Angel Locsin, dapat kabahan ‘pag natulad si Luis Manzano sa amang si Edu Manzano

Luis-Manzano-Angel-LocsinAngel-LocsinMALALAKING ARTISTA ng ABS-CBN sina Angel Locsin at Luis Manzano, kaya naman sobrang halos tatlong linggo na ring maingay na naipangangalandakan ang kanilang pagbabalikan. Na wala naman siyempreng masama, dahil kung talagang sa palagay nilang dalawa ay sila nga ang dapat na magkabalikan pagkatapos na si Angel ay mapahiwalay sa kanyang dating karelasyong si Phil Younghusband, at si Luis naman ay kay Jennylyn Mercado.
Masarap ipangalandakan kung gaano nila ulit kamahal ang isa’t isa sa ngayon. Kaya lang kung delicadeza ang pag-uusapan, parang ang bilis-bilis naman nilang nakabawi mula sa mga dapat ay kalungkutan nila mula sa pareho nilang dinaanang hiwalayan kina Phil at Jennylyn. Ano ‘yon, habang sina Angel at Luis ay karelasyon pa nina Phil at Jennylyn ay mayroon pala silang nakareserbang makakarelasyon kapag nadiskarel ang sweet-sweet-an tulad ng nangyari ngayon?
Napakabilis nina Angel at Luis makabawi! Pero sina Jennylyn at Phil ay tahimik lang tungkol sa posibilidad ng bago nilang pakikipagrelasyon. Hindi kasing-ingay ng dakdakan mula sa kampo nina Angel at Luis. Pero nakakakaba din ‘yang ganyang mabilis na desisyon ng balikan at kasalan na daw baka next year? Naku, pag-isipan din ‘yang mabuti dapat, lalo na ni Angel. Paano na lang kung maging like father, like son ang drama ni Luis? Aba, lapitin ng mga babae si Luis at baka magmana siya sa kanyang daddy na si Edu Manzano, na pagkatapos mapahiwalay kay Vilma Santos ay ang dami ring sumunod na mga babaing nakarelasyon, huh!

NOONG FEBRUARY 15 ay mahabang oras na magkasama at magkakuwentuhan kami ni Gladys Reyes, dahil naimbitahan kami ng ating kasama sa panulat na si Tita Len Llanes sa Coronation Night ng Master & Miss Colegio de San Antonio sa San Antonio Village, Antipolo City. Natawa na lang kami dahil aliw na aliw ang magaling na kontrabida sa suot na gown ang mga batang kandidata na kanyang pinagmamasdan habang kami ay nasa okasyong iyon.
“Noon kasing bata pa lang ako na sumali ako sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga ay sobrang simple lang ang gown ko.  Kasi, wala naman kaming pera para bumili ng mamahaling gown nu’ng time na ‘yon. Suwerte ko na nga lang, na kahit hindi ako nanalo ay naging artista naman ako, kaya nakakatuwa lang isipin ang nangyari,” wika ni Gladys.
Masaya rin daw isipin na ang pagsasama nila ni Judy Ann Santos sa Mara Clara noon ay naging tatak din niya sa showbiz. Maging ang kanilang pagkakaibigan ay hindi kumupas kahit ngayong pareho na silang mayroong kanya-kanyang pamilya.

“Lagi naman kaming may communication ni Juday. Walang nagbago sa amin. Pareho kaming happy ngayon sa aming mga sariling pamilya. Ang pagkakaiba lang namin, mas maraming datung si Juday kesa sa akin! Ha-ha-ha!”  masayang kuwento’t pagbibiro ni Gladys.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Angel Locsin, dapat kabahan ‘pag natulad si Luis Manzano sa amang si Edu Manzano

  1. gagamitin lang ni manzano si angel locsin sa pagtakbo niya sa politika. pagkatapos makuha ang ambition ng manzano ay hihiwalayan na lang nito si locsin. Locsin huwag kang tanga huwag kang pumatol kay manzano na sobrang ambisyoso. Gago yang bulok na iyan.

    • gagamitin lang ni manzano si angel locsin sa pagtakbo niya sa politika. pagkatapos makuha ang ambition ng manzano ay hihiwalayan na lang nito si locsin. Locsin huwag kang tanga huwag kang pumatol kay manzano na sobrang ambisyoso.

  2. Ang tagal na nilang hiwalay sa kanilang karelasyon more than five months na at saka mag-Ex sila at hindi na kailangan sa kanila kilalanin ang isat isa so anong masama dyan? Masama lang kong gf pa ni Luis si Jennylyn or bf pa ni Angel ang- Ex nya tapos nagkabalikan sila? yun ang masama…

Leave a Reply

Your email address will not be published.