Angel Locsin, matinding galing sa acting at stunts ang pinapakita sa ‘The General’s Daugther’

Angel Locsin

IBANG KLASE talaga ang pagiging professional bilang aktres ng bida sa The General’s Daughter na si Angel Locsin.

      Imagine, siya talaga ang gumagawa ng kanyang mga fight scenes sa The General’s Daughter kesehodang mabukulan at magkaroon siya ng black eye.

      May isang eksena pa nga na bumitin siya sa ilalim ng truck habang ito’y tumatakbo.

      Ayaw din niyang magpa-double dahil ayon sa kanya, kaya niya raw namang gawin ang mga eksena.

      Recently, may death-defying act si Angel sa TV series kung saan ay umakyat siya sa isang building gamit ang lubid. Oo nga’t may suot na harness si Angel pero masakit pa rin yon.

      Dahil sa mga eksena ni Angel sa The General’s Daugther na siya mismo ang gumagawa kaya lalo naman niyang pinapabilib ang televiewers at ang kanyang co-stars.

      Bukod sa mga ginagawang stunts, bilib na bilib din sa acting niya si Tirso Cruz III who is playing Tiago (adoptive father niya) sa TGD.

      Nagta-tranform daw si Angel kapag nasa harap na ito ng kamera na malayung-malayo sa personal na ugali nito kapag nasa loob ng tent.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.