Angel Locsin, international na ang level

Bago pa man i-announce ni Kris Aquino sa SNN last week ang balitang pagkakasama ni Angel Locsin sa International Emmy nominations, ay nabalitaan na namin ito at wala na kaming nasabi pang iba kundi, OMG! Nominado sa kategoryang Best Performance by an Actress sa International Emmys 2009 si Angel Locsin para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Lyka sa teleseryeng Lobo, o mas kilala ngayon internationally as “The Wolf”.

Nauna nang pinarangalan sa BANFF in Canada ang teleserye at ngayon naman isang pagkilala sa mahusay na pagganap ni Angel ang napansin ng international award-giving body. Katapat ni Angel ang ilan sa mga kilala at respetadong mga pangalan sa larangan ng TV Acting mula sa bansang France, Mexico at United Kingdom. Sa lahat halos ng blogs sa internet, sinasabing talagang naabot na ni Angel ang pagiging tunay na aktres sa kanyang mga natatanggap ngayon na acting awards.

Kung noong una ay pinagdududahan pa ang kanyang pagiging artista, ngayon, mismong international award-giving bodies na ang nakapupuna dito. Binaha ng napakaraming congratulatory messages si Angel at kahit mga dati niyang mga katrabaho sa kabilang network ay matindi ang pinapahatid na mensahe sa kanya. Hindi talaga basta-basta ang pagkakapansin kay Angel ng International Emmys, kaya ito na marahil ang magseselyo sa kanyang pagiging ganap na aktres.

[ad#post-ad-box]

‘Kasama ring napansin ng 2009 International Emmys ang teleserye nila Jericho Rosales, Cristine Reyes at Carmen Soo, ang Kahit Isang Saglit o A Time For Us, ang kahuli-hulihang proyektong ginawa ni Manong Gilbert Perez. Ito rin ang kauna-unahang joint venture project ng ABS-CBN at ng Double Vision SDN ng Malaysia. Pero katunggali nila rito ang Magdusa Ka ng GMA Network.

Hanggang ngayon ay hindi pa tumitigil si Angel sa pagtulong niya sa mga naging biktima ni Bagyong Ondoy. Sa katunayan, aktibo pa rin siyang sumasama sa mga relief at feeding programs ng ilang grupo sa mga lugar tulad ng Riverside, Barangay California sa Novaliches Quezon City. Tinanong namin si Angel kung ano ang kanyang natutunan sa trahedyang tumama sa atin kamakailan, at sa pamamagitan ng isang text message, ito ang pinarating sa amin ni Angel.

“Ang bagyong Ondoy ay nagsilbing wake-up call sa akin. Bilang isang mamamayan na nagbabayad ng napakalaking buwis sa ating pamahalaan, hindi ko maintindihan kung bakit hindi tayo handa sa ganitong sakuna. Nakalulungkot isipin na hindi natin maiaasa sa gobyerno natin ang pagtulong, kaya karamihan ay kusang tumutulong sa mga nasalanta. Nakatutuwa dahil karamihan sa mga volunteers ay mga kabataan. Kahit walang tulog, ligo, hindi pa rin iniinda ang pagod. Kahit magkasakit, masugatan, game pa rin sila. Nakaka-boost ng energy ang mga ganitong tao. Pero meron din naman na nakatutulong naman, pero may kapalit. Mga pulitikong nagugutom na nga ang mga tao, e nakuha pang mag-speech. Maski sa aming artista, may halong publicity. Pero basta nakatulong, ‘yun ang mahalaga. Ang nangyari sa mga kababayan natin ay hindi makatao kaya sana tratuhin nating sila bilang tao. ‘Wag natin silang hayaang mag-away dahil sa relief. Saludo po ako sa mga biktima. At kahit hindi ako natutuwa sa nangyayari sa ating gobyerno, masasabi ko pa rin na I’m proud to be a Filipino dahil sa mga Pinoy lang natin makikita ang ganitong pagmamalasakit sa kapwa.”

loading...

32 thoughts on “Angel Locsin, international na ang level

  1. natatawa ako sabi sa lait kay angel iniiwan daw siya ng lalake..pero ok lang yun kesa naman yung idol nila nanulot ng boyfriend ng may boyfriend….

  2. Funny!! kung flop and Love me again (Php65M) Ano tawag mo sa movies ni marian na wala pang 1 week sa sinehan e booted out na. Haha
    Oo nga blockbuster pala ang Tarot!! Haha

  3. oh’ ang mga PANDEMORIAN, naiinggit na naman…kaya aun,,super pang-aasar na lang ang ginagawa,
    well’ whatever u say, di nyo na mababago at maiialis sa isipan ng mga tao na Angel is nominate for Best Actrees in Emmy, oh..KABOG!

