Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband!

INAMIN NA NGA ni Angel Locsin sa ilang showbiz press na sumunod sa kanila ng kaibigan n’yang si Bubbles Paraiso si Phil Younghusband sa Hong Kong nu’ng araw ng kanyang birthday mismo last April 23, Black Saturday.

Idinetalye sa amin ng leading lady ni Aga Muhlach sa In The Name of Love kung paano nangyari at inamin din n’ya sa amin kung ano ang birthday gift sa kanya ng kanyang masugid na manliligaw na si Phil, nang makasama naming mag-dinner ang aktres with her manager Tita Ethel Ramos last Thursday night after ng event ng isa sa kanyang endorsements na dinaluhan.

Sa loob pa lang ng dressing/make-up room ng Club Republiq ni Tim Yap, kung saan ginawa ang event, napansin na namin agad ang magandang black leather shoulder bag na p’wede ring gawing body bag na dala ng personal assistant ni Angel na si Michelle. Isang Givenchy designer bag ang natanggap ni Angel mula kay Phil na isa sa pinakamamahalin at ‘di nawawala sa usong brand ng luxury bag.

Nu’ng Good Friday, April 22, daw lumipad patungong Hong Kong ang magkaibang Angel at Bubbles. Nagulat daw ang magkaibigan nang kinabukasan, as in first thing Saturday morning, dumating daw sa Hong Kong ang matagal-tagal na ring napapabalitang masugid na manliligaw at ngayo’y usap-usapang boyfriend na umano ng dalaga na si Phil bago sila tumungong Macau nu’ng araw na ‘yon.

Kasabay na raw ng dalawa na bumalik ng Pilipinas ang Azkal football hunk nu’ng Easter Sunday, April 24.

Laking gulat naman daw ni Angel nang makakita s’ya ng isang malaking box mula sa Pandora (isang high-end department store sa Greenbelt 5 sa Makati City na nagbebenta ng mga designer bags, shoes, clothes, perfume, at iba pa, at kung saan din namakyaw ng mamahaling Manolo Blahnik shoes si Toni Gonzaga noon) nang makauwi s’ya ng bahay nila galing Hong Kong na naglalaman nga ng isang Givenchy Pandora messenger bag na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P100,000 nang aming alamin sa nasabing tindahan na pinagbilhan mismo ni Phil!

Napag-alaman din namin kay Angel mismo nang tanungin namin s’ya na binati naman daw s’ya ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano ng ‘happy birthday’ thru text. Ngumiti lang ang aktres nang tanungin naman namin s’ya kung may regalo ba sa kanya ang TV host-actor.

Nu’ng Lunes, lang, bandang alas-dos ng hapon ay nagkasama muli sina Angel at Phil sa Golden Acres sa Tanay, Rizal na tila post-birthday celebration ng una para magpasaya at magbahagi ng kanyang blessings sa mga lolo at lola na inabandona at pinabayaan na ng kanilng mga pamilya.

Ayon sa aming reliable source, ayaw raw ni Angel na ipa-cover sa mga TV crew ang ginawa n’yang pagdalaw sa Golden Acres.

Ngayong tapos na ang teleseryeng I-mortal at shooting ng kanilang pelikula ni Aga na ipalalabas na sa May 11 na ang ibig sabihin ay medyo makakapag-bakasyon na si Angel bago s’ya sumabak muli sa kaliwa’t kanang trabaho, madadalas na kaya lalo ang pagkikita o pagde-date nila ni Phil?

ABA, NAUNAHAN PALANG maka-date ng batang komedyana na si Kiray Celis sina Mara at Clara a.k.a. Kathryn Bernardo at Julia Montes, respectively, sa baguhang binatang aktor at anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga!

Nag-movie date daw sina Kiray at Diego sa Promenade cinema sa Greenhills, San Juan City last Wednesday, April 27, kasama ang ilang fans daw ng young actor at co-star nila sa Mara Clara na si Helga Krapf. Ang 3D computer-animated comedy film na Rio raw ang pinanood ng grupo nila.

