Angel Locsin, hindi pa rin nakalilimutan si Luis Manzano – Ruben Marasigan

BLOOMING AT MAS gumanda pang lalo si Angel Locsin nang makita namin recently sa launch ng Shop & Share Online Auction held at the Sining Kamalig Art Gallery sa Gateway Mall. Biro nga namin sa dalaga, hindi siya mukhang loveless.  Iba ang sigla at sayang nakikita namin kasi sa aura niya.

Katuwiran ng aktres, happy raw siya dahil marami ang sumusuporta sa nasabing cause-oriented project na pinangunahan nila ni Anne Curtis. Ang dami raw artistang sumuporta at nagbigay ng kani-kanilang donasyon na items na karagdagan sa mga gamit nila ni Anne na io-auction online. Layunin nilang makalikom ng pondo for the Red Cross relief and rehabilitation efforts para sa mga naging biktima ng sunud-sunod na kalamidad.

Ayaw man ni Angel na mapag-usapan, pero hindi makaiwas si Angel na huwag matanong about Luis Manzano.

“Nag-uusap na kami ngayon. Okey naman kami,” matipid niyang sagot.

May lumabas na write-ups recently na parang ang Mom ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos, hinahabul-habol daw siyang suyuin dahil botong-boto nga raw ito sa kanya?

“Ay, hindi… hindi!” Maagap na reaksiyon niya. “Nakakahiya naman kay Tita. Parang… si Luis ang nakikipag-usap. Pero walang gano’n (na hinahabol siyang suyuin ni Vilma).”

Ano nga ba ang chance na magkabalikan sila?

“Mahirap magsalita nang patapos, ‘di ba? Pero hindi naman ako nagmamadali, ‘di ba? So, tingnan na lang natin.”

May tsismis na nagli-link kay Angel sa isang mayamang businessman. Ilang beses na niyang pinabulaanan ang tungkol dito. Pero hindi pa rin naaapula ang nasabing usapin.

“Oo nga. Matagal na siya. Hindi pa siya mawala!” Natatawang sabi ng dalaga. “Well, eh, ‘di sana ibinenta ko na sa kanya lahat ng bags ko at nang hindi na kami nahirapang mag-auction. Ha-ha-ha!

“Wala. Ano ba naman ‘yon? Meron daw akong mayamang businessman? Wala lang, natatawa lang ako! Ha-ha-ha!”

Zero umano talaga ang lovelife niya ngayon. Kahit manliligaw daw, wala.

“Uhm… hindi ako nagpapaligaw ngayon. Pero ini-explain ko naman na hindi pa ako gano’n ka-ready. May mga lumalapit, ganyan. Pero hindi naman ako nagmamadali. Wala lang. Ayoko lang mag-rush. Mahirap, eh. Hindi gano’n kadali.

“Hindi gano’n kadaling mag-recover. Hindi rin gano’n kadaling mag-jump agad sa panibagong pakikipagrelasyon, ‘di ba?

“Okey lang. Nai-enjoy ko rin naman ‘yong… alam mo ‘yon? Na wala akong ibang iniintindi. At saka nakakapag-focus ako sa mga bagay na gusto kong gawin gaya nga nitong Shop & Share. So okey lang.”

Wala na nga ba talagang pag-asang magkabalikan sila ni Luis?

“Ayoko pong isipin, eh. Hindi naman ako nagmamadali, eh. Ayokong isipin talaga. Sa ngayon ang importante sa akin, ‘yong mawala na ‘yong mga samaan ng loob kung meron man. ‘Yong maayos ang relationship namin hindi bilang boyfriend-girlfriend kundi bilang kami. Gano’n lang. And so far. We’re okay naman sa ngayon. Nakapag-usap na kami. Pero ang tagal din naming hindi nag-usap.

“Kung naka-move on na ako? Oo. Pero may mga bagay, ‘di ba, na pinipilit nating kalimutan agad pero hindi agad nakakalimutan? Siyempre, espesyal din naman sa akin si Luis. May pinagsamahan din naman kami. Hindi gano’n kadali, pero I’m okay.”

