Angel Locsin, nililigawan ni Efren Peñaflorida! – Pilar Mateo

SILENT WORKER PALA talagang maituturing ang hinirang na CNN Hero of 2009 na si Efren Penaflorida. At maingat na maingat pala itong magtago ng sikreto.

Hindi na rin napigilan ng aktres na si Angel Locsin na ibahagi ang kuwento sa nagsimula na palang panliligaw sa kanya ng nagsimula ng ‘kariton klasrum’ sa ilalim ng kanyang Dynamic Teen Company.

Gusto naming maniwalang wala mang solidong ‘vision board’ sa buhay niya si Efren, ang kanya namang pananalig na isang araw eh, makaka-krus niya ang landas ng babaeng iniingatan sa puso niya eh, mangyayari! Si Angel na rin ang may sabing nagkasabay pa sila sa eroplano ni Efren at sa sarili niyang paraan eh, naipahiwatig na agad nito sa dalaga ang malinis na hangarin niyang maging bahagi ng isang sulok ng puso nito.

Marunong din si Kuya Efren. Hindi niya sa kalye niligawan ang aktres. Umakyat ito sa bahay nina Angel at ang agad na kinausap at hiningan ng permiso para manligaw sa dalaga eh, walang iba kundi sa Daddy Angel nito.

Mukha rin kasing ang direksyong tinatahak ng dalawa eh, patuloy na magku-krus sa dulo, dahil sa mga tulong na ibinabahagi nila sa kanilang kapwa. Ang Shop & Share ni Angel, sa tulong ng PNRC (Philippine National Red Cross) eh, nakalikom na ng mahigit isang milyong piso.

Ang sabi nga, ‘kung ukol, bubukol.’ If it’s meant to be, it will happen. If it’s fated, then so be it. Depende na nga lang ‘yan sa mangyayari sa ikot ng buhay nina Efren at Angel. Dahil may balitang nag-uusap na uli sina Angel at Luis Manzano.

HINDI NGA LAHAT ng nagdiwang ng Pasko eh, nakadama ng lubos na kaligayahan sa kanilang mga buhay.

May himig ng lungkot ang text message sa akin ng aktor na si Julio Diaz.

“My year ender: Pasko and New Year ko ay butas ang bulsa, pero good enough got some good friends and family and a blessed life. May holiday blues kasi miz ko anak ko.”

Ang tinutukoy na anak ni Julio eh, ang anak niya sa anak ng kanyang biyenang dating aktres na si Marita Zobel.

ISINUNOD SA PANGALAN ng Anghel na si Miguel ang pagkikilanlan sa bagong dagdag sa pamilya ng mag-asawang Megastar Sharon Cuneta (who will celebrate her birthday tomorrow-January 6) at Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

VERY PROUD NA nga si Mega sa pag-a-announce nito although hindi pa nila pinahihintulutang mailabas ang mga larawan ng batang kanilang in-adopt hangga’t hindi pa tuluyang naaayos ang mga adoption papers nito. Pero makikitang ito ang isa sa mga patuloy na nagpapasaya ng bawat araw sa buhay ng kanilang pamilya.

Makikitang tila nasusunod sa mga ginagawa ng Hollywood stars ang mga nangyayari sa ating local celebrities sa kasalukuyan gaya ni Mega, na hindi mo naman sasabihing sadyang ginagaya. Pero dahil matagal na namin itong nakilala-siguradong parte pa rin ito ng pagiging mababang-loob niya sa lahat ng bagay.

Kung si Kris Aquino eh, nagkaroon na ng kanyang K Magazine na gaya ng kay Oprah Winfrey, ang unang ibinalita sa amin ni Shawie na ilalabas niyang Sharon with an exclamation point eh, magiging Sharon at Home na pala ngayon, na gaya rin ng O! At Home ni Oprah Winfrey.

