Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong Dantes

BLIND ITEM: Kawawa naman ang isang news anchor. Nawalan ng trabaho, dahil sa isyung diumano’y reklamo ng isang young actress ng sexual harrasment.

“Juice ko, alam mo, Ogie, napakailusyunada ng babaeng ‘yan. Dahil sa kaartehan niya, porke ayaw lang niya du’n sa news anchor para sa kaibigan niyang young actress, ginawan niya ng isyu.

“Aba’y nu’ng one time kasi, usap-usap silang tatlo, itong news anchor, itinuro lang niya ‘yung parang sugat niya, aba, ‘yun na. Inireklamo na niya ng sexual harrasment.

“Since magkaisa lang sila ng TV station na pinagtatrabahuhan, ayun, hindi pa naman napatutunayan ‘yung allegation niya du’n sa anchor, tinanggal na sa trabaho ‘yung tao. Kawawa naman.

“Juice ko, eh sa totoo lang, guwapo ‘yung anchor, pero hindi siya type nito. Siya lang ‘tong nag-iilusyon. Kunwa-kunwari lang siyang ayaw niya ‘yung anchor for her friend, pero ang totoo, siya ang may gusto du’n sa guy.

“Excuse me, hindi siya type no’n. Ayun, ginawan niya ng isyu.”

Kung totoo man ito, ang cheap naman ng girl na ‘to. Kunsabagay, ‘yung nanay nga niyang nagkupkop sa kanya, ginawan niya ng isyu noon, eh. Imagine, in-adopt na nga siya, tapos, sinasabi niyang ang higpit-higpit daw ng nanay niya at nasasakal na siya.

Kaya hindi nga imposibleng nag-imbento lang ng kuwentong sexual harrasment ang young actress na ang name sounds like “demonyita”.

 

EWAN KO ba kumba’t gano’n ang feeling namin. Ilang beses na na-ming napapanood ang trailer, pero dito lang kami laging teary-eyed: sa trailer ng One More Try nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Sabi namin sa Adprom, “Pro-mise, panonoorin ko ‘to sa Pasko, sobrang naiiyak talaga ako. Trailer pa lang, intinding-intindi ko na ang kuwento. Sobrang sapul!”

Imagine, ano’ng gagawin mo kung ikaw ang asawa, pero ikaw na misis, ayaw pang magkaanak. At ‘yung ex-girlfriend ni mister kung saan may anak siya ay nangangailangan ng bone marrow transplant at the only way para madugtungan ang buhay nito ay magkaroon pa siya ng isang kapatid sa parehong ama?

Ipapahiram mo ba ang asawa mo para mailigtas nito ang buhay ng anak nito sa ex-girlfriend?

Nakakalokah, ‘di ba?

Ipinagmamalaki naman ni Angel si Dingdong na sobrang protective sa kanya sa love scene nila. Inii-ngatan nitong makitaan si Angel.

Si Zanjoe naman ay humugot pa ng lakas kay Angel Locsin sa kanilang love scene.

Si Direk Ruel Bayani ang director,  ang direktor lang po ng No Other Woman na umabot sa P250M ang total gross.

 

AND SPEAKING of Angelica Pa-nganiban, gusto naming magpasa-lamat sa kanya sa tsekeng ibinigay niya para sa mga indigent breast cancer patients na itinataguyod ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc (na nasa East Avenue Medical Center).

Hiniritan namin sa DM (sa Twitter) ang aming anak-anakan at hindi naman kami nagdalawang-salita, bigay agad siya ng tseke.

Maging si Janice de Belen ay hiniritan din namin ng Christmas gift for the cancer patients at hindi rin kami nagdalawang-salita.

Nauna na si Papa Piolo Pascual na nagbigay. At nakatakdang sumunod si Luis Manzano.

Talagang “hinoholdap” namin ang mga kaibigang artista para sa ibang taong mas nangangailangan kesa sa amin.

Pero ‘pag para sa sarili na, tameme na kami. Hahahaha!

Anyway, thank you sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings at bahala na si Lord na gantimpalaan kayo sa kabutihan ng inyong kalooban.

More blessings to come!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

22 thoughts on “Angel Locsin, ipinagmalaking ‘iningatan’ siya ni Dingdong Dantes

  1. THIS SHENA IS HOPELESS AND HELPLESS LET’S PRAY FOR HER SOUL. REST IN PEACE, PRAY AND CONFESS ALL UR SINS! BAHO NG BUNGANGA MO, MALIGO KA DIN ANG LANGSA MO INDAY!

  2. Ano ba problema nitong si Ogie Diaz dun sa pagpapantasya ng mga bakla kay Enchong Dee? Ang lagay ba ang hinahada lang ay yung mga lalake? Siempre ang mga bading naghahadaan rin! Ano tingin nyang ginagawa ni Neil Patrick Harris at ng asawa nya, nagja-jackstone? Dapat pag may hadaan, yung isa lalake, yung isa bakla? Dapat laging ganun ang sistema? Dapat ang sex life ay base sa mga stereotype? Sya ba pinakielaman ng nag-asawa sya ng babae? Karapatan nyang makipagsex sa babae. Gusto nya yun. Inistereotype ba sya?

    Naalala ko tuloy yung sinulat nya sa dyaryo nun tungkol kay Rustom Padilla (RIP) na nahuli sa gym na chinuchupa. Alam nyo kung ano ang reaksyon nitong ipokritong Ogie Diaz na to? “At least sya ang chinuchupa at hindi sya ang chumuchupa!” T@ng!n@ng kaipokritohan yan!

  3. parang c danita nga..at yung news anchor c atty mike templo..but im not sure ha..dim ko na kc napapanood c mike templo sa late news ng tv5 every weekend

  4. sana hindi na lang isinali si zanjo marudo, panggulo lang eh. ang bano na ngang umarte ni dingdong, triple pa kay zanjoe. sure nang forgettable si zanjoe sa one more try!

  5. Lmao! Naiirita yong mga fans ni MR eh kc naman aaning aning kasi yang idol nyo kaya naba-blind item lage. Kung hindi lang sana lumake yong ulo eh di sana walang masamang maisusulat sa kanya and excuse me TEEN yong tinutukoy hindi gurang. Feeling nyo naman teen star pa si MR. Kawawang Dingdong. Mas bagay sila ni Angel Locsin.

  6. BLIND ITEM. MARIAN RIVERA NA NAMAN. ANAK NG PATING LAHAT NA LANG NG BLIND ITEM SI MARIAN RIVERA LAGI.
    PAHIRAPAN NYO NAMAN KAMI, HINDI YUNG PURO SI MARIAN RIVERA ANG BLIND ITEM NYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.