan ang kanyang panahon sa kanyang boyfriend na si Phil Younghusband. Bilang miyembro ng sikat na Azkals, manalo man o ma-talo ang grupo nina Phil ay lagi lang nakasuporta ang magandang aktres sa kanyang kasintahan. Kaya nga, nagpapasalamat din si Phil, dahil sa mga panahong problemado siya sa buhay ay naand’yan lang talaga si Angel at umaalalay sa kanya.

Magmula nang umamin sina Angel at Phil tungkol sa kanilang relasyon, mas lalo silang bagay tingnan kapag magkasama ngayon. Nakaaaliw si Phil, dahil hindi siya maramot magkuwento kapag tsinitsika siya at tungkol kay Angel ang itinatanong sa kanya. Nagtagal din naman kasi ang kanilang pagliligawan, kaya parang ine-enjoy niya ngayon ‘yung sobrang saya ng pakiramdam na naipagmamalaki na niya talaga si Angel.

Kaya lang, puro na lovelife ang napag-uusapan ngayon tungkol kay Angel. Tahimik ang kanyang showbiz career. Mayroon naman siyang mga nasimulan sa planong mga proyekto, pero hindi pa ipinalalabas. Napapanood siya sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN. Kaya lang, si Robin Padilla talaga ang bida roon, at halatang idinagdag lang si Angel. Wala pa siyang bagong teleserye. Ibabalik daw ang Darna na ginawa niya dati. Bagay pa ba iyon sa kanya? Nabalita noon na bagay sa kanya ang magbida sa remake ng Himala ni Nora Aunor. Puwede pa ‘yan. Kai-

langan na kasi ni Angel ng bagong panggulat sa career. Kasi, parang nakarating siya sa kasikatan, pero parang huminto na lang kung saan siya nakarating.

NAKAKALUNGKOT LANG, na maraming sumabak noon sa pagpapaseksi sa showbiz ang nangawala na dahil nalaos na. Pero kamukat-mukat mo naman, basta na lang lalabas sa telebisyon, sa talk show at magpapainterbyu dahil kasama na sa kanyang pag-eksena ay ang paghingi ng tulong, dahil pagkatapos pala nilang mag-artista ay kahirapan na ang naging takbo ng buhay nila. Sa hanay ng mga nagpaseksi at tumalikod doon ay si Sylvia Sanchez ang isa sa kapuri-puri sa kanilang lahat.

Siyempre nga naman, si Sylvia ay pumasok sa showbiz sa panahong mainit pa rin ang rivalry sa kasikatan nina Nora Aunor at Vilma Santos, habang ang dami-dami na talagang nagsusulputang baguhan sa field na ito, at uso noon ang pagpapaseksi, kaya sinubukan na rin ni Sylvia. Pero hindi rin naman siya halos nagtagal sa pagpapaseksi, dahil nagkakahigpitan noon sa bold movies. Ipinaglaban ni Sylvia na marunong siyang umarte, kaya nakawala siya unti-unti sa kanyang sexy image.

Kahit aktibo si Sylvia sa showbiz, at naging husband niya rin si Art Atayde ay nabuhay pa rin siya sa kasipagan. Mahilig siyang magluto, kaya naranasan din ni Ibyang na magnegosyo ng masasarap na pagkain bilang libangan. Kaya hindi siya nagiging purdoy. Bongga si Sylvia, dahil hindi niya napapabayaan ang kanyang pamilya kahit dumarating ang panahon na ang dami niyang raket sa pelikula at telebisyon. Nominado siya ngayon sa kategoryang Best Single Performance By An Actress sa gaganaping 26h PMPC Star Awards For Television dahil sa mahusay niyang pagganap sa “Aswang” episode ng Maalaala Mo Kaya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

28 thoughts on “Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!

