Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcom

HOW TRUE na hindi pinapasok ng ads ang newly-launched bekiserye ng Siyete na My Husband’s Lover?

Marami ang nakapuna na kokonti lang daw ang commercials nito noong i-launch ito last Monday. May umiikot na chismis na medyo turn-off daw ang advertisers dahil sa maselan nitong tema.

Three days na nag-trending topic ang teleserye nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Kahit saan kami magpunta ay iyon ang pinanonood ng mga tao. Kilig na kilig sila sa love affair ng characters nina Tom at Dennis lalo na ‘yung eksena noong Wednesday where Tom was dilly dallying kung iki-kiss niya si Dennis who was in the hospital.

Napanood din namin ang pilot episode nito nu’ng Lunes and we must admit na we’re hook by it. Kakaiba kasi ang story line, something which was not done on television before.

Naloka kami sa dayalog ni Roi Vinzons nang makita niyang naghaharutan ang dalawang macho gays sa gym.

“Kitang-kita ko ang matres n’yo,” sabi niya.

Hindi ba nakakaloka ang dayalog niya?

NAKITA NAMIN ang photo ni Dra. Vicki Belo na kasama si Edward Mendez.

Nag-dinner ang dalawa sa bahay yata ni Vicki. Kaswal na kaswal lang ang ayos nila but we noticed na since nasa bahay lang sila ay hindi nakaayos ang cosmetic surgeon. Wala siyang ka-make-up-make-up sa kanyang shot kaya naman nagmukha siyang matanda.

Since she’s into the business of making people look and feel beautiful ay hindi sana nagpakuha si Vicki nang hindi nakaayos.

Actually, maganda naman ang suot niya, kaya lang ay wala siyang make-up kaya nahalata tuloy ang age discrepancy nila ni Edward.

Also, we saw the photo of Zsa Zsa Padilla while undergoing a procedure. Nakunan ng larawan si Zsa Zsa na merong mga nakatusok na karayon yata sa kanyang mukha. Acupuncture facelift ang tawag sa procedure na ‘yon.

We’re just bothered lang since close-up ang kuha kay Zsa Zsa at talagang naloka kami dahil sa merong nakatusok na karayom all over her face.

Teka, alam kaya ni Zsa Zsa na nakunan siya ng picture at ipinost ni Vicki sa social photo sharing service na img.ly?

 

MALAKING FACTOR para kay Angel Locsin na magustuhan ng kanyang ama o ng kanyang kapatid ang lalaking pakakasalan niya.

Sabi ng aktres sa presscon ng Four Sisters And A Wedding ay kailangang may approval at blessing ng father niya ang kanyang mapapangasawa.

“Awa ng Diyos gustung-gusto naman niya si Phil. Importante sa akin kung ano ang sasabihin ng magulang kasi sila ‘yung nagpalaki sa akin. Suwerte ko lang na gusto nila si Phil,” sabi niya.

Ilang buwan nang hindi nakikita sa sitcom niyang Toda Max si Robin Padilla kaya naman may nagtanong kung babalik pa ang action star.

“Actually, ‘yung kay Kuya Binoe, ang nakakaalam naman niyan, kung anuman, ay ang production. Nami-miss na nga  namin siya,” sabi ni Angel.

Hindi na ba talaga babalik si Binoe?

“Ang alam ko hindi, pero depende naman sa kanya o sa production. Sa akin kung makasama ko siya uli, why not? Kasi marami akong natutunan sa kanya. Siya nga ‘yung isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-Toda Max,” paliwanag niya.

“Nalungkot kaming lahat nang mawala siya. Nami-miss namin siya,” pahabol pa ng aktres.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

18 thoughts on “Angel Locsin, inaming ‘di na babalik si Robin Padilla sa sitcom

  1. Business is business, nothing personal. Malaki ang gastos sa tv ads kaya naman kailangan mapili sila. Sensitive ang theme ng MHL at sa bansang hindi pa tangap ng buo ang gay relationships natural lang na hesitant pa ang companies, pero malay niyo mamaintain nila ang hype and soon ads will come.

  2. PAREHONG MAGALING ANG ARTISTA NG  ABS AT GMA.

    SA ABS UMAAKTING SILA BILANG ISANG LALAKI AT MAGALING SILA PARA TALAGA SILANG LALAKI…

    SA GMA UMAAKTING SILANG BADING AT MAGALING DIN SILA… MLH….KUDOSSS!!

  3. up to this time,, ang ibang pinoys close pa rin ang isip sa gays and lesbians.  parang sa politics,, ok lang ang  corrupt. saan pa patungo ang pinas?

    • Nag move on na ang ibang countries, okay na okay ang gays and lesbians– because they have other important things to tackle– economy, environment. Pinas pa rin ang naiiwan, dahil sa kitid ng utak– nothing new there. Corruption will always be number#1 in this country kahit na sinong president– Yan, tag ulan nanaman, baha nanaman sa buong kaMaynilaan– mga basurang nakabarado sa imburnal.

  4. Grabe talaga hook na hook po kami sa teleserye ng GMA na My Husband’s Lover. Tatlong Bi sexual po ang nag rerent sa apartment ng lola ko at minsan sabay saby kaming nanonood ng serye at panay po tili nila pag may mga kilig eksena sina Dennis trillo at Tom Rodriguez. Ang saya saya po talaga. yun na po yung bonding time namin… grabeh nato!!!!

    • salamat sa pagiging kapuso kristine abangan mo agb nielsen dyan sa bahay nyo kasama na kayo sa isusurvey nila 

  5. KUNG DI PASUKIN NG MGA ADS ANG MHL EH MALAKING KAWALAN SA KANILA YON. ABA, KAPA-PILOT EPISODE PA LANG EH NAG-TRENDING NA AGAD ANG BEKISERYE NA YAN. AT TALK OF THE TOWN PA. LAHAT NG MGA NABABASA KONG FORUM AT COMMENTS SECTION EH LIKE NA LIKE ITECH. SO MALAKING PAGKAKAMALI NG ADS KUNG DI NILA ITO PAPASUKIN DAHIL, ON THE CONTRARY, MAKAKATULONG ITO SA PROMOTION NG PRODUCTS NILA. DEVAH NAMAN?

    • Eh natural lang sa advertisers kung pumipili sila ng shows kung saan ilalagay yung ads nila dahil may target market sila yung mga produkto na binebenta nila.

      Eh kung puro Beki ang nanunod ng MHL, ano ba ang produkto na mabenta sa mga beki?

      • True ka jan Madam Coco. O kaya mga pagkain at inumin. Boba ba mga advertisers, pasok din naman ang mga food items sa mga beking kagaya natin.Tao din naman tayo, kumakain din! Hahahahahahahaha!

  6. BAKLANG BROCHAS sino ba naman ang may gusto ng sandamakmak na commercials? mabilis ang phasing ng storya kaya mga beki adik na adik sa BEKISERYE na ito! How true na aapir sa bandang huli ang BB Gandanghari para manggulo sa dalawang gay lovebirds? exciting.

    • sana wag naman they dont need a real gay naman MLH magaling na sila lahat… sa GMA umaakting na bading sa ABS umaaktingna lalake… lols

  7. Ano ngayon kung di na babalik si Robin…Ka tagal ng artista hanggang ngayon di pa rin marunong umarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.