Angel Locsin, nilayasan na ang manager?!

HINDI LANG PALA mga babae at mga binabae ang mga umiidolo ngayon kay Jake Cuenca. After kasi ng Tayong Dalawa ay naging malaking artista na si Jake. Kahit mga kabataan ngayon at mga kalalakihan ay umiidolo na sa kanya. Isang nakakalokah ngang nakita namin na super idol o nagpatotoo na idolo niya si Jake ay ang isang taga-Guimba, Nueva Ecija na tunay na lalaki at nagngangalang Goh, edad 23, na nagpalagay ng tatoo sa kanyang braso na ang nakalagay ang apelyido ni Jake. Yes, Cuenca ang nakalagay sa tatoo at super laki ng size.

Sikat na nga si Jake. At nang ipaalam namin sa kanya ay natuwa naman siya at marami na ang humahanga sa kanya.

Patuloy nga ang pagbuild-up sa kanya at isa na naman siya sa bida ng Rubi katambal sina Angelica Panganiban at Shaina Magdayao.

Kunsabagay, ang lakas ng kanyang sex appeal kung kaya naman, kahit mga babaeng may asawa ay nagugustuhan siya.

Tinanong din namin sa kanya kung paano ang kanyang Valentine’s Day? Sino ang kanyang magiging ka-date? Si Melissa Ricks na nga ba?

“ Alam n’yo naman na kung sino at ano ang name niya?” Sagot niya.” Si Sam (Pinto). Hanggang date lang kami. Hindi naman naging kami. Parehong nag-focus lang kami sa mga career namin,” sey niya.

Itinanggi din ni Jake ang blind item tungkol sa kanila ni Bing Loyzaga.
“Mataas ang respeto ko sa mga babae,” sabi pa niya.

NAKITA NAMIN SI Angel Locsin sa launching ng Mosbeau, Placenta White. At talaga namang  super sexy pa rin siya. At kitang kita na kahit wala siyang boyfriend ngayon, blooming na blooming pa rin siya.

Medyo maintriga nga lang ang araw na ‘yon dahil nga wala sa paningin ng movie press ang original na manager ni Angel na si Becky Aguila. Ibig bang sabihin ay wala na siyang manager ngayon?

Tinext nga si Tita Becky ng isang kaibigang reporter, kung pupunta ito ng presscon? Ang sagot sa text ay smile lang.

Kumusta naman ang kanyang buhay-pag-ibig? Kahit todo-effort ang panliligaw ng nakikipagbalikang si Luis Manzano ay mukhang walang pagbabago. Patuloy ang pagpapahirap niya.

At ayon nga kasi kay Angel, tama na muna ang maging loveless siya. Pero hindi pa rin sarado ang kanyang  puso.

At ang latest ngang nali-link sa kanya ngayon ay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

“Magkaibigan nga lang kami, hindi siya nanliligaw,” sey niya.

DAHIL NGA UMAAABOT at mabibili sa Nueva Ecija ang ating magbloid, first time sa Cabanatuan City ang magkaroon ng premiere night. Yes, ang pelikulang Tulak, sa Feburay 12, Mega Center Mall, na ang bida ay si Rafael Rosell at ang gumanap na batang Rafael ay si JP Mesde from Talavera, Nueva Ecija.

Magkakaron ng motorcade ang mga cast ng movie na sina Ma. Isabel Lopez, Mara Lopez, Ynez Veneracion, Mon Confiado, Julio Diaz at iba pa. Mapapanood din ang said movie sa Feb 15 hanggang 19.

Nandoon po kami kaya kitakits!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleAra Mina, kalat na sa internet ang ‘pangit’ na video!
Next articleHulicam: Kimerald: Bagong Pido Dida?

No posts to display