  1. ang pagiging sikat na artista hindi basehan, na may weekly syang palabas sa telebisyon, may mga sikat naman na hindi visible sa tv pero kumikita naman ang pelikula sa mga sinehan, like Ms. Angel Locsin, ganun ang karera nya, kumbaga kahit hindi sya nakikita sa primetime bida ng dos, talaga namang pinaggagastusan ng fans ang kanyang pelikula, recently tumabo ang pelikula nyang in the name of love at unofficially yours, at naging no2  ang one more try nya sa mmff 2012, ang pelikula ding ito ang nagsilbing pinaka malaking kinita sa mga pelikula ni angel na halois 200 million,  that the proof na si angel ay nasa kasikatan parin, dahil miss nga sya ng fans na makita sa tv kaya sa pelikula nalang sya pinapanuod, strategy rin siguro ito ng abs-cbn, para, kumita ang star cinema sa kanya, kaya ngayong taong ito, sisimulan na ni angel ngayong marso ang pagteteyping ng bago nyang pelikula kasama sian bea at toni, kaya naman nagkakagulo na naman ang fans nya makita sa big screen, sure big hit na naman ito..god bless angel locsin/

  2. Para naman kayong mga perfect magsalita ( for those against angel locsin). If you don’t like her, you don’t have to say bad things sa kanya. Tingnan nyo muna mga sarili nyo.

  3. ang basehan kaya ang akala ng marami na laos na o hindi na namamayagpag ang career ng isang artista eh ang paglabas nila sa telebisyon. si angel kaya nasasabing laos na kasi matagal nang hindi napapanood sa telebisyon, walang pang araw araw na serye kahit na may mga pelikula, endorsements o weekly sitcom. eh kalat na kalat naman na yung balita na sya na uli ang gaganap na darna eh di mamamayagpag na naman ang karera nya.

    • kung active ka sa tv eh di palagi kang nakikita ng tao kaya nga nanlilimos na si angel ng teleserye sa mother ignacia. bread winner daw siya at kailangang mag ipon.

  4. @Anghet Sinong mataba at pwede nang listonin? Ikaw?! Hahaha! Teh, huling huli ka na yata sa balita. Payat at seksing seksi na ulit si Angel Locsin. Hmmm! Pakiramdam ko, may pinaghahandaan siya. Ang lumipad sa himpapawid, I guess! Hahaha! Tiyak inggit much na naman ang mga faning ni Marian Rivera. Laos na kasi si Marian at matanda na. Parang 30 years old pataas na samantalang si Angel, baby face :D

    • ay inday nagpapayat kasi nga kapag nanlilimos ka ng teleserye gagawin ang lahat para mapansin. daming young and fresh talents ang dos. maganda si jessie mendiola na ang bagong darna oh di kaya isang young actress na mabait at masunurin sa nanay at tatay katulad ni sarah g, anong say mo? si angel pinababayaan ang kanyang mudraa, hayun ang nanlilimos na lang.

  5. Laos na kasi si Anghet Poksin!

    Yuck super taba ni Anghet! Parang hippopotamus na sa sobrang taba!

    Pwede nang litsonin ang hitad!

  6. I love Angel sikat na sikat kahit dito sa SFO wala man siyang teleserye dami naman endorsement ganda ng cover ng mga magazine may bonus pa mahal na mahal siya ni Phil what else can you asked for ……………daming blessing ng Angel Locsin wagas na wagas

    • mahal na mahal talaga siya ni phil kasi poorita lang ito. hindi magtatagal ang dalawang iyan lalo pa nga at ni hindi man lamang manalo si phil sa kahit na anong games nila. churva wala ng pera wala winning games bread winner pa man din katulad ni angel.

  7. yang idol mo tulog ang carrer was awards was endorsment was hit movies was top rating show???pahila pa ang mga nakatambal sa show…ohh ‘cmon waaaaaaaaa piolettedemilby

  8. testingi kung dili tuli si phil….piolettedemilby basin saka ng imong kalimutaw hahahaha kung nakatilaw ka…ug heaven waaaaaaaaaa anong natsugi?pakialam mo bruha ka……………..

