Angel Locsin at Luis Manzano, kasal na lang ang kulang

Luis-Manzano-Angel-LocsinTULUY-TULOY NA talaga ang magandang samahan nina Luis Manzano at Angel Locsin. After confirming that they are officially back in each other’s arms ay laging pinapakilig ng celebrity couple ang publiko with their posts on Instagram.

Kamakailan, nagkaroon ng dinner date sina Luis at Angel kasama sina Sen. Ralph Recto, Gov. Vilma, at Ryan Christian. Kitang-kita sa mga Instagram posts nina Angel and Luis ang mga ‘di maikakailang ebidensya that they are one big happy family. ‘Ika nga, kasal na lang ang kulang para maging opisyal nang kabilang sa kanilang pamilya si Angel.

Nagkuwento si Luis sa Buzz ng Bayan tungkol sa kanilang masayang bonding. “Nag-set ako ng dinner. Kumbaga it was [like] watching Angel come home. Parang ganoon. Nagkita at nagyakapan sila. Kausap ko si Ryan, hinahayan kong mag-bonding ang dalawang binibini. So it was a very happy evening. Ang sarap nilang panoorin. Iyong interaction ni Mommy kay Angel, kay Tito Ralph, kay Ryan, pinapanood ko lang. Ang sarap. Parang no time was lost between them.”

Gov. Vi is very vocal about her feelings with Angel. She only has good words for the actress. Sabi nga niya noon sa isang interview ay hindi na iba sa kanilang pamilya si Angel. Basta lagi lang daw siyang nakasuporta. What matters most ay maligaya si Luis and definitely isa si Angel sa nagpapasaya ngayon sa binata.

What was Gov. Vi’s reaction nang magkita sila for the first time after the reconciliation? “Kung tama iyong pagkakaalala ko parang welcome home nga rin yata ang sabi ni Mommy [kay Angel]. I could see the happiness in my Mom. In fact, sila pa iyong magkatabi. Ako nasa side. Si Angel, si Mommy, [at] si Tito Ralph, sila pa iyong nagba-bonding,” sabi ni Luis.

Now that they are giving love a second chance, Luis makes sure na pang habang-buhay na ang pag-iibigan nila ni Angel. Sabi nga, it takes two to tango. Ganoon din pagdating sa relationship. Kailangan may effort ang magkarelasyon kung gusto nilang magtagal ang kanilang samahan. Kaya naman despite their hectic schedule, Luis and Angel give time for each other. Ayon kay Luis, “You have to make time. For example, a few nights back, galing akong trabaho. Dumaan lang ako just to give her a kiss tapos umuwi na ako. The small moments are what make the relationship worth it.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

11 thoughts on “Angel Locsin at Luis Manzano, kasal na lang ang kulang

  1. Angpangitangpangitmo!! hindi na kailangan ang ligawan sa kanila ngayon dahil may past na sila, ang kanilang ginagawa eh pinagusapan na lang nila ang mali nun bakit sila nagkahiwalay at buti na lang God, is good dahil nabuksan ang pangisip ni Luis, sa dati nya karelasyon na hindi maganda ang resulta, So Angel at Luis, go! go! go!!!..

    • nyahahahahha baka maranasan ni Botcha ang naranasan ni Ate Vi, nung mag asawa pa sila ni Edu,,,hahahhaaha may kaagaw si Ate VI,,,,hindi babae, kundi lalaki bwhahahahha ganyan na ganyan si Luis,,pwede sa babae at lalaki…mean AC/DC si Babalu hahahha

  2. grabe talaga si anghet poksin… siguro maraming tilas sa garden nila kaya lagi yang natitilas at kailangan ng tagakamot!

    • uy grabe ka naman, anong tuhog tuhog queen sinasabi mo. napakabuting tao ni angel locsin, matulungin at mapakawanggawa sa mga kapuspalad. kapag may kalamidad naroon sya baha naroon sya. bagyo nag re repack ng mga canned goods nag bebenta ng mga gamit pangtulong sa mga nasalanta. may takot sa Dios si angel at napa ulirang anak sa ama nito at pamilya. wag naman ganyan. sino kaya sa mga artista ang naroroon agad pag need ng tulong sambayanan isa yan si angel wala ng publicity pa takbo sya at tumutulong. hanga ako sa kabutihang loob ni angel kaya naman si Gov Vi at botong boto sa kanya bagay na bagay sila ni luis kasi matulungin sila pareho. Dios na bahala sa inyo mapanirang puri tulad mo!

      • tama :) @feliciaocido mabait si angel.. and for you @Angel tuhog queen and @KriSTD parang wala kayong pinag aralan you don’t know how to respect. Wala ba kayong GMRC nung nasa gradeschool plang kayo? hehe..

  3. Huh!Basta ganon nalang?Walang ligawan?Ang cheap naman kahit pa naging sila noon at ang bilis lang ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.