Angel Locsin, gusto nang maging biyenan si Ate Vi!

IPINAGTAPAT NI ANGEL Locsin sa press na gusto talaga niyang maging mother-in-law si Vilma Santos. Pero, aminado si Angel na ang sa kanya, may halong paghanga sa isang idolo. Nai-starstruck daw si Angel kay Ate Vi at hindi pa rin ito mawawala kahit ito ang mom ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.
Puro malalaking artista ang nadidikit sa pangalan ni Angel. Ibig sabihin lang, malapit sa kanya ang stardom at papasok na siya sa liga ng mga ito. Nagawa ni Angel na makabalikwas sa pamamagitan ng Lobo noon, and by careful planning at suporta na rin ng ABS-CBN sa kanya, mas malakas pa sa masang manonood ang ratings ng kasalukuyang Only You na nagtatampok sa kanya kasama sina Diether Ocampo at Sam Milby.
Napalapit din siya kay Sharon Cuneta at nagsabi nga si Mega na si Angel ay type niyang ampunin. Nakatataba ng puso na si Angel ay nagugustuhan ng mga nauna sa kanyang malalaking artista at ito ay tanda ng pagkaka-establish sa kanya bilang big star din naman, na mas pinatindi ng matagumpay at kontrobersyal niyang pagtawid mula sa GMA-7 patungong ABS-CBN.
‘Yun nga lang, sa mga nagtatanong tungkol sa kagustuhan ni Mother Lily Monteverde na pagsamahin sina Sharon Cuneta at Angel Locsin sa bakuran ng Regal Films, mukhang malabo na itong magkatotoo. Super-exclusive na kasi si Angel sa Star Cinema at tanging sa kumpanyang ito na lamang siya makalalabas sa pelikula.
Nilinaw rin ni Angel na talagang tapos na tapos na ang kontrata niya sa Regal Films at nakasiyam na pelikula na nga siya sa walong nakasaad sa kontrata. Ayaw na niyang balikan at palakihin ang isyung ito dahil nagkausap na sila ni Roselle Monteverde tungkol dito.
Basta, ang loyalty ni Angel, nasa ABS-CBN at Star Cinema, at kung sakaling makasama man niya sina Sharon o Vilma sa magkahiwalay na projects, tiyak na sa nabanggit na kumpanya ito magaganap at hindi sa labas.
Ang susunod na assignment ni Angel ay si Aga Muhlach ang makakapareha niya at malamang na idirek ni Cathy Garcia-Molina. Mayroon pa siyang gagawing isa pa na ididirek ni Chito Rono, at pawang naka-schedule ang mga ito this year.

AKTIBO MULI SA akting si Jessa Zaragoza. Kasama siya sa cast ng Rosalinda at iri-release na ng MCA Universal ang kanyang bagong album na bale tribute ng singer sa greatest musical icons. Maganda ang konsepto ng album na ito at fitting comeback para sa minsang tinaguriang Phenomenal Diva.
Nag-mature na rin nga si Jessa. Halatang masaya ito sa buhay at career niyang may bagong sigla. Going stronger ang kanilang pagsasama ni Dingdong Avanzado, at ang positibo pa ring dating, okey lang na mag-promote siya sa SOP at Showbiz Central kahit magkatagpo sila roon ni Rufa Mae Quinto na minsan na niyang nakairingan.
Pero, sabi ni Jessa, “Magkikita at magkikita kami, pero hindi naman ako magpapakaplastik na lalapitan at babatiin ko siya. Mas maganda siguro kung natural na lang na mangyayari, pero para sa akin kasi, wala na ‘yun, eh. Tapos na. Pare-pareho na kaming tahimik.”
Asahan ang pagtatagpong magaganap kina P-chi at Jessa na minsang nagkrus ang landas dahil sa isang lalaki. We’re very sure, knowing these two women, nag-mature na nga sila, pero kilala namin sila bilang mga totoong tao. Palagay namin, magiging maganda ang turn-out ng kanilang pagtatagpo sa GMA-7 kung saan pareho silang naglilingkod, at si Jessa nga, mayroon pang pino-promote na bagong teleserye.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

25 thoughts on “Angel Locsin, gusto nang maging biyenan si Ate Vi!

  1. naku naman un iba dito akala mo kung sino makapamintas, di rin naman ganun kagandahan at katalino si angel kumpara sa mga past gf ni luis at mga na link sa kanya.

  2. yun mga nagsabi noon na makasira si luis sa career ni angel ay kinain ang mga sinabi. parang sampal sa kanilang mga mukha ang mga nega na pinagsasabi nila against luis dahil instead na bumagsak si angel ay lalo pang namayagpag ang career nito. pagpapatunay lang na you can’t put a good man down. mabait talaga ang Diyos. angel and luis are a blessing to each other.

    • Yes, maganda ang kapalaran nila na magsama dahil napagtakpan nila ang pagiging HOMO sa isa’t isa. Ang buhay nga naman nagkatagpo silang parehong ABNO.

    • Blessings each other dahil napapagtakpan ang kanilang itinatagong HOMO. At kung totoo na hindi Homo si Angel ninyo…tsik. No class parang wala ng lalake sa mundo , Si Luisa..naka pink, naka capri pants..Kung umupo nakaipit ang bayag..upng babae na naka-kwatro…ipit na ipit ang bayag. ha..ha..ha. At kung hindi naman bakla si Luisa..Ang diyos ko wala rin siyang class kasi mukhang maruming tingnan si Angel at mabaho..nakaaaaaaaaa. Parehong ABNO.

