Angel Locsin, ‘di sinipot ang pictorial para sa isang coffee table book?!

HOW TRUE NA ang totoong dahilan kung bakit nagkaroon ng tampuhan ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto ay dahil sa soap opera ng Dos na dapat sana ay pagsasamahan nilang dalawa?

Nagtampo raw nang husto itong si Claudine nang tanggapin pa rin ni Greta ang soap opera kahit wala na siya sa Dos. Iyon daw ang pinagmulan ng away ng dalawa. Magmula raw noon ay hindi na nagkausap ang magkapatid.

Feeling daw kasi ni Claudine, susuportahan siya ng kanyang ate sa move niyang huwag nang gawin ang soap opera ng Dos. But this did not happen, kaya sumama ang loob ng nakababatang Barretto.

Lalo pa raw nagkaroon ng gap ang mag-sister nang lumipat si Claudine sa Siyete nang walang paalam sa kanyang ate.

Napanood namin ang Maalaala Mo Kaya episode ni Gretchen at ang pilot episode ng show ni Claudine sa Siyete. Pareho namang magaling ang dalawa, kaya lang ay angat na angat ang akting ni Gretchen sa MMK episode.

For a pilot episode, hindi namin nagustuhan ang show ni Claudine dahil hindi naman kagandahan ang material ng show. Mas maganda ang material ng MMK ni Gretchen at tama si Tito Boy Abunda, hindi nga dapat palampasin ni Gretchen ang ganitong story.

Sino kaya ang magwawagi sa rating ng dalawang shows?

IMBIYERNA RAW ANG beauty ng fashion designer na si Ariel Agasang kina Angel Locsin at Dingdong Dantes. Hindi raw kasi tinupad ng dalawa ang agreement nilang aapir sila sa coffee table book ng fashion designer.

Matagal nang naganap ang negosasyon para sa nasabing coffee table book na pinamagatang A-List. Kaso, bigla raw hindi na available ang dalawa nang hingan ng schedule for pictorial.

Siyempre, nataranta ang beauty ni Ariel at naghanap na kaagad siya ng kapalit ng dalawa. Nakuha naman daw niya sina Kim Chiu at Piolo Pascual na walang kahirap-hirap.

Anyway, nag-react na si Angel at sinabing wala siyang alam tungkol sa pictorial for Ariel’s coffee table book. Love na love niya si Ariel at hindi raw totoong inindyan niya ang designer. Bakit naman daw niya tatangihan si Ariel gayong isinusuot niya ang mga damit na gawa nito.

Actually, si Becky Aguila pa ang kausap ni Ariel noong kunin niya ito para sa kanyang coffee table book. Hindi pa lumilipat noon ang aktres sa kanyang bagong manager na si Tita Ethel Ramos kaya walang alam rito si Tita Ethel.

Baka naman nakalimutan ni Becky na sabihan si Angel tungkol sa pictorial, hindi kaya?

HINDI PALA PANG-ISANG indie film lang ang beauty ni Lara Morena as producer. May kasunod na kaagad ang ipalalabas pa lang niyang pelikulang Fling.

Naging magastos man, kinaya naman ng powers ng aktres ang movie.

“Hindi naman po ito isang indie film lang kasi after this, I have another project. Nakaplano na po ito. Hindi po ito parang trinay lang. Baka akala po ng iba, isa lang,” pahayag ni Lara after the press preview ng Fling kamakailan.

As a producer, maraming na-discover si Lara.

“Maraming sakit ng ulo. Hindi pala ganoon kadali. Minsan ‘yung mga artista, hindi nagkakatugma ang mga schedule. Tapos magastos kasi five days kami sa Boracay at sa Baguio. Halos 100 kami na naroon,” say ng aktres. “Since nasa industriya naman ako, nag-try akong mag-produce. Kahit na mahirap, hindi naman ako sumuko kasi alam ko namang kakayanin ko.”

Naiiba nga ang Fling ni Lara dahil maganda ang execution ng mga love scenes at hindi naging bastos.

“Hindi porke indie film, bold siya. ‘Yung movie namin, hindi kagaya ng iba. ‘Yung sa amin, konting kiliti lang, not totally bold na movie,” sey pa ng aktres.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKrista Ranillo, nagmamakaawa na ng pansin kay Manny Pacquiao?!
Next articleSey ni Cristine Reyes kina Dennis at Jennylyn: “SANA, MASAYA SILA!”

No posts to display