Angel Locsin: Real-Life Superwoman!

HINDI NAMIN MAPIGILANG hangaan ang ipinakitang kabaitan ni Angel Locsin noong nakaraang bagyo. Walang kiyeme kasi itong tumulong sa mga nabiktima ni Ondoy. Nagsagawa ito ng relief operations sa mga nasalantang lugar at namigay ng mga plastik na may mga relief goods. Tumulong rin ito sa paglilinis at pag-aayos sa Payatas kasama ang ilan sa mga kaibigan niyang Kapamilya stars tulad nina Zanjoe Marudo at Maricar Reyes. Tulad ng kanyang mga ginampanang papel sa mga programang Mulawin, Darna at Majika, tila isa ngang tunay na superwoman si Angel.

In fairness, consistent talaga dalaga sa ganitong mga gawain. Matatandaang active Gabriella supporter ito na tumutulong sa mga kababaihang inaapi. Madalas nga niyang sine-celebrate ang kanyang kaarawan kasama ang mga kapus-palad. Pinatunayan niyang kahit ang mga artista ay puwedeng-puwedeng tumulong nang walang kapalit. Nag-donate din si Angel sa Sagip Kapamilya Foundation at may chika kaming narinig na maging sa GMA Kapuso Foundation ay nagbigay rin ito.

Gayunpaman, marami na naman ang umiintriga sa pagtulong ng aktres. Kesyo nagsariling-lakad daw ito at hindi sumama sa mga kapwa Kapamilya stars na tumulong sa Ondoy victims. Imbes na magsiraan tayo, bakit ‘di na lang tayo magpasalamat na ang mga artistang tulad ni Angel ay nagsi-share ng kanyang blessings sa mga nangangailangan? Wala rin namang teleseryeng kailangang i-promote si Angel para ito’y intrigahin nang bonggang-bongga. To Angel, just keep it up! Ipagpatuloy mo lang ang iyong sinimulan at siguradong mas lalo kang mamahalin ng masa.

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon

loading...

16 thoughts on “Angel Locsin: Real-Life Superwoman!

  1. hmmm, bago ko nalamang tumulong c angel eh my nabasa na akong comment na sinasabihang tumulong xa ….kung bukal man o hindi ang pagtulong ni angel…ipagpasalamat na lang natin un…

  2. UNG MGA PAMILYANG NANGUNUPAHAN SA COMPOUND NILA NA BINAHA HINDI MAN LNG NYA BINISITA BAKIT? KASI WALNG CAMERA DITO SA AMIN HAY NAKU ANGEL MAG PA KATOTOO KA SA SARILI MO NAKALIMUTAN MO NA KAMING MGA KAPITBAHAY MO…….NAPAKA PLASTIC MO!

    • BINAHA KA PALA AT ETO NAKA INTERNET KA PARA MANIRA NG TAO…..NANGHIHINGI KA NG TULONG PERO AYAN AT BABAD KA SA COMPUTER…..GOSH WHAT A LIE!!!! gusto mo yata at ambunan ka ni Angel jan ng relief goods pasensiya kana ha kasi inuuna ni Angel yung mga taong talagang gutom na gutom, lamig na lamig, hirap na hirap sa sitwasyon nila pasensiya ka na ha…kasi alam mo halos lahat ngayon naghihirap kaliwat kanan tlaga humihingi ng tulong…gusto mo volunteer ka nalang sa mga private sector to help give relief goods sa mga nasalanta…sabi nga ni Angel sabihin nyo lang kung saan kailangan ng tulong tiyak na magpapadala ang RED Cross kasi ambassadress si Angel nyan…tiyak tutulungan niya kayo…magsabi lang kayo..hindi yung putak ka ng putak jan….IKAW ANG PLASTIK!!!!

  3. PAKITANG TAO LNG YAN SI ANGEK KASI MAY CAMAERA AT PUBLICITY……..DITO SA LUGAR NAMIN KUNG SAN SYA TUMIRA AT LUMAKI KAHIT SINGKONG DULING WALNG NAABOT SA AMIN YAN……..PEKE KA TALAGA ANGEL…..ETO UNG LUGAR NAMIN .BAYANIHAN ST.BAESA CALOOCAN CITY………PABASA NYO SA KANYA TONG COMMENT NA ITO BAKA MAGISING YANG PLASTIC NA YAN……

    • mukang totoo to. tga baesa nga sya dati. ung amboy nga don muntik nyang maging jowa. nga lang nagartista na sya ayun di na sila magkalevel.

  4. I think Angel has done such a great job just being a simple and truthful person. She is beautiful inside and out. She has been engaged in many humanitarian causes that she doesn’t have to be bothered by people who are jealous of her success. The money she donated to the Ondoy victims is a hard-earned money and she willingly shared it to the majority who are unfortunate and needy sacrificing her own needs. Now, the blessing returned to her in the form of a “best actress nomination at the Emmys, a world class and prestigious organization, recognizing her skill. Her detractors should realize that “you can’t put a good woman down”.

  5. congrats on your emmy nomination! kapag may nagsabi pang bayaran ang awards na yan, ewan ko na lang. yan ang next level na pagka bitter haha!

  6. thats why i love angel… down to earth and matulungin. yung mga naninira, hindi niyo ba napapansin na the more niyo siya siraan, the more na yumayaman at sumisikat sya? she’s really a good soul, napakasimple at tahimik na tao. kaya nga bentang benta kay ate vi and pati sa megastar.

  7. good karma tlga… congratz angel!!!! eh kun nagsolo si angel eh ano naman.. eh di mas mganda maraming grupo kumikilos pra mabigyan ng relief goods ang mga nasalanta.. pati ba naman sa pagtulong eh kailangan pang abs-cbn grupo pa rin.. ano ba naman yan.. kun kayang makatulong go ahead kahit hindi pa kabilang to any network..hwag ntayin pang may grupo thing.. at least may SARILING KUSA.. hindi un nakikidawdaw lng..at dun pa ngliligawan sa relief operation..

  8. sarap bashin ng mga comment d2…
    ganyan dpat hndi na icompare sa iba kc dey have der own nmn kya mas maganda at masmsaya kpag gnito laging mga comments ang nba2sa mo.

    god bless sa inyong 4!!!

  9. good things happen to good people…congrats angel for the nomination.

    wala pang pinay ang nanominate as BEST Actress sa EMMY.

    goodluck..i’ll pray na sana manalo ka!

  10. talagang the hands of God is working….after ng buong pusong pagtulong ni Angel sa mga nasalanta ni Ondoy nakuha pa syang intrigahin….pero look what happened THE INTERNATIONAL AWARD WINNING BODY LIKE EMMY AWARDS RECOGNIZE HER TALENT AS BEST ACTRESS NOMINEE FOR LOBO………..WHAT A GOOD TIMING….AGAIN SHE BRING RECOGNITION FOR OUR COUNTRY PHILIPPINES……SO PROUD OF THIS GIRL!!!! REALLY KARMA IS SO PAST!!!! you will be Leap and Soar higher Angel…..God is on your side……Filipinos are so proud of you……now you believe in karma???? CONRATULATIONS ANGEL LOCSIN…..wonderful person, superwoman pa!

  11. CONGRATULATIONS ANGEL LOCSIN FOR EMMY AWARDS NOMINEE AS BEST ACTRESS…SO PROUD OF YOU…..
    BILIS NG GOOD KARMA, MABILIS PA SA FEDEX AT DHL…BRAVO…PROUD PINOY AGAIN…

Leave a Reply

Your email address will not be published.