Angel Locsin, sinamantala ang pagka-cancel ng taping para makatulong sa kababayan

DAHIL SA habagat at Bagyong Maring, walang pasok ang lahat ng sangay ng gobyerno at private companies, lalo sa mga eskuwela sa lahat ng antas.

Maging sa mundo ng showbiz ay tumigil pansamantala ang tapings ng mga teleserye at ibang TV programs, gano’n din ang shootings ng mga pelikula.

Last Tuesday, kahit sa studio lang kadalasan nagte-taping sina Angel Locsin, Vhong Navarro at Ai-Ai delas Alas para sa kanilang sitcom na Toda Max, minabuting ikansela ng production ang taping, dahil na nga sa masungit na panahon.

Siguro, halos lahat ng staff and crew nila ay hindi makalabas ng kanilang tahanan, dahil sa lakas ng ulan at baha sa kani-kanilang mga lugar.

Ganu’n pa man, nakiisa si Angel sa pagtulong sa mga nasalanta ng habagat at bagyong Maring sa pamamagitan ng Red Cross na matagal na niyang sinusuportahan.

Maging sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, namahagi rin ng tulong sa mga biktima nang makansela ang taping ng Got To Believe.

Last Tuesday, pumunta naman sa H. Bautista Elementary School sa Marikina si Vice Ganda at kanyang buong team para mamigay ng hamburger sandwich.

Nu’ng Wednesday ng hapon naman ay sa Barangay Poblacion sa Mandaluyong namigay ng 500 relief goods ang phenomenal box-office star kasama pa rin ang kanyang mga kaibigan.

Na-touch naman kami sa text na natanggap namin nu’ng Tuesday morning mula kay Dr. Vicki Belo: “Hi Francis the rain has been relentless. Just checking to see if you’re ok? Let me know if you need anything.”

‘Yun pala ay nagpe-prepare din sila ng kanyang unica hija na si Cristalle Belo Henares ng mga ipapamahaging tulong din sa mga nangangailangan nitong nagdaang bagyo.

 

Pokwang, itinangging tinanggal na siya sa sitcom

 

IPINALIWANAG NI Pokwang sa amin nu’ng nakaraang thanksgiving dinner last week para sa success ng pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na hindi totoong wala na siya talaga sa Toda Max, kaya ang comedy queen na si Ai-Ai delas Alas na ang napapanood ilang episodes na kasama nina Angel Locsin at Vhong Navarro.

Masyado lang daw madugo ang taping ng bagong teleserye ng Dos na Mira Bella, lalo na kapag paumpisa pa lang, kaya kailangan daw ni Pokwang at ng ibang cast nito na mag-focus at mag-concentrate muna roon.

Makakasama ng komedyana sa nasabing serye ang bida nito na si Julia Barretto, Kiko Estrada at Diego Loyzaga na anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga.

 

Mickey Ferriols, may ibang raket!

 

BUKOD SA pag-aartista, gumagawa at nagtitinda pala si Mickey Ferriols ng chicken potato salad na natikman na namin at talagang napakasarap.

Kahit si KC Concepcion ay nagustuhan daw ang specialty ni Mickey nang matikman ito ng aktres habang nasa taping nang may umorder sa huli mula sa production ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Kaya sinabi namin sa negosyanteng aktres thru text, na isusulat namin ang kanyang special chicken potato salad para makatulong kami, kahit paano.

Heto ang reply sa amin ni mickey: “Aw thanks france, big help sa business ko yan just text or call my number: 0939-9331213 for orders have a good week ahead!”

Kaya mga friends, order na para matikman n’yo rin kung gaano kasarap ang luto ni Mickey!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Angel Locsin, sinamantala ang pagka-cancel ng taping para makatulong sa kababayan

  1. BIBILIB SANA AKO KUNG NANAY NYA MUNA TULUNGAN NYA DAHIL CHARITY BEGINS AT HOME ANGEL HATE ANG NANAY PURO TATAY PINAPAKITA KASI BULAG PARA MAAWA SA KANYA AT NG MAGKATELESERYE NAAAHAHAHHAH .. SI MARIAN COLLEGE GRADUATE PRIMETIME QUEEN GMA QUEEN FHM SEXIEST  TV BEST ACTRESS PRIMETIME QUEEN NG ASIA  YAHOO OMG CELEBRITY OF THE YEAR. ANGEL TIIS NA LANG SA COMMERCIAL NG BALAKUBAK DI NAMAN NAKADAGDAG SA TALENT FEE NYA KAKA RENEW LANG.. INENG NAG  TOP PTAX PAYER ANG MARIAN FOR ENDORSING JAG HAPEE SMDC PANASONIC HONDA NATASHA MAXIPEEL SAN MARINO KNORR TALK AND TEXT PLDT SAN MGIUEL GINEBRA TUPPERWARE NGA PAM BILI NYA LANG NG BAGONG BENZ.. AHHAHAHAH SI MARIAN DI ATAT I IG ANG KAWANGGAWA NYA UNLIKE ANGEL MULA PAG GROCERY HANGGANG RE PACK HANGGANG PAG ABOT NG CHEKE PICTYURE  PICTURE LANG SABAY TWEET…..KULANG SA PANSI ANG ATE NYO AHAHAHHAHHA LAOS SHA …. WALANG TELESERYE MOVIES NAKIKI SMORGASBAROD LANG KINA BEA TONI AT PASA SIKAT KAY JLC AT AGA.. LOSER  HAHAHA

  2. makacomment k wagas!!!sabihin mo kaya yan sa idolet mo n kailangan pang my coverage ang home network nya sa pagtulong nya  “kunyari”…

Leave a Reply

Your email address will not be published.