  4. ang masasabi ko lang eh halip siraan nyo si angel eh suportahan nyo na lng.. kapag nanalo sya malaking achievement un sa philippines.. so stop the crab mentality thing.. be proud na lng sa kanya.. kun siraan nyo sya nakakahiya un kc mismo kapwa filipino nghihila pababa sa kanya… hwag tau maging makitid ang pag-iisip.. kahit ayaw nyo sa kanya suportahan nyo na lng sya as a filipino.. kahit ano gawin nyo kasiraan nya equals sa kasiraan ng filipino.. wala na rin magagawa un mga ayaw kay angel kasi nominated na sya sa emmy .. so its mean magaling sya tlgang umarte.. no doubt na dun.. kc hindi ka naman manonominate kun wala kang K ..nakakahiya naman sa mga award group na sasabihin binayaran or may backer kaya nila nominate si angel.. insulting un sa parte nila..

  5. para mo rin sinabi na ang galing ni sharon cuneta sumayaw at magiging first placer siya sa dance contest!!!!!!! hahaha

    angel locsin best performance? whos next, richard gutirrez maging best actor sa oscar international awards? hahaha

    lame! lame! magkano kaya ang bayad ng ABSCN?

    • b.o.b.o ka kung kaya lang yang bayaran marami na sanang na-nominate sa pinas, pati oscar sasali mo pa.. wag mo igaya sa award giving bodies d2 ang emmy at oscar dahil mga artista sa buong mundo pinapangarap na manalo dyan..

    • ETONG EMMY TALAGA ANG TOTOO MARUNONG MAG-RECOGNIZE NG TUTUONG TALENT….WALANG MAKAKADIKTA DITO INTERNATIONAL JUDGES FROM DIFFERENT COUNTRIES ANG MGA BUMOTO AT TALAGANG MGA BIGATING TAO ANG PUMILI SA MGA THE BEST NA BEST ACTRESS….AT KASAMA JAN SI ANGEL LOCSIN LABAN KA!!!!!! BONGGANG BONGGA KA ANGEL 1ST EVER SA YOUNG ACTRESS NANGYARI YAN AT THE PRIME OF THEIR CAREER…..IBA KA TALAGA ANGEL…………………AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO

  6. ..congrats angel!!! in defense to aBS, kailangan nilang bigyan ng chance ang iba nilang artists and nag veventure sila sa young stars nila like erich.. nagbakasakali sila sa kanya, kaya ngayon hataw ang katorse… hehehe… gogogo!

    team kapamilya!

  7. weeeeeeeeh laos naman na talaga idol nyo eh…..aminin nyo na ……….puro kyo emmy award……..un lobo ang nominate dun hinde yang idol nyong lawlaw suso hekhek….laging iniiwan ng mga lalaki………wawa naman heheh

  8. congratulations miss angel locsin. nag iisa ka. puwede na talaga mamili ng roles si angel kasi shes taking her craft seriously. besides, super yaman na nito kaya nga kaya ngang magdonate ng hundreds of thousands ng ganun ganun lang, aside from the fact that she has a good heart. sa mga haters, ang saya talaga na hindi kayo maka move on na wala na si angel sa channel 7.

  9. I’m so proud of you Ms Angel Locsin. Pinag pipray namin na sana manalo ka!

    Sa ABS ka talaga nababagay dahil magaling kang artista at magaganda ang mga programa nila!

    Good decision ang pag-alis mo. Dahil sa ABS naeexperience mong mag Premiere sa ibang bansa, at ngayon may red carpet ka na!

    Good luck Angel!!!!

    • may point c chosera! alam nyo kaC ABS-CBN only gives equal opportunities to their talents.. pana-panahon kung baga.. kaya if uR given the chance to shine eh itodo mo na.. take for example c Maja.. ang tagal din nyang naghintay para magka lead role.. pero ngayOn meron na.. ganyan naman talaga sa ABS.. dapat marunong kang maghintay.. and uL be given wat is due to you..

