Angel Locsin, hindi lilipat kay Boy Abunda! – Pilar Mateo

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang natsitsismis na paglipat daw ni Angel Locsin ng manager, mula kay Becky Aguila ay lilipat na ito kay Boy Abunda. May ilang tao kaming nakausap na nagbulong sa amin na wala na palang kontrata ngayon si Angel kay Becky at anytime eh, puwedeng umalis at lumipat ng manager ang aktres. Pero dahil malapit at tiwala sila sa isa’t isa, hindi na raw kinailangan ng kontrata pa at mananatili si Angel sa bakuran ni Becky. Pero ‘eto nga’t umugong na naman ang isyung magpapalit na siya ng manager at kay Boy Abunda na raw ito lumalapit.

Agad naming tinext at tinawagan si Angel para klaruhin ang naturang isyu. Diverted ang mga calls dahil nasa Bangkok pala ngayon ang aktres para sa isang shoot. Pero nag-text naman ito at sinabing sinagot na raw niya ang isyung iyon sa kanyang “twitter” account.

Agad naming pinuntahan ang twitter site ng aktres sa Internet at doon niya pinabulaanan ang balita. “It’s not true po ‘yung usap-usapan na si Angel Locsin po ay lilipat na kay Tito Boy Abunda.”

Pinabulaanan din ang naturang balita ng kampo ni Tito Boy.

Nakabalik na nga ngayon sa bansa si Angel matapos ang ilang araw na shoot sa Bangkok. Malamang makikita na natin ang kanyang interview sa mga talkshows sa darating na araw.

MASAYANG-MASAYA NGAYON ANG aktres na si Desiree del Valle dahil sa non-showbiz boyfriend nito. Naka-move on na nga ang aktres matapos silang maghiwalay ni Vhong Navarro. Hindi pa nga inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon, ang narinig na lang ng lahat ay hiwalay na.

Cute naman ang istorya ni Des at ng kanyang bagong boyfriend. Magkababata pala sila at mag-best friend pa since grade school. Naging tulay raw si Des sa kanyang bf ngayon nang manligaw ito noon sa isa sa mga kaibigan ni Desiree.

Mas maigi na raw ngayon na non-showbiz ang kanyang boyfriend dahil medyo nadala na siya. Wala raw pressure ‘pag nagde-date at hindi raw nakatingin sa kanila ang mga tao. Two months pa lang silang mag-on kaya kilig-kilig stage pa raw sila.

Wala naman daw kaso kung mag-guest si Desiree sa Showtime, kung saan host si Vhong, dahil trabaho naman daw iyon at wala siyang problema kung makita, makasalubong o makatrabaho man ang kanyang ex-boyfriend!

‘Yun na! ‘Yung totoo?!

MARAMI ANG NATUWA at nagulat nang makitang magkasama sa premiere night ng Paano Na Kaya? sina Kris Aquino at James Yap, habang karga-karga ng huli si Baby James. Bulung-bulungan tuloy na indikasyon na ito na unti-unti na nilang inaayos ang kanilang gusot mag-asawa. Tama nga naman!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

16 thoughts on “Angel Locsin, hindi lilipat kay Boy Abunda! – Pilar Mateo

  1. lilipat na naman si angel???! hilig talaga niya lumipat kapag wala na siya mpakinabangan. tingnan mo ang karma wala na siya commercial at projects.karma kasi walang utang na loob!

  2. lipat na naman si angel????! hobby talaga niya magpalipat lipat. wala kasi siya utang na loob eh kinakarma na siya..pansin ko wala na siya commercial at project. kawawa naman

  3. Aling Pilar……buhay kp pla…hahahaha..musta na ilong mo…maganda nb? Pilar yn sikat naman ibalita mo…kaya ka lumulubog din..puros lubog binabalita mo…ikwento mo na lang c kuya germs…baka sumikat ka din ulit…heheheh

  4. kahit n ganu pa kapanget c locsin as long as d xa nang aagaw ng lalaki para lang magka boyfrend.ok n un s min.deserving pa rin xa maging artista

  5. sa mga talents ng dos, ok lang na lumipat kayo sa tv5 basta maganda ang offer.
    huwag lang sa gma7 at gaya nga ng sinabi ni eagle riggs:

    “Ang Kapuso Network pala ay walang puso,” ani Eagle. “In a way, nakapagsisisi dahil wala palang sukli yung loyalty mo, e. Hindi pala importante ‘yon. So sana nga gumawa na lang ako ng kalokohan, ganoon din lang pala ang mangyayari, para may napala pa ako. Nagnakaw na lang sana ako sa kumpanya.

    “Hindi nila [GMA-7] alam ang salitang puso,” seryosong sabi niya. “It’s not loyalty, e, yung commitment mo sa isang tao, bilang tao. Hindi yung parang ang trato sa talent ay parang isang bagay lang na basta-basta itinatapon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.