Angel Locsin, pinataob ni Marian Rivera sa pagti-trend sa social media

Angel-LocsinSUPER HAPPY ang GMA-7 dahil nag-trending worldwide ang pilot episode ng soap opera ni Marian Something. Talagang super rejoice ang lahat sa GMA-7 dahil pinataob talaga ni Marian ang soap ni Angel Locsin dahil sa pagti-trend nito.

Obviously, sabik na sabik ang Siyete na mag-trending topic sila. Kasi naman, hindi sila palaging nagiging trending topic sa social media. Hindi nila kaya ang pagti-trend ng soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang araw-araw.

Actually, nangyari lang ang trending topic sa show nila noong panahon ng My Husband’s Lover. Pero bagama’t naging trending topic sila halos gabi-gabi ay hindi naman talaga nag-rate nang husto ang programa nilang ‘yon.

 

MANY QUESTIONS have been asked on social media about the Vhong Navarro, Deniece Cornejo brouhaha.

One is asking “kung sa Southern Police District ang blotter at may agreement na hindi ilalabas yun basta wag lang magsalita si Vhong, bakit ito lumabas nung Sabado samantalang Linggo na nagsalita si Vhong?”

The same guy is asking kung “sino ang nag tip sa GMA News na nasa PNP-SPD yung blotter.”

‘Eto pa ang isang katanungan, “KUNG IKAW PINAGTANGKAANG GAHASAIN AT NASA KAMAY MO NA ANG SUSPECT HINDI KA BA MAGDEDEMANDA AT ALAM MONG MALAKI CHANCE M0NG MANALO? BAKIT INATRAS MO ANG BLOTER?”

Ilan lamang ‘yan sa mga katanungang kumakalat ngayon sa social media.

Agad-agad na inilampaso ng Buzz ng Bayan ang Startalk sa unang Linggo ng pagsasalpukan nila. Kinawawa ng show ni Boy Abunda sa rating ang show nina Joey de Leon at  Lolit Solis. Ayon kasi sa Kantar Media Ratings noong
Jan 26, Sunday, nakakuha ang Buzz ng Bayan na 20.5% against Startalk’s 4.2% sa National Ratings. Sa Metro Manila ratings naman ay nakakuha ang Buzz ng Bayan na 23.5% vs Startalk’s 5.4%.

Kasi naman, hindi na dapat itinatapat pa ng Siyete ang Startalk sa Buzz ng Bayan. Ang feeling siguro ng executives ng GMA ay kaya na nilang talunin ang Sunday show ni Kuya Boy dahil hindi na ito The Buzz. But they were wrong.

O baka naman isipin nilang kaya nag-rate nang husto ang show ni Boy ay dahil sa controversial interview niya kay Vhong Navarro, hindi kaya?

Whatever! Talunan talaga kayo sa unang salpukan. You can’t erase that. Ang talunan ay talunan!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

10 thoughts on “Angel Locsin, pinataob ni Marian Rivera sa pagti-trend sa social media

  1. no comment ako sa mga artista na publish, actually its my first time to read this pinoy parazzi, wala lang siguro akong magawa. what is my main concern is the writer itself. sa sobrang galit yata sa GMA at mga artist nito nagiging bias na sya which is not healthy for the writer as well as sa pinoy parazzi itself. sana naman maging fair ka, kasi writer ka Alex Brosas. ang sama ng mga pananlita mo pag hindi mo gusto ang mga tao na sinusulat mo. at kung makapanghusga ka wagas! gano ka ba ka perpekto at kagwapo pra kung manglait ka ganoon nalang. tingin tingin sa salamin pag may time huh! at sana next time, kung mag ha hire po kyo ng writer, make sure na hindi po sila bias sa mga network o artista o kahit sino mang sinisulat nila. masyado kasing judgmental ang column nya.

  2. naku mali po yata.. Consistent po ang pagtrend ng TLW at si angel..actually yung pilot episode po nila nag trend hanggang kinabukasan ng 2pm.. Not only trending but panalo rin sa ratings :)

  3. I agre , ang ganda talaga ng story ng The Legal Wife. Teka sino ba yong ina ng bata na may nunal sa pisngi. Bagong aktres ba yan? At yong husband niya, sinong artisa yan? ang pogi nya. Si Matt ba yon yong boyfriend niyang pulubi, ang galing rin umarte at ang guapo. At yong bata na babae, maganda na ang galing pang umakting.

      • kahit ako, marami akong di kilalang artista sa pinas dati pero thanks to TFC and GMA, hindi na rin ako nahuhuli sa mga balita tungkol sa kanila. :-D

      • Thanks sa sagot pero sometimes, hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila. Familiar ang mukha nila pero yong names nila ay makalimutan ko sometimes. Sila pala yon. Ang guapo ni James Blanco at ang galing nilang lahat.

  4. FYI!!! nagtrending WORLDWIDE at NATIONWIDE ang The Legal Wife!!! #1 trending topic sila worldwide and nationwide at ang tagal nila nag trend at hindi lang basta napadaan lang sa pagtrend ang show!!! pati sa ratings panalong panalo ang taligal wife!!! sana sa susunod magresearch ka para hindi ka mapahiya Alex Brosas!!!

  5. Baliw and writer! Ang haba haba ng trending ng THE LEGAL WIFE PILOT EPISODE.. HALOS HATINGGABI Na trending pa rin.. samantalng yung kay Mariantot dumaan lang sa trending. Anyway, taob naman yung show ni Mariantot sa THE LEGAL WIFE.. Winner ang the legal wife sa ratings both kantar at agb-mega manila. mas maaga pa and show ni mariantot young the legal wife 9:40 pm na. pero wow tinaob si mariantot!

Leave a Reply

Your email address will not be published.