Nag-tweet pa ang bagets na komedyana matapos manood ng sine with Diego. “Pauwi nako from promenade! Super fun! bitin! ang kyoot ng RIO na movie! Pero di ko masyadong naintindihan! Si diego kasi! Ang kulit! HAHAHA!”

Pero ayon kay Diego sa isang interview sa kanya, hindi raw natapos ng binata ang pelikula, dahil tinawagan na raw s’ya ng kanyang Tita, kaya umuwi na ang binata.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

29 thoughts on “Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband!

  1. Muslim kami Bawal sa amin mag artista kaung mga artista dba nio na icp sarili nio palage kaung nag photo sa magazine nka hubad sna ma icp nio sarili nio kawawa kau? Hnd nio na icp sarili nio k0ng alam nio lang an0ng parussa jan sa atin kamatayan npa ka bgat nyan nkikipag halikan kau sa hndi nio asawa?

  2. Hi Angel, fan mo ko,—d ko talaga gusto c Phil pra sau, kc feeling ko lng ha, ginagamit ka lng nya pra sumikat cya..

  3. Cra ulo ka! Wlang kinalaman c angel sa pg kamatay ni miko s0tt0.bAst0s ka pa sakin a.bobA! Maxado ka pa apektado ky luis manzan0,bkt type m0 xa? Well s0ri ka nlng d xa papatol sa kgaya m0ng abn0rmal

  4. hey ms sara jane..di m b alam meaning ng laos???? well, magaral k muna bago k magcomment ng di maganda s kapwa!!

  5. sa totoo lang tryihng hard mag paka showbiz itong si phil. palibhase di napasok noong sumali sa celebrity duets at umiyak pa. at bago pa yan sumali ginamit muna si rhian ramos na crush daw niya. pati si heart evangelista binasted siya. ngayon na na link siya kay angel mukhang magtatagumpay siya dahil mukhang nahuhulog na ang loob ni angel sa kanya.

  6. Sana naman bago in-upload yung pic ni Angel ay cropped sa ibaba, the person intended to humiliate Angel..

  7. ung adora bumibili ng bag sa divisoria, tapos binebenta nilang mahal sa mall. hehehe. nadenggoy c philo.

  8. MATABA NA SI ANGEL LOCSIN!!! SAYANG C ANGEL NAGING LAOS TALAGA XA..HIDI KC XA BAGAY SA DOS…

  9. sa mga hanggang ngayon na bitter pa rin sa paglipat ni angel sa abs, MOVE ON NA MGA TEH! tagal na di ba?! hindi niyo siya kayang sirain dahil alam ng mga fans na shes beautiful inside and out! at sa site na to, bastos niyo! dami niyang pix tapos eto nilagay niyo? syet kayo!

  10. @orkidia, salamat, hindi ko kasi alam ang estorya sa pagkamatay ni Mico. Maganda yong ina ni Mico na si Ali Sotto. Maski walang make up, ganda pa rin ng mukha. At Happy Mother’s Day to you too. My husband will celebrate it on Saturday kasi he works all day during Mother’s Day. We will just eat out, I will take him to a filipino restaurant kasi kumakain naman sya ng bihon, grilled tilapia at picadillo at beef steak sa atin na may onion. Hindi siya kumakain noon pero palagi ko siyang dinadala sa pinoy restaurant kaya yon, natuto tuloy, gusto nya ang lumpia na pinoy, sabi nya yong lumpia daw sa chinese, hindi masarap :)

  11. @ Maria, bitter lang ang iba dyan. Angel had nothing to do with mico’s death. Aksidente ang pagkamatay niya and his cousin oyo can attest to that.

  12. Solid Kapuso rin ako, at love ko pa rin si Angel. Si Becky Aguila naman ang gagang naglipat kay Angel sa Dos, kaya lumaylay ang popularity ni Angel, pero despite that fact, i still wish her the best, at sana when time comes, she’ll find the way where she truly belongs, sa kanyang tunay na home network na nag-alaga sa kanya, at hindi lang siya ginamit to despite its rival network, sa GMA7.

