Sipat-eklat: Angel Locsin, mang-iiwan sa ere?!

SIPAT: ‘MANG-IIWAN sa ERE!’ ‘Yan ang TALAK ngayon ng mga MAHADERA kay ANGEL LOCSIN.
EKLAT: Kung NANG-IIWAN sa ERE si ANGEL… BAKIT ‘di MAKAANGAT ang CAREER niya NGAYON?

SIPAT: NILAYASAN ni ANGEL ang GMA-7. INIWAN ang REGAL FILMS. Ang LATEST, nag-BABAY na siya kay BECKY AGUILA.
EKLAT: ‘Yan ang TINATAWAG na CAREER MOVE!

SIPAT: So, may POSIBILIDAD ding IWANAN ni ANGEL ang BAGO niyang MANAGER na si ETHEL RAMOS?
EKLAT: ‘Yan ang TINATAWAG na CAREER PATTERN!

SIPAT: In fairness kay ANGEL, ‘Siya naman ang INIWAN ni LUIS MANZANO!’ Depensa ng isang miron.
EKLAT: Kaya pala SUPER-DEADMA na si ANGEL sa PANUNUYO KUNO ni LUCKY.

SIPAT: ‘I HATE GOD!’ Ang POST ni FRANCINE PRIETO sa TWITTER account niya.
EKLAT: Susme, baka maging SATANISTA si FRANCINE. ‘Wag naman…

SIPAT: MATITINDING DAGOK sa BUHAY ang DUMARATING kay FRANCINE ngayon, kaya raw niya nai-POST ‘yan.
EKLAT: MAKAGAGAAN nga naman ‘yung may… PUBLICITY kahit paano.

SIPAT: Blind Item: Kung HINDI raw GAGANDA ang RATINGS ng BAGONG TALENT SHOW, e, malamang na SIBAKIN na agad ito.
EKLAT: Clue: HINDI ang SHOWTIME. Pramis.

SIPAT: MASYADO namang BABAD si SUNSHINE DIZON sa HOSTING ng S.O.P.
EKLAT: Kaya tuloy ayaw ring MAGBABAD ng TELEVIEWERS sa SHOW!

SIPAT: Sana raw HINDI lang ang CELEBRITIES sa S.O.P. ang PAGSABIHAN na maging ALIVE sa SHOW.
EKLAT: ‘Yung AUDIENCE nila kasi, e, parang NANONOOD lang sa PERYAHAN!

SIPAT: ANO raw ang unang DAPAT IPARETOKE kay MELAI CANTIVEROS?
EKLAT: Ang MAITIM niyang KILI-KILI!

SIPAT: In fairness kay MELAI, e, AMINADO naman siyang HINDI siya MAGANDA.
EKLAT: Kaya nga INSECURE ngayon si POKWANG at MOMMY DIONESIA sa kanya!

SIPAT: Blind Item: ‘Uy, INGAT ka kay MALE TV HOST!’ Warning kay FEMALE TV HOST ng isang staff sa isang show. ‘Kung MAKATITIG kasi sa ‘yo, para ka nang HINUHUBARAN, e!’
EKLAT: HINDI naman MASISISI si MALE TV HOST, ito kasing si FEMALE TV HOST kung MAGDAMIT, e, KAKARAMPOT!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sipat-eklat: Angel Locsin, mang-iiwan sa ere?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.