    • Well, pare=parehong naggagamitan sila dahil parehong may bahong itinatago. Sabagay, lahat sila ay may baho pati ina ni Luisa may baho rin sa nakaraan niya. Bagay silang lahat.

  3. ang galing talaga ni angel. as a person, as an actress. she is able to reinvent herself many times over, each time succesful. and kung gusto siya ni mega, that says a lot about angel. ano naman ang mapapala ni mega kung gagamitin niya si angel, she doesnt need to dahil megastar na siya noh.

    • Ay kaya nga kinuha siya ay parehong bundat sa laki ng wankata. Si Sharon naman ay sobrang plastic minsan at OA masyado eh. Hay, buhay naman oo, pare-parehong mga OA na OA ang dating nitong mga tabatsoy na ito. Si Angel daw ay meagastar? Alam kaya niya ang sinasabi nitong taong ito. At si Sharon ay gagamitin daw si Angel at sino naman si Angel? Angel ng mga masasama. Mabahong tao. Lahat ay tisay siya lang ang mukhang marumi sa katawan at hindi feminine. Hindi mukhang artista ang mukha. Mukhang katulong parang iyon na nga nabalitang anak daw ng katulong dahil sa hilatsa ng mukha..ha..ha..ha

    • Kaso nga ay siya pa ang nadegado nung na-link sa LUISA na iyon. maganda naman siya at bakit kay LUISA siya pumatol. marami na rin akong natatanggap na balita na ginamit lang si Angel para matakpan ang pagiging gay nito. Ang ganda ni Angel, tapos walang appeal itong LUISA na itong kung mag-pose eh nakakwatrong babae at mahilig sa pink at kung magsalita eh…hay, naku appear !

    • Kaso ay hindi marunong pumili ng BF. Bakit si LUISA pa? Dapat sa idol natin ay layuan na siya dahil iniintriga siya sa pamilyang Vilma? No way ! Si Angel na nga ang pinagtatawanan dahil naka-LUISA siya dapat ay magising na siyang talaga lalo na’t humahalik siya sa kapwa babae niya. Please, ayaw namin kay LUISA daw

    • Kaso ay siya ang pinakamapangit sa ABS lahat ay tisay na….Anne, Bea, melissa, Kristine, Roxanne, Shaina at Kim. At si Angel? Purong Mangyan’s beauty mukhang native na marumi na mabaho, walang appeal. Ni tisay little beauty ay wala…mukhang native …sucks…

    • Star talaga kaso ay si LUISA ang lalamon ng kasikatan niya BAKLA daw sabi ng lahat. TSSIKKK, kawawa naman si Idol. Palitan mo na siya. Noon pa naman ay ayaw ko na sa kanya. malakas naman ang appeal pero bakit sa kanya pa? Tuwang-tuwa naman si Vi dahil TAKPAN ang kahihiyang malantad ang pagiging LUISA ng anak niya.

      • Talaga? Bakla? Sabi ko na nga eh…may doubt na ako. Sayang na ganda, na-stocked sa mapagkunwaring half-half. Time to leave him now….go…go..go layasan mo na iyan dahil baka 1 inch lang ang kanya at walang female sex atraction ang kanya..before it’s too late. LAGRA na !

    • Alaways star? Or always HOMO….my god.. ang pangit niya..mukhang native ni wala man lang masabi na mukhang tisay..ULIKBA na walang appeal.

    • hello? anong pagagamit kay ate vi sa election? Made na si ate vi noon pa man and doesn’t need anyone!! period!!

      • ako agree ako sa iyo. nanalo si Ate Vi ng apat na beses na hindi kailanman kinampanya ni Angel. with or without Angel Ate Vi will win.

  4. very funny kagabi

    JOSHUA: mabilis na ako lumangoy
    TJ: oo nga, mabilis nga lumangoy. Kaya naging anak kita.

    haha sperm power..!

  5. I really like her show (ONLY YOU). Natatawa nga ang husband ko kasi ang tanda ko na daw eh kinikilig pa ako dito

    Grabe ang ganda ng ONLY YOU. It’s a feel-good teleserye.

    • So, that means wala kang taste dahil lahat dito sa USA ay sabi … very boring daw at hindi sila bagay dahil matanda ng malaki si Angel kay Sam kaya nawalan na rin ng gana ang mga Sam dahil low class ang beauty niya parang marumi daw na mabaho, barako pa daw at kung mag-dress daw ay hindi lovable dahil pangit tingnan ang tomboy na naka-dress at ang machong maglakad. Pweeee

    • Bad luck siya hanggat na kay LUISA siya. Mamalasin siya sa pamilyang iyan. Bakla na nga eh…tagilid na nga si Angel dahil LUISA nga daw eh. TOTOO bang LUISA siya, Angel. Naku huwag po sanang si LUISA ang makatuluyan ni Angel. Nakakahiya po lalo na sa angkan nina Vilma, may anak na bakla? Kaso mas kawawa si Angel namin.

    • Baka…good-bye. Ingat kayong Angel fans dahil pinag-uusapan na ang pangit, marumi at mabaho ninyong IDOL. HOMO pa…sucks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.