Angel Locsin, pinanghihinayangan ni Direk Erik Matti

Erik-Matti-Angel-LocsinSI ERIK Matti pa rin ang magdidirek ng pinakabagong version ng Darna na gagawin ng Star Cinema at pagbibidahan sana ni Angel Locsin.

May panghihinayang man sa part ni Direk Erik na hindi na si Angel ang gaganap na Darna, pero wala naman daw siyang magagawa dito at hindi niya kontrolado ang mga pangyayari.

“Siyempre, pare-pareho kami ng naramdaman. Ang tagal na naming hinintay yung project. She prepared for the project and sayang din lang na may nangyari sa kanya.

“Sayang talaga. Kasi last year, magkakasama na kami ni Angel, eh. Inaayos na namin ‘to (Darna),” pahayag ng director.

Nagkausap na rin ang dalawa pagkatapos mag-announce ni Angel na hindi na niya gagawin ang project dahil sa kanyang health condition.

“Sabi niya, ‘Direk, sayang. I really wanted to do this. I really wanted…’ And we wrote the character for her talaga, pero sayang, eh,” kuwento niya sa kaning conversation nila ni Angel.

Nu’ng una, balak pa raw nilang hintayin ang paggaling ni Angel, kaya lang mukhang matatagalan pa ito. Ayaw rin daw nilang i-risk ang health ng aktres.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

2 thoughts on “Angel Locsin, pinanghihinayangan ni Direk Erik Matti

  1. “Sabi niya, ‘Direk, sayang. I really wanted to do this. I really wanted…’

    – spell DESPERADA hihihihihihihi

  2. NYAHAHAHHA WAHAHAH HUWAG KANG GANYAN WRITER MAGWALA SI KRISTITI HAHAHAHA AYAW NYA MARINIG BALITA ABOUT ANGEL KASI NANGARAP YAN MAGING DARNANG ASWANG HAHAHAHA WAHAAHHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.