Angel Locsin, sa ibang tao pa nalaman ang pagkakatsugi!

Masaya at punung-puno ng energy ang naging pictorial ng upcoming kiddie-serye ng ABS-CBN, ang Kokey @ Ako, kumpleto ang buong cast. Ang nagulat kami ay nang makita namin na hindi na si Angel Locsin ang magiging leading lady ni Vhong Navarro, kundi si Toni Gonzaga na. Ipinaliwanag ni Toni na nalaman lang niya na siya ang papalit kay Angel mula sa kanyang kapatid na si Alex. “Nag-guest kasi si Tita Nova (Villa) sa Juicy (talkshow ni Alex Gonzaga sa TV5) at naikuwento ni Tita Nova kay Alex na out na nga raw si Angel.” Hindi raw makapaniwala si Toni noong una niya itong narinig, hanggang sa nakatanggap na raw sila ng tawag mula sa management na siya na nga raw ang papalit.

Kahit si Angel daw, sa ibang tao unang nalaman ang major changes sa teleserye, ayon kay Direk Wenn Deramas na siyang magdidirehe ng Kokey @ Ako. “Naikuwento ko kasi agad kay Luis, sa kadaldalan ko. Si Luis siyempre, naikuwento niya kay Angel,” ani Direk.

[ad#ad-text-links-1]

Pero very gracious si Angel sa pagkakatanggap ng naturang balita. Sa kanyang twitter account at sa www.darlasauler.com, ipinarating ni Angel ang mensaheng ito:

“Regarding po sa Kokey: YES, hindi na po ako makakasama sa cast ng Kokey. I’m super excited na maka-work si Vhong at si Direk Wenn. Saka di ba nakapag-storycon (story conference), trade launch, trailer shoot, (at) pictorial na kami for Kokey. Pero syempre nirerespeto ko po yung decision ng management. Mas alam naman nila yan kesa sa akin. Kinakailangan na daw po kasi namin mag-grind para sa movie at soap with JLC (John Lloyd Cruz). Kung ano na lang po yung maging plano nila for me. Sana soon magkatrabaho kami nina Vhong, Direk at production / staff, unit ni Direk Lauren, nagpadala po sila ng flowers sa bahay. Thanks Direk! I’m happy rin for Toni. Bagay sa kanya ang role. Mas bagay nga sa kanya kesa sa akin eh. Plus maganda ang team-up nila ni Vhong. Baka nga po mas napaganda pa ang Kokey. Excited na rin po ako sa movie with Kuya Aga ibang klase po ito… Pinagdarasal ko na sana magawa ko po ng maayos. Kasabay po ng shoot, sisimulan na rin po yung serye namin ni John Lloyd. Isang taon ko po ito hinintay! Good luck sa akin at nine-nerbiyos po ako ng todo todo.”

Makakasama nina Toni at Vhong sina Melai at Jason sa naturang kiddie-serye na mapapanood ng madlang people starting June 2010. Goodluck sa lahat!

Previous articleKris Aquino, binabalikan ang pagiging taklesa!
Next articleKrista Ranillo, may pasabog pagbalik sa ‘Pinas?!

No posts to display