  13. Anu ba yan, litaw ang kuyukot? Obvious naman na pa showbiz itong si Younghusband. Masayadong conscious kapag na i interview. Feeling sikat. Eto namang si babae, palibhasa laos na, para lang me bagong mapag usapan sa kanya. E anu ba nmn ang hahabulin sa babaing ito, e tira tirahan lang sya ng kung sinu sino. I’m sure FLOP and movie nila ni Aga.

  14. Si Angel kahit anong isuot, lumalabas ang kaseksihan without trying, yung iba na nagsusuot ng sexy outfits lumalabas yung pagiging trying hard!

  15. Bakit sinabi ni “soft nga feature ni Phil” sa itaas na si Angel ang babeng dahilan sa pagkamayay ni Miko Sotto? Hindi ko masyadong alam ang estorya nito, can anyone please share this story with me kung sino man ang may alam if this story is true. Thanks. Curious lang po! Salamat!

  16. May nabasa ako na mas lalaking-lalaki daw si Phil kesa sa ex ni Angel na si Luis. Excuse me! Si Phil nga has a soft feature, at hindi marunong magsalita. Mestiso si Luis masarap kausap, lively, a true gentleman, very-educated, well-mannered and may respeto sa tao lalo na sa babae. Plus very talented and a great host. That’s the mark of a real man. Walang binatbat si Phil kay Luis!

    Yun pagiibigan nila Angel at Phil nag umpisa sa Twitter. Kacheapan! Isang tweet lang, bumigay na si babae. Easy GIRL! Easy come… Easy GO! .

    Laosean deep na si Angel, dami niyang flops! Sa kabilang banda si Phil nag umpisa noong 2009 sa Celebrity Duets wala naman nakapansin sa kanya. Kaya nag football na lang at medyo napansin siya dahil sa askals. Bagay nga silang dalawa kasi parehong trying hard to be noticed.

    Masaya ako at long last nauntog na si Luis at kinalasan na ang babaeng dahilan ng pagkamatay ni Miko Sotto. Feeling ko ginamit lang ni babaita si Luis. Hindi ko talaga nakita ni isang katiting na minahal ni babaita si Luis. Luis deserves someone better. Walang laman pa utak ni babaita. Ano pag-uusapan nilang dalawa. Kung physical appearance naman… mawawala din yan at evidence na nga ngayon dahil pataba ng pataba si Angel babaita at di na siya desirable. Luis your time will come. A girl na mas bagay sa yo…yun may breeding. At least, may natutubhan ka sa experience mo with this girl. She isn’t worth it.

  17. Bagay nga silang dalawa (Angel and Phil)…mag gamitan sila. Pareho nila kailangan ng gimmick para mapag-usapan.

  18. ganda talaga ni angel. kahit die-hard kapuso ako, she is still my favorite female celebrity. sana lumipat na siya sa gma uli para mapanood ko siya. she is the only queen of gma, the rest are just pretenders to her throne.

  19. Grabe naman tong site na ‘to. Andaming pictures ni Angel, ito pa talaga kinuha? Eh kung sa inyo kaya mangyari ang ganito tapos pinost sa public site? Nakakababa ng tingin sa site ang mga ginagawa nyo. Kayo lang ang gumagawa ng dahilan para mawala readers nyo.

  20. SORRY NA LANG SA MGA BITTER DYAN KAY ANGEL! BUT SHE IS STILL THE HOTTEST & SEXIEST ACTRESS IN HER GENERATION! MERON PA SIYANG PHIL YOUNGHUSBAND NA PATAY NA PATAY SA KANYA KAYA MAMATAY KAYO SA INGGIT!! ;p

  21. Sa ADORA po, hindi Pandora, sa Greenbelt 5 sa Makati City binili ni Phil Younghusband ang birthday gift n’ya kay Angel Locsin na Givenchy Pandora messenger bag. Thank you po! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.