Nananatili pa ring malaking katanungan, ano nga ba talaga ang naging cause ng kanilang break up?

“Never naman talaga naming sinagot. Kung si Luis nga hindi nagsalita. Ayoko na ring magsalita.

Pero during the time na pumutok ang balitang break na sila ni Luis, nadadawit ang pangalan ni Maricar Reyes. Ang tsismis pa, nadiskubre nga raw ni Angel na may lihim na affair ang dalawa?

“Hindi ko alam kung paano sasagutin, eh. Hindi ko alam, kasi ang focus ko lang ay ‘yong sa aming dalawa. Hindi ako nagsasasali ng ibang tao. So hindi ako dapat magsalita ng kung ano. Parang, kung may nadadamay na ibang tao, sorry… sorry! Gano’n lang.

“May pinagsamahan din naman kasi kami ni Luis. Ayoko namang parang dahil lang wala na kami, bigla akong magsasalita. Mas mabuting tahimik na lang ako,” pagtatapos ni Angel.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

10 thoughts on “Angel Locsin, hindi pa rin nakalilimutan si Luis Manzano – Ruben Marasigan

  1. hahaha nakakatwa si ANgel kasi candidate tatay ni Luis now for VP hehe haha pera pera connection lang kaya sya lang sa lahat ng latest na niligawan ni Luis sa kanya lang pumasa yun lang…

  2. ganda ni angel dyan sa pic. sana lagi siyang nag aayos para lumilitaw ang beauty nya. sa only you kasi hindi siya kagandahan. ayan bagay sa kanya – straight hair and light make up and desenteng suot.

  3. GO ANGEL LOCSIN… FOR PRESIDENT!!!!!!!!!! U HAVE GOLDEN HEART.. THATS THE PHILIPPINE NEEDS RIGHT NOW…………..PLEASEEE VOTE FOR HER AS PRESIDENT……WE DONT NEED MGA POLITICOS NA MATATALINO NGA PERO GINAGAMIT SA PANGUNGURAKOT ANG UTAK… UNLIKE ANGEL NA PERSONAL TALAGA TUMULONG AT NAGBUBUHAT PA NG RELIEF GOODS AND DID AUCTION INITIATIVE JUST TO HELP.. WHAT A PURE HEARTED PERSON.. GOGOGOOOO… FOR PRESIDENT!!!

  4. gumanda ba siya kailan? ah, pag tinapalan ng sandamukal na make-up siguro para hindi magmukhang tsimay..

    deny to death si angel diyan ka naman magaling e ang magtago ng baho nya.. isama nya na ang walang kredibilidad at sugarol nyang manager.. kaya ka palaging nagpapabango ng pangalan para di obvious at front lang naman nya ang pag-charity works para mapagtakpan na isa rin siyang maduming babae.. kaibigan na nga ni ogie diaz ang nakakita sayo sa isang exclusive subd. kasama ang isang anak ng mayamang chinese businessman at noong january pa naisulat yun sila pa ni luis na pinagtataksilan nya! once a pokpok always a pokpok..

    • Kung minsan, ang pagiging tsimay, kitang kita sa ugali. Ang idolo mong si Marian, mas tsimay na tsimay. Kumusta na pala ang batang tinabig ni Marian? Baka nagkaroon nang emotional trauma dahil sa pagkaabusada nang kanyang idolo. Palengkera, mananatiling palengkera. Malaki ang naitutulong ni Angel sa mga kababayan natin. Eh ikaw at and idolo mong si Marian, ano ang nagawa? CONGRATULATIONS TO ANGEL LOCSIN FOR THE SUCCESS OF HER SHOPANDSHARE.PH PROGRAM FOR THE VICTIMS OF TYPHOON ONDOY. YOU ARE A GIFT TO THEM. KEEP UP THE GOOD WORK.

Leave a Reply

Your email address will not be published.