Angel Locsin, hinihila sa pagka-nega ng Ampalaya Anonymous

ASTIG ANG PANININDIGAN ni Lovi Poe pagdating sa hamon ng kung anu-anong intriga na pupuwede niyang maranasan dito sa showbiz. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi talaga siya napapabagsak ng kung sinu-sinong kumakalaban sa kanya sa industriyang ito. Iyon daw ang namana niya sa yumao niyang daddy na si Fernando Poe, Jr. Gaya ni FPJ ay marunong rumespeto si Lovi sa mga nakatatanda, ganu’n din sa mga taong nakakatrabaho niya ngayong artista na nga siya.

Marunong makiramdam at mag-adjust si Lovi sa kanyang paligid. Kapag sa isang pagtitipon sa showbiz, aware siya na naroon ang malalapit na tagasuporta ng tunay na pamilya ng kanyang daddy. Kaya lumulugar siya sa dapat niyang kalagyan. Kung pinapansin at binabati siya ng mga tao roon, nagbibigay-galang siya. Pero kung nararamdaman niyang hindi siya gusto ng mga tao sa paligid, nagsasawalang-kibo na lang siya at hindi ipinipilit ang kanyang sarili.

Nitong magdalaga siya at maging ligawin, nang magkasunod na ma-link siya kina Jolo Revilla at sa anak ni Governor Chavit Singson na si Mr. Ronald Singson, pinagbibintangan si Lovi na MATERIALISTIC daw at mahilig sa mamahaling regalo. Hindi na lang niya pinapansin ang mga intrigang iyon. Kapag nasa loob ka kasi ng isang relasyon, normal na talaga ang pagbibigayan ng mga regalo. Mas nakahihiya naman siguro na ang mga anak-mayamang sina Jolo at Ronald ay magregalo ng mumurahing bagay sa isang babae na naging espesyal para sa kanilang dalawa, ‘di ba?

HINDI LANG NAMAN si Maxene Magalona ang nagdusang maging Negastar dahil sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiya bunga ng pinasikat nilang Ampalaya Anonymous. Maging si Angel Locsin ay nagiging Negastar din ngayon, dahil isa siya sa unang nagtanggol sa nasabing grupo, na diumano’y biru-biruan lang naman daw. Pero dahil sa mga kanegahan na nangyari, lumilitaw na nagkaroon talaga ng pagpapatutsada sa ibang artista, sa pamamagitan ng kanilang Twitter account.

Kaya nga hindi na muna itinuloy ang unang plano na pagsamahing bida sa isang teleserye ng GMA-7 sina Maxene at Pauleen Luna, dahil naging kontrabidang antipatika ang anak ni Pia Magalona, at ang alaga nga ni Manay Lolit Solis ang nabiktima diumano ng kanilang mga patutsada. Magsasama rin naman daw sa project sina Maxene at Pauleen, medyo nagpapalamig lang muna, dahil talagang hindi naging maganda sa pandinig ng showbiz ang Ampalaya Anonymous.

Kaya dapat din munang magpalamig si Angel. Kasi nga, si John Lloyd Cruz ang kapareha niya sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Imortal. Hindi talaga makatutulong sa medyo lumamlam na career ni Angel ang mabanggit ang kanyang pangalan, bilang kasama sa Ampalaya Anonymous na kinabibilangan din nina Cristine Reyes, Rich Asuncion, Bianca King at Glaiza de Castro. Ang motto diumano ng kanilang grupo ay: “Kaaway ng isa, kaaway ng lahat!” Sayang, dahil napakabait dati ng image na ipino-project ng ex-girlfriend ni Luis Manzano, ‘tapos ngayon ay kasama siya sa grupong hindi kinatutuwaan sa showbiz, kaya baka hilahin din siya niya sa pagiging Negastar.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Angel Locsin, hinihila sa pagka-nega ng Ampalaya Anonymous

  1. GO GO GO OKS NA OKS LANG IPAGTANGOL NINYO MGA IDOLO NINYO.KAHIT MAKA ANGEL O MARIAN PA KAYO.

  2. HIHIHI NAG AAWAY SILAH. baklitah hindi materialistic si LOVIE POE ANO SIYA “PROFESSIONAL PROSTI” SAYANG NA BATA.PAG PINAGSAWAAN KA NA NG MGA MAYAYAMAN MONG SUGAR DADDY.WALA NG SESERYOSO SA IYO.ANG CHEAP MO DHAY! BAKIT DI KA TUMULAD KAY KC BEA AT SARAH. KUMIKITA SA SARILING PAWIS.NAKU MAG BRUNEI KA NA LANG TULAD NI ATE RUFFING MAS MALAKI MAGBAYAD ANG MGA IYON

  3. weh

    aba iha d nmn to article ni jurassic ah bkit ka dito nagpopost ng comment.turuan mo muna ung idol mo mag ingles daig nya pa d nkapag aral ah

  4. at kaya din walang credibility ang Pinoy Parazzi dahil sa unknown writer tulad nitong si Melchor B.obo. basta lang merong maisulat. haha. Magpalamig daw si Angel. Hello!!! Shonga ka talaga. Ikaw kaya ang magpalamig para naman meron kang maisulat na may sense. Bobo!!!!

  5. naku! sino ba itong writer na unknown na to? hindi kilala. so nagpapakilala kaya kelangan maki ride sa kasikatan ni Angel Locsin. Pwedi ba Melchor na hindi kilala…huli na ang news mo. Gumising ka. Tuloy na ang teleserye ni Pauleen at Maxine…na pareho lang nagpa controversya dahil may teleserye. At hwag si Angel ang sisihin mo sa katangahan mo sa issue nang dalawa na to at dahil din naghahanap ka ng issue para basahin ang sinulat mo. Shonga!!!

  6. rona1326

    bakit teh ano nmn ginawa nya sa sayong kademonyohan?dapat nga c marian ang tawagin mong ganyan eh.marianita demonyita oh db teh bagay???

    • bilib din naman ako sa effort mo… kahit saan at kaninong issue / write up talaga, ipapasok mo galit mo kay marian no ??? ano yan, panata mo ???

      hahahaha !!!

    • sabagay, patunay lang yan kung gaano kasikat ang isang marian rivera… ke issue about angel, GMA, ABS, rating or ano pa man iyan, pasok lagi ang isang marian rivera…

  7. hay naku,nakakawalang gana talaga ang mga ampalaya na ‘yan noh!!!! dapat ang name ni angel ay Demon Locsin

  8. bakit ano kasalanan n angel? ampalaya anonymous happened sometime december at nawala pagkatapos ng holiday season… maski halukayin m ang twitter d siya kasama sa mga nagpatutsadahan dun … si angel nga ang nagamit nila paulene at maxene sali mo na ang shitty na may programa.

  9. Ganun b kaingay ang issue? Di naman ah. Parang wala lang nga. Pinapasikat nyo lang yang paulen luna. Ksama sa ampalaya yung rich asunci0n? Ok.,. Haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.