Angel Locsin, pinatikim ng malutong na sampal si Maja Salvador

Angel-Locsin-Maja-Salvador Maja-SalvadorPINAG-UUSAPAN ANG sampalan nina Angel Locsin at Maja Salvador sa trailer ng kanilang bagong drama series sa ABS- CBN na The Legal Wife. Pero hirap na hirap daw si Angel na sampalin si Maja.

“Nahirapan akong sampalin si Maja dahil little sister ang turing ko sa kanya. Saka mabigat pa ang kamay ko kaya hangga’t maaari ay iniwasan ko talaga ang sampalan, pero kailangan talaga sa istorya,” say ni Angel na gaganap sa role ni Monica na wife ni Adrian played by Jericho Rosales.

Damang-dama nga raw ni Maja ang malutong na sampal sa kanya ni Angel, pero wala siyang magagawa dahil nasa script. Pero kahit nasaktan nang totoo ay naging epektibo raw ito dahil naibigay niya nang tama ang dapat na reaction sa eksena.

Dahil din sa malutong na sampal ni Angel, damang-dama ni Maja ang matapang na kuwento ng kanilang serye.

“Bawat character namin dito ni Angel, Jericho at JC (de Vera), may kanya-kanyang laban sa buhay. May mali, may tama. Pero sigurado ako na lahat ng makapanonood ay makare-relate dahil lahat tayo, minsan sa buhay natin ay nagmahal, nasaktan at natutong lumaban,” say ni Maja na gaganap sa role ni Nicole.

Ang upcoming drama series ay ididirek ni Rory Quintos at Dado Lumiban. Kasama rin sa cast sina Mark Gil, Rio Locsin, Joem Bascon, Ahron Villena at Christopher de Leon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Angel Locsin, pinatikim ng malutong na sampal si Maja Salvador

  1. Pakialam naman namin sa pag disconnect mo Emerald? Eh di gawin mo! At please wag kang manood. Akala mo naman may bright ideas ka sa magandang palabas, pweh! Hindi lang ikaw ang nanonood tanga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.