Angel Locsin: Nag-iisa Lang!

PASOK SI ANGEL Locsin sa mga itinuturing na “Primetime Princesses” ng ABS- CBN. Naging big success ang Only You nila nina Sam Milby at Diether Ocampo. Umani  nang papuri at super high ratings ito sa telebisyon. Pagpapatunay lamang na tinatangkilik nang masang Pilipino ang nasabing Koreanovela na idinirek ni Rory Quintos.

“Grabe, wala po akong masabi, I’m so flattered po talaga sa pagbibigay sa akin ng title na ‘yan, na overwhelmed po ako. Isang malaking karangalan para po sa akin na mapabilang sa Primetime Princesses ng ABS-CBN. Parang ang feeling ko, ang taas ng expectations sa akin ng mga tao. Natutuwa po ako, maganda ang naging resulta ng show namin. Mula sa crew, production staff, kay direk Rory at mga artistang involved, tulong-tulo po kaming lahat para lalong mapaganda ang show sa ikasisiya nang manonood.” Masayang sabi ni Angel.

With such a sweet face, hindi mabilang ang product endorsements ni Angel. It was inevitable that she would be chosen to represent different kinds of products – she had the X factor! Love kasi siya nang masa. Marami ang naniniwala sa kanya, tinitingala na para bang Dyosa.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na dumarating sa akin. May nawawala, may bagong kontratang pumapasok. Kung kumikita man po ako ng malaki, ibinabahagi ko rin po ‘yung blessings na ibinibigay sa akin sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Katuwang ko ‘yung sister ko, siya po ‘yung mentor ko. Nagpapasalamat ako at mabubuting tao ang mga nasa paligid ko,” turan ng dalaga.

Sa katunayan nga, katatapos lang mag-shoot ni Angel sa Korea para sa bagong commercial product na kanyang ine-endorse.

“Sisimulan na namin ni Aga (Muhlach) ‘yung pelikula namin under Star Cinema. Hindi ko pa alam kung anong teleserye ang gagawin ko after ng movie namin ni Aga. Sana may pagka-action, nami-miss ko na kasing gumawa ng action. Ako naman, naghihintay lang, kung ano ‘yung project na ibigay sa akin, okey lang. Gusto ko kasi, iba- iba ‘yung character ko para mas may challenge,” wika niya.

As an actress, pinatunayan ni Angel ang galing niya sa pag-arte sa fantasy drama na Lobo with Piolo Pascual, Only You at sa pelikulang Love Me Again. Saan kaya niya hinuhugot ang lakas, ang inspirasyon bilang artista?

“Marami na pong pagsubok ang dumating sa buhay ko, kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko kaya ako nagsisikap para mabigyan sila nang magandang buhay. Sila ang nagbibigay sa akin nang lakas para lumaban at magpakatatag. Una sa lahat ‘yung nasa itaas, nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings na ibinibigay Niya. Siya ang lagi kong takbuhan, never po Niya akong pinababayaan,” pahayag ng magaling na aktres.

On-screen, Angel’s image is that of an alluring heroine who can be meek one moment. In real life though, she is probably the most soft-spoken star ever we’ve encountered.

“Malambing lang po akong magsalita, malumanay, ganito na po ako kahit noong bata pa ako. Feeling nga nila hindi ako marunong magalit. Nagagalit din po ako kapag below the belt ‘yung paninira sa akin, lalo na kapag family ko ang involved. Okey lang sa akin, ako ang tirahin kakayanin ko, huwag lang idamay ang pamilya ko, du’n ako hindi makapapayag, lalaban ako!” Seryosong sabi ni Angel na handang makipaglaban sa mga taong mahal niya.

by Eddie Littlefield

Previous articleKim Chiu: Pakaway-kaway lang, big star na!
Next articleMarian Rivera: Tapagligtas ng Siyete!

No posts to display