Angel Locsin Reading an Excerpt from Himala


Marami ang humanga kay Angel Locsin sa kakatapos lang na launch ng libro ni Ricky Lee na pinamagatang Si Tatang at ang mga Himala ng ating Panahon. Natoka kay Angel ang pagbasa ng ilang linya sa pelikulang ‘Himala’ na pinagbibidahan ng one and only superstar na si Nora Aunor.

Puro papuri ang natanggap ng aktres mula sa mga artista, kasamahan at mga tagahangang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kahit ang mismong may akda ng libro na si Ricky Lee ay natuwa sa pamamaraan ng pagbasa ng Angel ng kanyang linya. Tila damang-dama niya talaga na siya si Elsa.

Hindi tuloy mapigilan ng ilan na hilingin na sana ay i-remake ang pelikulang ito at si Angel Locsin ang gusto nilang gumanap bilang si Elsa. Ano kaya ang masasabi ng kanyang future mom-in-law na si Vilma Santos tungkol dito? Hmmmm… intrigahin ba agad?!

Previous articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #76
Next articlePauleen Luna: nakakapagmura talaga!

No posts to display