Angel Locsin, itinangging gimik lang ang pagpaparamdam kay Luis Manzano

Angel-LocsinKAPWA INAMIN na nga nina Angel Locsin at Luis Manzano na mahal pa rin nila ang isa’t isa pagkalipas ng dalawang taong paghihiwalay at pagkakaroon ng kanya-kanyang mga kasintahan, na nauwi rin bandang huli sa hiwalayan.

Pero ayon sa aktres, kailangan muna raw nilang i-settle dalawa ang mga unresolved issues nila in the past although kitang-kita namin sa mga mata nila kung gaano sila kasaya nang makita namin silang magkasama sa dressing room ng una last Wednesday night nang dalawin ito ng TV host at aktor para kumustahin.

Last New Year lang nang biglang magparamdam daw kay Angel si Luis sa pamamagitan ng pagdalaw nito sa sa bahay ng una na natutulog na pala, kaya nagpasabi na lang ito sa mga kasama ng ex-girlfriend sa bahay at iniwan na lang n’ya ang kanyang regalo bago umalis. Bumalik na lang daw sa ibang araw ang binata, pero tuloy pa rin ang pangangamusta nito thru text sa dalaga.

Nang magkita raw finally sina Angel at Luis, parang walang nangyaring hindi maganda sa kanila in the past nu’ng mag-d’yowa pa sila hanggang sa magkahiwalay na nga. They kinda missed each other daw, kaya nagkumustahan sila.

Actually, gusto raw ni Luis na mag-guest si Angel sa game show na hino-host n’ya, ang Minute To Win It on ABS-CBN, pero hindi pa raw ma-convince ng una ang huli, lalo na’t binibiro nito na may practice ng umaga bago magsimula ang taping. Ilang beses na rin nga raw tumatawag ang staff ng game show sa manager ni Angel na si Tita Ethel Ramos para sa guesting sana ng aktres ngayong okey na ulit sila at nag-uusap na ng kanyang ex-boyfriend, dahil more than two years din daw silang hindi nagkita at nagkibuan, kahit sa text o tawagan sa cellphone.

Pinabulaanan din ni Angel na nangyari ang lahat para lang sa promo ng bago n’yang teleserye sa Dos na The Legal Wife Wala naman daw kasi si Luis sa kanilang serye. Bagkus, inilabas lang daw ng dalaga ang nasasaloob ng kanyang puso at hindi s’ya nagsisinungaling.

Aminado rin si Angel na nagkaroon ng konting kirot sa puso n’ya noon nang malaman n’ya na naka-move on na si Luis at may bago nang girlfriend.

At natapos man ang relasyon nila ni Phil, masasabi ni Angel na minahal n’ya raw ito nang tunay at sobra, hindi gaya ng mga iniisip ng ibang mga tao na panakip-butas lang, dahil hindi naman daw n’ya maaaring laruin ang emosyon at nararamdaman ng puso n’ya at lokohin ang taong minahal din s’ya.

Pa-minsan-minsan ay nagte-text pa rin naman daw si Phil para kumustahin s’ya at magpadala ng greetings.

 

SA FEBRUARY 20 tuluyang lilipat sa kanyang bagong ipinatayong bahay si Angeline Quinto na may limang kuwarto raw, dahil ito raw ang araw kung kailan s’ya nanalo sa singing contest na Star Power sa ABS-CBN three years ago hosted by the Megastar Sharon Cuneta, kaya espesyal ang araw na ito para sa tinagurian ngayong Queen of Teleserye Theme Songs. May kuwarto nga raw na nilaan si Angeline para sa kanyang namayapang ama late last year, kaya lang ay sumakabilang buhay na nga ito, kaya ginawa na lang daw n’yang guest room. Nasa 80 percent na raw ang completion ng kanyang bagong tahanan sa Quezon City rin na nakatakda rin ang house blessing sa nasabing petsa. Kinu-kumpleto na rin daw ni Angeline ang pieces of furniture.

Sa press launch ng third album ni Angeline na Higher Love under Star Records, inamin nito na pangarap n’ya raw na mag-pose sa cover ng men’s magazine na FHM. P’wede naman daw siguro kahit hindi gano’ng ka-sexy ang suot at pose n’ya. Pakiramdam daw kasi ngayon ng young diva na napakasayang kausap na gumanda s’ya, lalo nga’t pumayat pa s’ya ngayon. Kung sa bagay, medyo revealing ang ilan sa mga suot n’ya sa mga pictures sa kanyang album na bagay naman sa kanya.

Very vocal din si Angeline na nagpaayos ng s’ya ng kanyang mga mata kay Dr. Vicki Belo para hindi raw laging mukhang malungkot ang mga ito. Una na raw s’yang nagpa-botox ng kili-kili last year para siguro hindi masyadong mamawis. Nu’ng una, gusto n’ya rin daw magpaayos sana ng ilong although matangaos na naman ito. Pero nang makausap n’ya raw ang kanyang idol na si Regine Velasquez, sinabihan s’ya nito na kung p’wede, huwag na lang, dahil maaari sigurong maapektuhan ang ganda ng boses n’ya, kaya dedma na lang sa pagpaparetoke ng ilong ang batang singer.

Bilang pasasalamat kina Ate Shawie at Asia’s Songbird, ni-revive ni Angeline ang mga kanta nila na Hanggang Kailan Kita Mamahalin at Babalikang Muli, respectively, na kasama sa kanyang 10-track album na may two bonus tracks na re-mix ng mga awitin n’yang Higher Love at Sana-Sana by Brian Cua. Bukod d’yan ay may minus one pa ng lahat ng mga songs n’ya sa naturang album, kaya buy na kayo!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Angel Locsin, itinangging gimik lang ang pagpaparamdam kay Luis Manzano

Leave a Reply

Your email address will not be published.