ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND?

NANG LUMIPAT SI Cristine Reyes sa ABS-CBN, ipinangalandakan niya noon na bukod sa mga teleserye ay mayroon din siyang mga pelikulang gagawin sa Star Cinema. Pero nasa pangalawang kontrata na siya sa Dos, wala pa rin siyang pelikulang nagagawa. Puro teleserye ang kanyang nagawa, gaya ng Eva Fonda at nitong huli’y sa Kristine. Kaya hindi pa rin masasabing naungusan na niya ang sister niyang si Ara Mina, na nakagawa na ng maraming pelikula at nagka-award pa.

Parang mauudlot ang kasikatan ni Cristine. Kahit napakaseksi niya, hindi na rin naman siya bumabata. Makakatulong din ba sa kanya ang pakikipagrelasyon kay Rayver Cruz? Saan sila parehong pupulutin kung ganyang habang pinagpapantasyahan pa sila ng kanilang mga tagahanga ay naipa-ngalandakan na ang kanilang relasyon? Delikado rin ito sa parte ng career ni Rayver, dahil wala pang katiyakan ang kanyang kasikatan. Galing lang sa pagsasayaw ang napatunayan niya.

Hindi lang kasi si Cristine ang medyo nagpapaseksi sa kanilang pinagbibidahang teleserye. Nariyan na sina Shaina Magdayao (Alyna), Jessy Mendiola (Sabel) at si Melissa Ricks, na ipapalabas na rin ang bagong teleserye. Kung kinis din lang ng kutis at kaseksihan ang labanan, may kaagaw na talaga si Cristine sa atensiyon ng mga kalalakihan!

WALA NAMANG PROBLEMA kay Angel Locsin kung sa mga panahong ito ay bukambibig ni Phil Younghusband, maging ng kanyang mga kasamahan sa Azkals, ang kanyang pa-ngalan. Kaya lang, maraming mga taong lumalapit sa kanya at nagmamalasakit ang nagsasabing maghinay-hinay rin sa pakikipagmabutihan sa sikat na manlalaro. Masyado na siyang nagagamit.

Isa sa mga nakakabilib na magandang ugali ni Angel ay ‘yung napakabilis mapalapit ng kanyang loob sa mga taong lumalapit sa kanya. Pero marunong naman siyang mag-ingat. Likas sa ugali ng ex-girlfriend ni Luis Manzano ang pahalagahan ang damdamin ng ibang tao. Kaya naaawa siya ngayon kay Phil, dahil maraming nag-aakusa sa binata na siya ay isang uri ng mangga (as in, mangga-gamit!).

Nakaharap at nakausap na rin namin si Phil, bukod sa marespeto siyang tao, may sincerity naman siya sa kanyang mga sinasabi. Baka naramdaman at napansin din ‘yon ni Angel sa kanilang pagkikilala.

Noon pa naman gusto ni Phil na mag-artista, kaya lang ay hindi na siya nabigyan ng pagkakataon sa GMA-7 pagkatapos niyang sumali sa isang singing contest sa TV network. Sobrang baluktot din ang kanyang dila sa pagsasalita ng Tagalog, kaya siguro walang project na naibigay ang Kapuso.

Sikat ulit si Phil nga-yon, kaya abangan na lang natin kung makakatsamba na siyang kilalanin at magkaroon ng break sa showbiz, para hindi na siya intrigahing ginagamit lang si Angel.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

4 thoughts on “ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND?

  1. Mahirap talaga kung may pangalan na ang isang artista, mahirap ng malaman kong sino ang nagpakatotoo or nagsinungaling at mahirap nga mag trust dahil sa privacy issue. Tsk Tsk, the price of success.

  2. ewww,..wala ng career si cristine,,kasiraan at kanegahan ang nakikita ng tao sa kanya,,lalo syang nasira ngayon dahil sa pakikipag relasyon kay rayver at kung ano anong attitude ang pinapakita nya sa ibat ibang stars like sarah,ayaw po ng tao sa babaeng malaswa na sana wag na lang nyang ginaya si ARAMINA,na mas hamak pala,.hehe,,ayaw ng tao ang ganung magsalita,kaya kahit san mo basahin binabatikos sya ng tao,ayaw sa kanya ng tao,,tutal madami namang mas may star at mass apil kesa sakanya,di naman tlaga sya pang lead role,nakilala lang sya dahil sexy thing image,hindi dahil sa gusto sya ng tao,,iba iyon,,if pipol like u kahit di ka mag sexy image,kakagatin ka nila,yun lang yun,,,next in line na lulubog sina SHAINA MAGDAYAO,LOVIE POE,.dahil sa pagbibilang ng walang kwentang bf,,sa murang edad,,ayaw ng tao ng ganyan din,,so watch out sa paglubog nila,,
    JESY MENDIOLA is mala KRISTIN HERMOSA-SOTTO,.may mass apil at ganda ng bata ,magaling umarte,,pang leading lady tlaga,.tlagang ito,,sisikat sya,,pretty tlaga e,..

    i love PHIL,,for angel pero hindi nagyon kapag siguro nasa tamang edad na at panahon,,sa ngayon,dala lang yan ng kilig echos at pagbubuyo ng sinuman,,but we love phil for her,,mukha namang may values at smart si phil ,,pero wag now,,kahit si angel,,ayaw nyang pumasok sa relasyon lalo na baguhan at gumagawa pa lang ng name si phil,,so mahirap na,,iwas padin si angel sa mga guys jan,,,angel wants yung mas matured yung guy sa kanya ,bata pa si phil,,mas bata kesa kay angel,,wala ding mangyayari,if now sila magiging sila,,,angel wants na kung sino yung guy na darating sya na yung makakasama nya s alife,,pero hindi pa daw ngayon,,saka na daw,,stil,angel enjoying single blessedness wid god ,falmiy at real frens nya,,angel deserved a decent,gud influence at may values o takot sa dyos,,,in gods tym sana,,,

  3. Pingback: ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND? | Cristine Reyes ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND? | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

  4. Pingback: Tweets that mention ANGEL LOCSIN, GINAGAMIT NI PHIL YOUNGHUSBAND? | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.