Angel Locsin, pinagtawanan ang pagkaka-link kay Chito Miranda! – Gorgy’s Park

MARAMI PA RIN ang nagdududang hindi naman nag-break sina Katrina Halili at Kris Lawrence at tuloy pa rin ang kanilang relasyon.

Nakikita pa rin silang magkasama at madalas pa rin ang pagdalaw ni Kris kay Katrina.

Sinasabi lang nilang matagal na raw silang break pero na-retain pa rin ang friendship pero sa mga espesyal na araw ng dalawa ay magkasama sila.

Nu’ng nakaraang kaarawan ni Katrina ay nandu’n si Kris sa bahay ni Katrina, kung saan nagpa-dinner lang ang seksing aktres kasama ang buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Isang Pomeranian puppy ang regalo ni Kris kay Katrina na pinangalanan daw nilang Charlie Brown.

Hindi naman daw nawawala si Kris kay Katrina at nandiyan pa rin daw siya sa likod nito na patuloy na sumusuporta.

Puring-puri nga ni Kris ang katapangan ni Katrina na patuloy pa rin daw nitong hinaharap ang mga kasong isinampa niya laban kina Hayden Kho.

Bilib daw siya sa dalaga dahil hindi pa rin ito sumusuko sa mga pinagdaanan niya lalo na ang mga kahihiyang hinarap niya nu’ng nakaraang taon.

Kaya hindi raw niya ito iiwan at patuloy na suportahan. Pero muli niyang nilinaw sa amin na magkaibigan lang talaga sila at wala na raw silang relasyon.

Hindi naman nakikipag-date si Katrina sa ibang lalaki o nag-i-entertain ng mga manliligaw at ganu’n din itong si Kris na wala naman ibang babaeng nali-link sa kanya.

Ngayon ay Kapuso na si Kris dahil pumirma na ito bilang isa sa mga mainstay ng SOP at malamang isa sa mga episode ng naturang variety show ay magsasama sila ni Katrina.

NAKAKA-TENSE ANG STARSTRUCK V nu’ng nakaraang Linggo dahil dalawa ang tinanggal.

Nagpaalam na nga sina Princess Snell at Piero Vergara nu’ng gabing ‘yun.

Sa simula pa lang ng programa, ramdam na naming si Princess ang matsutsugi dahil very vocal ang mga kapwa nito survivors na babae na ayaw nila kay Princess dahil sa sama raw ng ugali nito.

Ang ikinabigla ng lahat ay ang pagkakatanggal ni Piero dahil isa ito sa malakas sa grupo ng boys.

Mas grabe ang iyakan ng mga boys sa pagpaalam ni Piero dahil sobrang close na sila at iba na ang bonding nilang lahat.

May mga naririnig pa kaming violent reaction mula sa kampo ni Piero pero wala na silang magagawa dahil galing ‘yun sa text votes, boto ng kapwa survivor at ang council.

Lumalabas nu’ng gabing ‘yun na hindi talaga magwawagi kung may attitude problem ka dahil ‘yun ang reklamo sa dalawang natanggal.

Mukha namang may iaarya pa sina Princess at Piero kaya kahit natanggal na sila sa Starstruck V puwede pa silang magka-career pagkatapos ng Starstruck, basta mabigyan lang sila ng magandang break ng GMA-7 at ma-handle nang maayos ng GMA Artist Center.

NATAWA SI ANGEL Locsin nang na-phone patch namin ito sa Tweetbiz ng QTV 11 sa tanong kung nanliligaw ba sa kanya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

Mismong ang host ng Tweetbiz na si Tim Yap ang nagpakilala pala sa dalawa at naging close sila, pero parang magkapatid lang daw ang turingan nila sa isa’t isa.

Pareho lang daw silang galing sa break-up kaya hindi tamang magkagustuhan pa silang dalawa.

Ang isa sa mukhang pursigidong manligaw kay Angel ay ang CNN hero na si Efren Penaflorida dahil nagpakilala na nga raw ito sa Daddy ni Angel at sa kapatid nito.

Pero sey naman ni Angel, naging supportive lang daw siya sa mga project ni Efren pero wala naman daw ligawang nangyari.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Angel Locsin, pinagtawanan ang pagkaka-link kay Chito Miranda! – Gorgy’s Park

  1. bakit puro livelife ang pinaguusapan ngayon kay angel pokpoksin? dahil ba wala naman siyang career? as in dead na? laos. nawala ang kinang ng kanyang bituin?

  2. sbra k nmn churvatika.ikaw cguro ang mukhang kokey.wla nmn ginagwang masama sau ung tao.kung makapanlait ka kala mo ikaw pinaka maganda.

  3. kaya hindi lumalabas yung depth ng acting nina stevens, ian, nina dahil sa kakulangan ng kaalaman ng tagalog na advantages naman ni rocco. it’s too bad dahil naka concentrate sila sa lokal akting na puwede namang maging international sayang nga si rye. dapat hindi na sila nagpa audition ng sinasabi nilang international kung naka stick lang naman sila sa lokal acting lalo na sa dialougue na tagalog.

    well, this is not also a search for a talent dahil parang money contest din dahl sa paramihan ng vote at hindi sa talent sya mag pro prosper mautak din naman ang mga network dahil kumikita na sila magkakaruon pa sila ng talent na mga waleng talent.

    Tama si piero na isa sya sa mahigpit na kalaban ni rocco so ang kailangang lang gawin ni rocco ay hikayatin at mag pa pr ka lang sa mga less talent na mga kasama mo at medyo pa underdog ka di kakampi sayo. kaya ang maalis ay si Piero na bukod na kahawig ni kevin ng hollywood ay may character ang face at marunong kumanta. at sa mga babae ay ganun din kawawang prncess kung sa ganda at kahit paano ay may talent na puwedeng i polish kaya lang sya ang malaking treat kaya dapat mapaalis. aminin man natin sya ang pinakamaganda sa kanila, si rocco na ang panalo obvious naman para syang si aljur.

    kawawang mga nilalang napagluluko ng mga council at ng gma at yung mga bumibili ng load for voting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.