  10. Nobody does what Angel Locsin can do…….ang masama sa ABSCBN may favoritism silang artista….kung ano yung hinihingi ng mga manunuod hindi ibigay pilit pang sinisiksik yung mga artista nilang nakakasawa at sobrang mga OA pagkaka-arte-arte pa….nakakaasar na talaga…pero si LORD talaga napaka-galing siya na mismo yung nag-leap kay ANGEL kahanga-hanga talaga yung parangal na ibinigay sa kanya being nominated bukod sa philippines representative eh, siya lang ang tanging from ASIA country na nakapasok…..talagang amazing…..pinag-uusapan talaga ng lahat at buong pinoy sa lahat ng parte ng mundo eh proud na proud kay ANGEL….pero etong ABS eh dedma….nakaka-asar…samantalang yung korean nomination ni Cristine eh sobrang HYPE nila grabe eh itong EMMY’s sikat na sikat award giving bodies eto bata palang ako kilalang kilala na ito…………..gogogo ANGEL LOCSIN this is your way to HOLLYWOOD IM SO PROUD OF YOU BEING A FILIPINO…………………BEST ACTRESS KANA ANGEL SA PUSO NAMING LAHAT!!!!!

    • by turn kase sa ABS, lahat nabibigyan ng chance. sila Angel at Kim last season, KC at Kristine at Maja naman ngayon

      Hindi naman pwedeng gawing sunod sunod pano na ang mga ibang artista nila? Di naman gaya ng GMA yan eh na si Rhian na lang lagi, napapanood mo o si Marian

      Nag woworkshop ngayon si Angel para sa serye nya with JLC. Saka di ba kaya nga sya umalis sa GMA dahil ginawa syang kalabaw ni Wilma? Tapos ano, gagawin din uli ng ABS kay Angel?

      Di baleng hindi sunod sunod ang serye at least makabuluhan at ayan may mga international recognition pa. Kesa naman, quantity pinapairal pero wala namang quality gaya ng mga serye ni Marian. Sa tingin mo ba, manonominate ang Tadyang sa International Emmy?

      Pwede kung ang ilagay mong judges eh sina Alfie at si Kuya Germs

      So bago mo husgahan ang ABS, isip ka muna.

  11. mga angels…….

    gusto ko sanang sumali sa discussions nyo about angel pero paano ba ako makakapagpost sa pinoy exchange……

    nakapag log in na ako tapos di ko alam kung paano mag post…….

    pls help me angel fans

  12. and for your more nformation hindi po laos ang taong nanonominate sa emmy awards…….

    kapuso ka nga kasi hindi ka pa din nakaka move on sa pag alis ni gel sa kapuso network nyo…

    kaya ayokong maging kapuso bad influence mahilig manira like your network………

  13. grabe naman ang isang nilalang na ito….grabe ang inggit mo kay angel…………..

    alam mo ayoko na sanang mag comment kaya langsobra ka kung makapagsalita kay angel ………hindi ka siguro marunong magmahal kaya ka ganyan…

    at least si angel locsin madaming natulungan eh ikaw meron ba……..

  14. sorry nga pala di ka nakasama sa Mano Po6 dahil hindi ka pa napatawad ni Mother Lily sa pagtraidor mo sa kanya! iniwan mo siya kahit hindi pa tapos ang contract mo sa Regal Films at pumirma ka sa star cinema, mga sinungaling kayo pareho ni becky aguila! napahiya na naman pala si becky sa pagtext sa iba na kasama ka daw sa MP6 haha! anyway, nakarma ka tuloy kaya flop ang flop me again, ang laking gastos pa naman yun sa Awstralia LOL pa nag shooting! text brigade ka na lang ulit sa next movie mo para marami ang manood haha!

    • Si Marian rin, hindi kinuha ni Mother Lily sa Mano Po 6. Takot na kasi dahil baka hinid na makaahon sa pagkaluge. Flop na naman kasi ang movie ni Marian. Pati TV shows niya, flop flop flop. Nanalo si Marian s award na FLOPSINA QUEEN. OO nga pala, bantay salakay si Marian kay Dingdong. Hindi siya mapakali sa set nang Darna. Panay text kay Dingdong. Takot kasi na maagawan ni Rhian. Kawawang Marian, FLOP FLOP FLOP ang lahat nang gawin niya.

  15. uy congrats kay angel pokpoksin buti naman nag improve na talaga siya sa pag-arte ang tagal na niya kasi sa showbiz no! sana naman ngayon e makatulong itong nomination niya sa lumamlam na career niya. aanhin mo ang nomination kung laos ka na? si kim at bea ang prioridad ng abscbn ngayon dahil napatunayan nilang bankable stars sila e si angel flop ang tv soaps at flop ang unang movie niya sa star cinema kahit partner niya si piolo hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.