Angel Locsin, kinaiinipan na ng fans ang next project!

ONCE IN A WHILE dito sa ating pitak sa Pinoy Parazzi, nais naming bigyang espasyo ang ating e-mail senders or fans and supporters ng paborito nilang mga artista.  After all, ang fans ay may malaking partisipasyon sa ikasisikat ng sinumang celebrity at ang kanilang mga proyekto.

May “fan mentality” man silang taglay, nais pa rin naming i-print dito ang kanilang comments na we think ay mahalagang makarating sa handlers ng stars for their personal and professional growth, maybe. Ang mga tagahanga rin ang nasa likod ng tagumpay ng kanilang mga idolo, kung kaya’t hindi natin dapat dedmahin ang kanilang mga opinion.

Heto po ang isang e-mail galing sa isang fan ng Kimerald o nina Kim Chiu and Gerald Anderson, na no doubt, ay isa sa pinakasikat na young loveteam sa bansa. Siya ay si Jun Ramos ([email protected]) na sinabihang starlets sina Sam Pinto at Max Eigenmann na nali-link recently kay Gerald. Here it goes:

Kimerald is worth it and they deserve to do the movies and soap together again. Kaya hindi kami patitinag, ipaglalaban sila Kim at Gerald. Kimerald is the best couple in the country. All we want is Kim and Gerald together again for their next soap and movie.

We want Part 2 & 3 of their certified box office movie Paano Na Kaya? and of course we want also na after the top-rating soap Kung Tayo’y Magkakalayo ay magkaroon ulit ng primetime soap sila together.

Dapat, walang ka-triangle at starlet na kasama. Ayaw naming makatrabaho nila Kim at Gerald ang mga user at starlet na sina Sam Pinto at Max Eigenmann or kahit na sino pa, only Kimerald. We don’t want them to separate and pair Kimerald to others!”

FROM AN ANGEL Locsin fanatic naman na si Macel Formalejo ([email protected]), na isang TFC subscriber at nasa abroad, inip na inip na siya kung bakit daw ang tagal-tagal nang walang follow up film ang idolo niyang si Angel under Star Cinema? Na para raw bang may nagko-control sa patuloy nitong kasikatan.

Tila ang “ibang artista” na pinatutungkulan niya sa kanyang e-mail, sa hula namin, ay sina Sarah Geronimo at KC Concepcion? Narito po:

“Bakit po ang tagal bago masimulan ang next movie ni Angel Locsin under Star Cinema? Sana, maging fair naman po tayo. Kaming mga TFC subscribers, nag-aantay sa kanya.

Lumipat siya from GMA to ABS-CBN, so sana mas alagaan n’yo naman. Sayang naman po kasi ang oras. Ang dami-daming nag-aantay sa movie niya. Ano po bang problema, bakit ang tagal?

‘Yung iba n’yong alaga, eh, katatapos pa lang ng isang movie, eh, may movie na namang kasunod. Bakit ganu’n? Are we trying to control her fame?

It’s almost 6 months kaming waiting na mga fans niya at masugid at loyal pa rin na naghihintay sa isang Angel Locsin ’coz whether we like it or not, walang makapapantay sa once in a lifetime beauty and appeal niya.

Sana po masimulan na agad ang movie ni Angel with Aga Muhlach with Sam Milby, and so on.

Give her a good promotion tulad nu’ng pag-promote n’yo po ng movie n’yo sa ibang artista. Give her a good story, a partner na bagay sa kanya at may possiblity na magkagustuhan sila. ‘Yung hindi doubtful ang preference (Referring to…?)

Kaming TFC subscribers ay matagal na pong naghihintay. This is a pro-Angel Locsin country. Tinatangkilik siya ng tao kahit mag-isa lang siya.

IPINAKIKITA NA ANG teaser ng Kokey @ Ako ni Angel with Vhong Navarro kaya ipalalabas na ito. As for the Aga-Angel movie, sila na mismo ang nagkumpirmang tuloy ito, schedules lang nila ang inaayos. Tinatapos ni Aga ang Of All The Things nila ni Regine Velasquez (under Viva Films).

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleVicki Belo, ‘di natiis si Hayden Kho!
Next articleVice Ganda, nakasasawa na ang gimik sa pagpapatawa?!

No posts to display