  9. Sir, paano nyo nasabing tahimik ang career ni Angel? Dahil wala pa syang teleserye? Pero kung mapapansin nyo mas dagsa ang endorsements/TVC, Mag cover, movies etc kumpara dun sa sikat “daw” na Primetime Queen ng GMA. At yung Todamax, hindi naman kami mag-aaksayang magpuyat kung hindi naging regular si Angel sa Todamax noh. At kung wala man syang teleserye ngayon, yun ay dahil ayaw nya pagsabayin ang paggawa ng teleserye at pelikula. Abangan na lang natin ang muli nyang paglipad :)

  10. pano ba dapat maging maingay ang career,courtesy of negative issue?at least si Angel di kailangan ang mga negative publicity para mag ingay ang career,kita mo naman oh,kasalukyang ginagawa ang One More Try na entry sa MMFF at di lang yun ha,next year may nka line-up din na mga movies plus teleserye,hmmm..tahimik daw hahahaha

  11. Wow,sa dami ng bagong endorsements ni Angel at kaliwat kanang Magazine Covers.Natutulog pa ba sa yo yun?? Wow,magkanu ba ibinayad sayo ng GMA para siraan si Angel? This year alone ay apat na Best Actress ang nagawad kay Angel..

  12. maraming nka line up n movies c angel.isa sa MMFF,ung movie ny with Vhong at Richard Gutierrez.nx yr nrin ung teleserye ny sa Dos.mbentang mbenta cia s mga magazine covers..gusto nyo b umingay cia eh kung puro negative issues nmn ,wg nlng.

  13. tahimik? ang sinasabi mo ba na maingay ung panay negative issues? like ung dinosaur na matanda na dating darna. Well tahimik man o maingay angel locsin will remain sikat

  14. angel and piolo…piolo lumantad ang kabadingan
    amgel and jlc…jlc lumantad ang pagiging alcoholic
    angel and robin…ayoko,ayoko ng jinx! say ni mariel rodriguez

  15.      hello sir siguro may inggit ka kay  ANGEL LOCSIN kc matagumpay ang carrer nya mabait,matulungin sya…at sa lahat napakaganda,sexy,,at lalo na sa lahat may napakaguapo makisig,sikat na player walang iba si PHIL YOUNGHUSBAND….i think may ka crush sa kanya….

  16.       hello po sana po magmasid kau kung was ba project  si miss AL  eh sa pagkakaalam namin kaliwat kanan pa nga po endorsment,awards,covers a mag. eh teleserye lang wala kasi busy sya sa pelikula na pawang nag hit naman po ..eh dalawa yon..ano sabi mo na hindi na bagay si miss AL sa darna ?bakit po ikaw ang bagay??hahahaha joke……o idol mo ang bagay?matanda pa nga yon sa kanya….eh sa katawan eh talbog i think u inggiters here so tumahimik ka….plz  miss AL staying ang pagkasikat nya maganda,sexy,lalo na ang pagkamabait nya at matulungin sa kapwa…kasabot ka???melchor

  17. Paano naman ipapalabas ang movie ni Angel eh pang MMFF yun. Mag isip ka nga Melchor. Wolf in sheep’s clothing ka lang. Alangan naman na sya panay ang bigyan ng project sa dos. Hintay ka lang sa 2013.

    • bat nasabi mo na tahamik ang carrer ni miss angel locsin?tingnan mo sa edsa kung kanino ang mga billboards doon asahan sa darating na dcember luwa ang mata mo doon…tahimik  dalawa ang movies na patok sa isang taon oh….MMFF, VALENTINES at hit na sitcom…..sinong may sabi si robin ang nagdalawa mag hit bayan kung sila lang…..oh c’mon….si angel locsin ang nagpa hit…nyan….i yung manok mo may hit ba na pelikula?wla belat…..may billboards na madami was covers sa magazines wala…..kalawat kanan awards….endorsments wla….e si miss angel locsin meron nyan yan ba tahimik…..idol mo tahimik…waaaaaaaa

Leave a Reply

Your email address will not be published.