Noon pa man, nasabi na namin na para sa akin, ang local version ko ni Oprah eh, walang iba kundi si Shawie at sa lalaki naman, walang iba na ito kundi si Kuya Boy Abunda!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

20 thoughts on “Angel Locsin, nililigawan ni Efren Peñaflorida! – Pilar Mateo

  1. sa mga bitter ni angel….hahaha… inggit lng kayo!!!! wla kayong magawa kung lagi cya ang pinag.uusapan ngayon kc sikat cya at ang lakas ng appeal kaya kayo dyan huwag ng epal!!!at yong sarili nyo ang asikasuhin at ang pamilya nyo ok!! mga utak talangka!!!!parang walang mga pinag-aralan hayyy mga pinoy talaga……kaya walang asenso ang pilipinas kc inggit lng ang naghari sa pagkatao nyo!!!!

  2. nku pekekong frustrated ka tlg!
    namimigay nga ng pera c angel eh tapos paglalabahin mo lang hay!tska panu mo masasabing laos ang isang artista kung itoy may mga up coming projects! hay kalorkey tlg mga fans ni marianita mga wlang utak

  3. angel, pakasalan mo na si Hero Efren, he deserves. tapos magsimula ka nang mag laba sa kanila, hehe
    yan ang mas bagay sayo, laos ka na

    ok ba?

    ninong ako sa baby nyo.

    efren time deposit mo kaya muna yung premyo ng CNN?

  4. at least kung hndi sa cause na gnagawa nya un ang reason y xa napapag usapan db? magtataka ako kung mrn xang fan na sinalbahe or bata na tinabig or meron xang fan na minura s shooting hehe

  5. What’s the big deal about this CNN Hero thing? Eh, mga texters lang naman ang pumili na karamihan ay from Philippines, no? Hindi makapanalo ang taga ibang bansa kasi hindi naman sila nanunuod ng CNN dahil English to. Same thing happened with himala.

    Kawawa naman ang Pinoy. May makalusot lang na Fil-am sa top 12 ng American Idol eh tuwang-tuwa na. lol pathetic!

    • palagi nyong sinasabi na kawa naman ang pinoy kaya nagging kawawa sa mata ng buong mundo na sa totoo naman ay hindi. hindi lang tayung mga pinoy ang marunong mag texting at hindi rin mga pinoy lang ang nagtxt kay Efren para manalo, nasa credential nya kaya sya nanalo. mga utak biya talaga kayo lahat ng dumi nyo kinakalkal nyo konting karangalan ay kwnekwestyon nyo magkaruon naman kayo ng kahihiyan kahit konti.

      na link lang ang pangalan ni Efren kay Angel kayung mga ingiterang fanatics ni Marian ay kung ano ano nang mga kasinungalingan ang ginagawa. mag paka tao naman kayo, para lang maipagtanggol si Marian ay sisiraan si Angel idadamay pa si Efren. Magkaibigan naman yung si Angel at Marian.

  6. alam mo kokey kung nagpa retoke man ang isang tao wla n taung pakialam dun as long as d nya ninanakaw ung pera n pambayad dun.ang importante ay wla xa naaapakan n tao.at least dn nya kelangan mang agaw ng lalaki para lang magka boyfrend.

  7. sa mga nag comment ng masama kay angel sa pep.ph tigilan nyu na.hay wla nmn ginagawa sainyu ung tao.ayoko i compare c angel kay marian tulad ng gnagawa nla kc malayo n ang naabot ni angel compare to marian.tska ung ugali ang lau db?

  8. efren wala ka ring pagasa dahil mahilig si angel sa mga rich chinese businessman diba? unless meron kang mamahaling house and lot na maibigay para dumami ang collection niya.. humanap ka sana ng simpleng tao na hindi mahilig sa mamahaling gamit at hindi nagpaparetoke para lang gumanda.. good luck efren! nasa loob kasi ang kulo ng ibang tao..

  9. heluuur they’re not bagay.but i admit i love this girl.of course kung cnu magustuhan nya bsta happy lang xa.go angel!

Leave a Reply

Your email address will not be published.