Angel Locsin, Bea Alozno, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao, magsasama-sama sa isang malaking pelikula

NAG-PICTORIAL NA kahapon, Thursday, sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Shaina Magdayao and Angel Locsin para sa pelikulang kanilang unang pagsasamahan para sa 20th anniversary ng Star Cinema ngayong taon.

Dahil sa kanilang excitement for their first movie project together ay nagsama ang apat na aktres para magtsikahan, magkainan at magsaya.

Angel invited Toni, Bea and Shaina to her house for some bonding moments.

Tinuruan pa ni Toni ang tatlo ng body conditioning workout na kanyang ginagawa na ikinagulat at ikinatawa naman ni Angel, dahil para raw itong may halong dance movements na tila medyo nahirapang gawin ng aktres dahil hindi ito masyado mahilig sumayaw.

At today nga ang alam naming simula ng shooting ng kanilang pelikula hanggang Holy Wednesday bago sila magbakasyon. Matapos ang Holy Week, sabak ulit ang apat sa sunud-sunod na shooting schedule nila ng buong April hanggang sa bago ito maipalabas sa mga sinehan on May 29, 2013.

Wala pang title, kahit working title ang kanilang pelikula, pero ang alam namin ay magkakapatid sila rito.

 

MARAMI ANG nagsasabi na hindi na raw gaanong visible si Alex Gonzaga sa mga show ng TV5 these days.

Although, may nakalaang project naman daw na soap opera ang Kapatid Network para sa young actress, kung saan makakasama nito ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ngayong summer daw ang taping nito, ayon sa aming very reliable source.

Pero how true na baka magkaroon muna raw ng guesting/s ang younger sister ni Toni Gonzaga sa isa o ilang shows ng ABS-CBN habang hindi pa ito nakakapirma ng bagong network contract sa TV5?

Dahil dito, maari rin kayang bumalik ng Kapamilya Network si Alex?

Naulinigan din namin na baka ico-manage na rin ito ng Star Magic. May katotohanan ba itong tsikang ito, Mommy Pinty Gonzaga?

 

BUKOD SA away-pamilya sa pagitan nina Heart Evangelista at ng mga magulang nito dahil sa kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero, mainit ding pinag-uusapan ngayon ang biglang pagputok ng panibagong sigalot ng estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap.

Sa interview ng ilang reporters kahapon sa basketbolista, kung saan napaiyak ito sa pag-aalala sa mga nasabi umano raw sa kanya ng dating misis, gaano katotoo na sinabi rin diumano ni Kristeta kay James sa pag-uusap nila noong nagsasama pa raw sila na, “Tandaan mo, isang iyak ko lang sa TV, mawawalan ka ng career, gaya ng mga ex (boyfriends) ko?”

 

NA-TOUCH NAMAN kami sa ikinuwento sa amin ng isang kaibigan na tinulungan daw ni Dr. Vicki Belo ang manager sa Morato clinic nito sa Quezon City nang sumailalim ito sa operasyon dahil sa pancreatic cancer sa Medical City.

Inabot daw ng P400,000 ang hospital bill ng empleyado ng beauty doctor.

Bukod sa pagdalaw daw ni Dr. Belo sa kanyang clinic manager habang naka-confine ito noon sa nasabing hospital, nagulat at natuwa raw ito sampu ng kanyang pamilya nang akuin ng celebrity doctor ang halos kalahati o higit pang halaga na kailangan nilang bayaran para sa kanyang operasyon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

12 thoughts on “Angel Locsin, Bea Alozno, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao, magsasama-sama sa isang malaking pelikula

    • whattttttttttttttttt insecure k shaina are u kidding? im not a fan of any of dese stars but im just stating a fact… da truth is shaina is already considered a veteran coz she started as a child actress but sorry up 2now she is considred a starlet no commercial value, no x factor….ayan nga nililink naza kun-kanino sikat na aktor at naging dyowa panya c jlc pero wala prin diparin za sumikat…..no offensemeant ha agen just stating a fact….

  1. hindi bagay kasama c shaina coz all are big  and boxoffice stars wile c shaina is only a starlet compared 2 dem….

  2. Wow. Mga blockebuster queens ng ABS-CBN magsasama. Shaina may not have a blockbuster movie to be proud of, susunod rin siya. Toni, Bea and Angel will surely pull this together.

Leave a Reply

Your email address will not be published.