Angel Locsin, mas gustong magkaibigan lang sila ni Luis Manzano!

Hindi sinasadya, pero hinahabol talaga ng controversy si Angel Locsin. Nataon pa ito sa launching ng bago niyang ini-endorsong pampaputi ng kili-kili, ang Mosbeau White at Placenta White food supplement.

Kung marami ang nagrereklamo na walang kasunod na project si Angel sa ABS-CBN after ng Only You (kung saan katambal niya sina Sam Milby at Diether Ocampo) humanda kayo sa kasunod na balita.

Dala-dalawang project ang gagawin niya. Sabay. Ang pelikula kung saan katambal niya si Aga Muhlach, at ang teleserye with no less that ‘D John Lloyd Cruz.

Kung paano hahatiin ni Angel ang kanyang katawan dahil may playdate na ang pelikula, ganu’ndin ang teleserye ay ipaubaya na natin kay Angel. “Gusto ko ‘yung idea na inaalagaan ako ng ABS-CBN. Pinipilian nila ako ng project. Hindi ako naiiba sa mga artista ng ABS-CBN na kapag handang-handa na sila, inaayos na agad ang sked para hindi magka-buhol-buhol. Mabibigyan din nila ako ng panahon, para sa iba ko pang gustong gawin. Tulad ng mga proyekto ko for Ondoy Victims, tapos ‘yung sa Pepeng. Hindi ko basta binitiwan ang project, dahil hindi lang naman dito sa Metro Manila naapektuhan ang ating mga kababayan. Higit sa mga probinsiya. Ayoko namang idetalye ang mga ginagawa ko. Hayaan n’yo nang sarilinin ko ang ano mang itutumbas ko sa dami ng biyayang tinatanggap ko mula sa ating Panginoon,” mahaba niyang paliwanag.

“Huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa lovelife ko. Itabi na po muna natin iyan. Mas mabuting bigyan ko ang sarili ko ng panahong makapag-isip-isip at mapahinga naman ang puso. Corny, pero, mahirap naman ‘yung lagi na lang akong nai-inlove. Hindi ba mas mabuting maging magkakaibigan muna kami nina Luis (Manzano) at Efren (Peñaflorida)? I learn from both of them. Akala n’yo lang comedian si Luis, pero, malalim din ang taong iyan. The more you know him, the more na makukumbinsi ka na marami pa siyang ibubuga as a person and as an actor.”

As far as Efren is concerned, Angel has this to say:

“’Yung kadakilaan niya is something that amazes me. Hero siya kung ituring, hindi nabago ang pagkatao niya ng kaliwa’t kanang papuri sa buong mundo. He’s simply dedicated to his mission. Kaya nga, hindi ako makatiis. Nakikitulong ako.”

Tiyak na pag-uusapan din ang paglapit ni Angel kay Manay Ethel (Ramos) after the presscon. Balita nga kasi na hiwalay na sila ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Nahirapan si Angel na sagutin ang kaliwa’t kanang tanong. “Hindi ito ang time at place para pag-usapan ito,” katuwiran niya.

Ang inamin lang ni Angel ay ang pag-uusap nila ni Ma’am Becky tungkol sa kanyang career. “I want us to be friends pa rin. Gusto kong ayusin, bago magkaroon ng tamang panahon para ihayag kung ano ang dapat ihayag. Actually, iyon din ang ipinakiusap ni Manay Ethel sa mga gustong makaalam kung ano ang latest tungkol sa balita.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

11 thoughts on “Angel Locsin, mas gustong magkaibigan lang sila ni Luis Manzano!

  1. Sa mga detractors ni angel, wag kayong manlait ng kapwa coz angel is true Filipino beauty. We should thanks her in taking her time helping needy people. We love you angel..

  2. kAPALTIKS NMN NG AONG TO SI ANGEL PA TINAWAG NA BALUGA PALIBHASA MAITIM KA TANGI HINDI BALUGA SI ANGEL INFACT MORENA XA TATAK NG TUNAY NA MAGANDANG FILIPINA WALA NI WALA NGA HALO DI TULAD NG IBA NA MAGANDA LANG KASI NALAHIAN NG MGA PUTI EH PAANO NLANG KUNG PURE PINAY SILANG TULAD NI ANGEL? IBIG BANG SABIHIN NIYAN AY MUKHA NA SILANG EWAN? MAG ISIP KASI ANG MGA PINTASIRONG PSYCHOPATHIC DI NATPAPATALO YAN KAHIT SILA ANG PANGIT, MAHILIG NILANG IBATO SA IBA ANG KAPANSANAN NILA PARA MAKAPANGDAMAY NG TAO.

    PARA SAU NA HATERS NI ANGEL ISA LANG MASASABI KO..
    MANALAMIN KA AT TINGNAN ANG SARILI MO KUNG MAY MAIBUBUGA KA BA KAHIT KALINGKINGAN LANG NI MS. ANGEL LOCSIN..OK
    WE LOVE YOU ANGEL FOR YOUR HUMILITY AND UNCONDITTIONAL LOVE FOR THE POOR..MORE BLESSINGS FOR YOU IM SURE OF THAT.
    LOVE,
    FAN FROM SWEDEN

  3. kawawa ka naman sobra at punong puno ng panlalait ang laman ng puso at utak mo. kahit nung nag uumpisa sa showbiz si angel never syang naging baluga.

    angel is beautiful in and out.

  4. pampaputi ng kili-kili? bwahahaha! ang laki ng braso ni amazona! so after a few months hind na baluga si angel? ganun??

Leave a Reply

Your email address will not be published.